HYH|JH One Shot

429 47 11
                                    

Jewel's POV

"Bwiset! Parepareho lang kayong mga lalaki kayo!! Mga manloloko!" Sigaw ko sa gitna ng soccer field ng school namin. Nahuli ko kase yung boyfriend ko na kahalikan yung pinaka kinaiinisan kong tao.

"Hala na pano si ate?"

"Napano yan??"

"Ang bitter teh!" Rinig kong side comment ng mga nakakita at nakarinig sa akin.

Hmmph! Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila! Parapareho lang ang mga lalaking yan! Sinusumpa ko sila! Lalo ka na Mark Tuan!!

Bwiset ka! Manloloko! Alisan kita ng gilagid dyan eh! Magsama kayo ng Jackie na yan! Bwiset!!

"Uhhm.. Miss?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at sumalubong sa mukha ko ang isang fried chicken leg.

"A-Ano yan?" Tanong ko sa lalaking nag abot non. Inabot naman niya ang kamay ko at linagay doon ang piritong chicken leg.

"Fried chicken.. Obvious naman diba?" Aba! Pero sabagay tama naman siya.

Umupo ako sa may damuhan at tumingin sa taas. Naiiyak nanaman ako sa mga nakita ko. Ang sakit..

"Kainin mo yan.." sabi nung lalaki atsaka siya umupo sa tabi ko.

Nakita ko naman na may hawak siyang plastic na puno ng fried chicken legs. Kumuha siya doon at kumain.

"Bakit ko naman kakainin'to? Baka may lason pa'to! Alam ko kayong mga lalaki! Mga manloloko kayo! Meron na nga kayong girlfriend mambababae pa kayo!" Sabi ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

"Ibahin mo ko sa kanila no! Kainin mo na nga yan.." sabi niya kaya kumagat na ako sa manok na binigay niya.

Ang sakit.. Sa sabado na ang 3rd Year anniversary namin eh.. Tapos makikita ko siya na nakikipag halikan sa iba. Kumaat ako ulit sa manok habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Chicken heal our hearts.." napatingin ako ng biglang mag salita yung lalaki.

"W-Why does chicken heal our hearts?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Nginitian naman niya ako.

"Nafeel ko na rin yan.. My girlfriend cheat on me.. All this time chicken lang ang nag papasaya sa akin." Seryosong sabi niya. Natawa naman akong bigla.

"Manok talaga??" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Oo bakit??" Tanong niya. Mas lalo naman akong natawa. Mukha namang nairita siya. Ang cute naman niya.

"Hay! Bahala ka nga dyan! Mauuna na ako.." sabi niya atsaka na siya tumayo pero nag patuloy lang ako sa pag tawa. Paano naging manok ang happiness niya? Ano yun na inlove siya sa manok? AHAHA!

"Mauuna na ako! Bahala ka na talaga dyan!!" Sabi niya sabay lakad pa palayo.

"AHAHA! IKAW NAMAN BIRO LANG!" Sigaw ko pero nag patuloy lang siya sa pag lalakad.

"ANONG PANGALAN MO??" Sigaw ko ulit. Akala ko ay di niya ako papansinin pero nag kamali ako.

"I'M JOSHUA HONG!" Sigaw niya kaya napangiti nalang ako.

****************
Simula ng araw na yon ay lagi ko na siyang nakasama. Naging close kaming dalawa to the point na nag sasabihan na kami ng mga problema namin.

Marami na din akong nalaman sa kanya. Gaya na lang ng isa palang siya Kpop artist. Myembro pala siya ng isang sikat na boygroup na SEVENTEEN. Libro lang kase ang hinaharap ko kaya wala akong alam sa mga ganong bagay. Ang gentleman din niya at higut sa lahat Godly siya na tao..

Medyo naging okay narin naman ako matapos nung mahuli ko si Mark. Hindi ko na siya kinausap at nakipag break na rin ako sa kanya although may sakit parin kahit papaano.

HEAL YOUR HEART | SVT JoshuaWhere stories live. Discover now