Drama 1: Broken Teh

1 0 0
                                    



So heto na nga mga bro, sis. On the way na 'ko sa bus stop ko para pumasok ng work. Ang aga-aga ko eh. 6:00am. Oh pak! 1 hour before arrival.

Advance ako mag-isip.

...or magplano para di tayo masyadong mainstream.

Nakatayo lang ako na nag-iintay sa may bus stop kasi aba ang dami ng taong naka-hilagpa sa bench. Mga early birds din sila. Oh di ba role model.

Nakasuot ako ng earbuds at nagpapatugtog ng Shake It by Sistar. YES.

Weather check muna tayo. Ayun nga hindi kagandahan ang panahon kumpara sa tugtog sa tenga ko at— teka nga may kumakausap sa'kin.

"Nag-iintay ka rin sa bus?"

"Ah?"

Sorreh bingi ako.

"Sabi ko kung nag-iintay ka rin ng bus?"

Kinunot ko ang eyebrows ko at napalaki bunganga ko para ipakita na naintindihan ko siya. Di naman ako stupid eh. Teka ano daw?

"Hindi siguro. Nakatayo lang ako nag-iintay ng ulan, dry na dry na kasi katawan ko."

Nagpigil tumawa si girl. "Di ka po ba naligo ate?"

"Porke dry hindi na agad naligo? Malamang naligo tas nagpatuyo. Utak girl."

Nagpout siya. Aba pacute pa, pindutin ko yang tusok mong ilong eh. "Sungit naman ni Ate, naghahanap lang ng kausap."

"Kung gusto mo ng kausap dun ka sa omegle maghanap, marami dun."

"Oy si Ate nag-oomegle, jowang-jowa ka na noh."

Aba gusto talaga akog subukan ng babaeng 'to ah. Nakisakay na muna ko sa trip niya tutal libre naman walang bayad.

"Oo nga eh. Alam mo kasi kapag nakatikim ka na mas lalo mong gugustuhin."

Nanlaki ang mata ni gurl. "Ha?" Lumapit siya sa'kin. Lakas ng loob. "Teh di ka na virgin?"

"Gaga. Relasyon. Relasyon. Huwag ka ngang bastos."

Siguro di na 'to virgin makatanong wagas.

"Nagtatanong lang. Ipaliwanag mo kasi ng ayos bago mo putulin yung sentence."

"Ipaliwanag? 'Yan din yung pinagpipilit ko sa kanya noon pero hindi niya ko binigyan ng chance kaya ayun yung liwanag, dumilim."

"Ayyy shet broken."

"Hindi fix."

Tumawa siya. "Si Ate palabiro."

"Ako pa ang tinawag mong palabiro? Lahat na lang ba ng mga lumalabas sa bibig ko biro? Ni minsan hindi niyo man lang inisip na seryoso din ako. Seryoso ako sa buhay. Seryoso akong magmahal. Baka ako 'yung biniro."

"Hoy teh, no hard feelings tayo ah!"

"No hard feelings sure. Sanay na naman ako na ako lang ang bumubuhat ng feelings na akala ko buhat niya rin. Sanay nakong mabigatan sa sarili kong katangahan."

"Hala joke lang ih. Tama na teh. Move on na."

"Haha. Move on. Matagal na kong naka-move on gurl. Nakamove on sa fact na hindi pa ko nakakamove on."

"Ano? Ang gulo mo."

"Yan. Ganyan din ang sinabi niya sa'kin kahit sa aming dalawa, siya ang pinakamagulo. Punyemas di ba? Para akong nakikipagaway sa basag. Tanggalin na yung para, basag na talaga."

"Isa lang ibig sabihin niya teh, di mo siya deserve kung ganan ang trato niya sa'yo."

"Sana may nagsabi na niyan sa'kin bago pa 'ko mahulog ng lubusan sa kanya."

"Teh... listen. I might not know what went through pero something good will happen to you someday. Just keep living lang and you'll meet the perfect one for you."

"Alam mo... sana all."

____________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drama QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon