PART 2:
"Steve F. Anderson, 20 years old. The only son of Mr. Roderick Anderson and Mrs. Cecilia Anderson."
Nang marinig ni Steve ang pangalan niya ay umakyat na siya sa stage kasama ng mga magulang niya. Kasabay ng tugtog ng graduation song ang pag-akyat nila sa stage.
Ang sarap sa tainga.Pinagmasdan ko siya habang nakangiti at inaabot ang diploma at nakikipagkamay sa board of regents. Hindi maikakaila sa mukha niya ang saya dahil makaka-graduate na siya, biruin mo pinalampas lahat ng Guidance councilor ang mga ginawa niya noon. Ewan ko kung paano nagawa ni Steve na maka-graduate, feeling ko may ginawa siyang kakaiba. Hihh goosebumps.
"Minah Carbenilla, 19 years old. Daughter of Mr. Larry Carbenilla and Mrs. Bernadeth Carbenilla."
Nang marinig ko ang pangalan ko ay tumayo na ako at tiningnan sina mama at papa. Kapwa sila nakangiti sa akin. Si mama ay umiiyak dahil sa wakas makakapagtapos na ako. Naalala ko kung paano siya humingi ng tawad sa akin dahil sa mga nagawa niya dati. Naiintindihan ko naman sila. Nagawa lang nila 'yon dahil gusto nilang kasuklaman ko sila. Sinisisi nila ang sarili nila sa nangyari sa akin. Nagkaroon pala ako ng amnesia kung saan nakalimutan ko ang kalahating alaala ng pagkabata ko. Siguro kaya nakalimutan ko ang childhood bestfriend ko na si Steve.
Umakyat na ako sa stage kasama ang mga magulang ko at inabot ang diploma ko. Ngumiti ako. Halos pigilan ko ang iyak ko nang yakapin ako ni mama at papa para i-congratulate ako. Sobrang saya ko, parang lahat ng sakit at paghihirap ko noon ay nawala nang dumating si Steve. Para bang bumalik sa aking alaala ang lahat ng nakalipas na nangyari. Tama, siya ang tunay na susi sa alaala ko... sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit tapos na ang kalungkutan ko. Siya ang may hawak ng susi sa naka-lock kong puso. Ay ang cheesy.
Napangiti ako. Natatandaan ko na ang lahat. Magkababata kami ni Steve. Malapit kami sa isa't isa dahil magkapitbahay lang kami. Malaki ang bahay nila katapat ng katamtamang bahay namin. Tuwing aalis ang mga magulang niya dahil magtatrabaho ay ibinibilin siya ng mommy niya kay mama.
Isang araw, napag-isipan naming dalawa na sa bahay naman nila kami maglaro. Ang sabi niya, manood na lang kami. Pinapili niya ako ng gusto kong panuorin. Nakuha ng isang lalaking naka-white coat at hat ang atensyon ko, dahil ang gwapo ng taong iyon.
Ang sabi ko ayun na lang ang panuorin namin dahil mukhang cool 'yung bida. Tiningnan niya ako nang masama at sinabing mas pogi siya kay Kaito Kid. Simula noon lagi ko na 'yung pinapanood. Hiniram ko 'yon at nang isasauli ko na sa kan'ya nakita ko s'yang kumukuha ng pera sa cabinet ng mama niya. Bumalik ako sa bahay namin at hindi muna isinauli ang cd na hiniram ko. Nalaman kong kaya pala siya kumupit ng pera ay para mapansin siya ng mama niya dahil puro nga ito trabaho, workaholic kumbaga.
Kinuwento ni mama sa akin ang nangyari noong naaksidente ako. Lilipat daw noon ng bahay sina Steve dahil nakabili ang tatay niya ng isang malaking bahay sa probinsya. Hindi raw ako tumitigil sa pag-iyak habang hawak-hawak ko ang kamay ni Steve dahil ayaw ko siyang umalis. Tumakbo ako at hinabol ang kotseng sinasakyan nila. At nabangga ako ng isang paparating na kotse.
Pinunasan ni papa ang luha sa pisngi ko. "Masaya ako para sa 'yo anak. Sa wakas nakapagtapos ka na. Hindi mo alam, kung gaano kami kasaya ng mama mo," sabi ni papa pagkababa namin ng stage. Ngumiti ako sa kanila at nagsalita.
"Salamat ma at pa, kung hindi dahil sa inyo wala ako rito." Niyakap ko silang muli.
Inihatid nila ako sa upuan ko. Napatingin ako sa katabi kong si Steve nang magsalita siya. "Pa'no ba 'yan Minah, kaunting oras na lang," rinig kong sabi niya. Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
The Thief
Short StoryMinah Carbenilla is a 19-year-old college student at South Middleton University. One day, she was walking to her school to pay her balance tuition fee when someone snatched her bag but immediately returned it. Wondering what kind of thief would do...