The Hole

173 60 27
                                    

may isang lalaking nangungupahan sa isang apartment. dahil malapit ito sa kanyang trabaho. hindi na nya kailangan pang mag commute, dahil walking distance lang layo ng inuupahan nyang apartment sa kanyang trabaho.

gabi na kung umuwi ang lalaki sa kanyan inuupahan dahil laging tambak ang kanyang gawain sa trabaho.

uuwi para matulog. magpapahinga para mabawi ang lakas bukas dahil may panibago na namang gawain na kanyang tatapusin.

ngunit hindi sya makatulog, dahil sa ingay na naririnig sa kabilang nangungupahan.

hindi na nya ito pinansin pa.

pero hindi talaga tumigil ang ingay. lalo pa nga itong lumalakas habang tumatagal.

iyak ng bata, iyak at sigaw ng babae at lalaki na akala moy nag aaway na mag asawa.

hindi na natiis ng lalaki ang ingay na naririnig kaya nilabas na nya ito para awatin at pagsabihan na hinahinaan ang boses para makatulog na sya.

pag labas nya ng kwarto nya biglang nawala ang ingay na kanyang naririnig kanina. 

pumunta sya sa katabi ng kanyang inuupahan.
may nakita syang butas sa gilid ng pintuan at sumilip sya roon.

wala naman syang ibang nakikita bukod sa kulay blue at kulay pula sa paligid nito.

"wala namang tao"sabi nya sa kanyang sarili. at bumalik na sya sa kwarto nya at natulog na muli.

ilang gabi na ang lumipas ganun parin ang nangyayare. maririnig ang ingay. lalabas ng kwarto at sisilip sa butas kung anung nangyayare sa kapit bahay nya.kung bakit ito nag aaway.

pero ganun parin ang kulay na nakikita nya sa butas ng pintuan. na pinag samang kulay blue at pula ang laging nakikita nito sa buong paligid ng butas.

nagtataka man sya sa nakikita nya, pinag sa walang bahala nya nalang ulit ito dahil mukha wala namang tao roon.

hanggang dumating ang gabi hindi na nya natiis ang ingay na naririnig. dahil nakakaistorbo sa pag papahinga nya.

kaya kumatok na sya sa pintuan.

nakailang katok narin sya pero wala paring sumasagot o nag bubukas ng pintuan.

" sir, wala na hong tao dyan.
matagal na yang bakante" nagulat ang lalaki sa biglang pagkasabi ng taong bigla nalang sumulpot.
nag taka sya "talaga ba? saan nanggagaling yung naririnig kong away ng babae at lalaki at batang umiiyak? " tanung ng lalaki.

"sa pag kaka alam namin ay namatay ang pamilyang nangungupahan dyan" nagulat at kinilabutan ang lalaki sa narinig mula sa matanda. kaya hindi nya maiwasang mag tanung muli "paanong nangyare yun?"lalaki. "sa totoo lang hindi namin alam ang dahilan. pero meron kaming naiisip ng pinag aawayan ng dalawa. dahil sa selos. gabi gabi naririnig ng mga kabit bahay ang sigawan ng mag asawa dahil gabi gabi kasi umaalis ang babae na hindi alam ng asawa nya na kung saan ito pumupunta. hindi ko rin masisisi ang lalaki, dahil  napakaganda naman kasi nang babae asawa nya at ang mga mata nito ay kakaiba dahil kulay blue.
kinabukasan nakita nalang namin ang pamilyang iyon ay duguan na. yung lalaki natagpuan sa sala na halos maligo na sa sariling dugo dahil sa saksak sa tyan nito at ang babae naman ay duguan ang ulo na nakita sa may gilid ng pintuan na nakadilat. dati ay napakaganda ng mga mata nito noong nabubuhay pa .pero noong nakita namin yung katawan nyang duguan na walang malay na nakadilat ang mata. nakita namin yung mata nya na nakakatakot  dahil sa may dugong humalo sa mata nyang kulay blue." biglang nanlaki ang mata ng lalaki at nanlamig sa narinig nya.

biglang nag flashback sa kanya ang lahat. at kinilabutan sa nakikita nya sa butas tuwing sumisilip sya rito.

                   -END-

Ang susunod na chapter ay ibang storya na..

-Enjoy reading :)

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon