CHAPTER 1

1 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Gazelle

"Good Morning baby" He kissed me on my cheeks and stood up. "C'mon, let's eat breakfast. I cooked, darling. I'm so proud of myself" He humbly said while smiling. I can't help but smile too, but there's something I can't explain. I feel guilty for using him to move on. I still love my ex, and I know it's a bad thing trying to love someone when you already know you can't.

"Really? Wow. I can't wait to taste it, honey" I stood up and hugged him. We went to the dining room of his condo. "Sit, I'll be the one to prepare all of this." I just watched him, God. He's so lovable, and I feel so guilty and ashamed of myself. It's terribly complicated now.

"So, saan ka pupunta mamaya?" He said, he's staring at me now. Those perfect big brown eyes, I'll miss that. I love him, but not the same love I feel about Bryle.

"I don't know, maybe I'll just stay at home. Mainit ngayon eh, nakakatamad lumabas." I smiled at him, he smiled back and he continued eating his food.

Sa oras na ito, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Anong iniisip mo? Mukhang malalim ah." Inakbayan niya ako habang nanonood ng movie dito sa movie room niya. "Babe, paano kung sabihin kong break na tayo?" Hindi ko inalis ang tingin ko sa Screen. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sakin kaya hinarap ko siya.

"Nagbibiro ka lang diba? Hindi naman tayo mag hihiwalay, mahal kita at mahal mo 'ko." Hinalikan niya ako sa right cheek ko at mas lalo pang humigpit ang akbay niya sakin. Lumapit siya sa tenga ko at ibinulong, "Mahal na mahal kita, Gazelle" Napapikit ako ng mariin. Mukhang hindi ko pa kaya.

11 o' clock na nang mapagpasyahan kong umuwi. Pagdating ko sa bahay, walang tao. As usual, nasa Business meeting na naman sila mom. Dumiretso ako sa kwarto.

Six months pa lang kami ni Drake, ang totoo niyan isa lang siyang rebound noong una. Hindi ko sinasadyang magkagusto sakanya noon, talagang namimiss ko lang si Bryle dahil Long distance Relationship kami. Nasa States siya, at ako naman nasa Pilipinas. Umuuwi siya every month para bisitahin ako pero hindi parin sapat yun para sakin, mas okay na may kasama ako araw- araw. Hanggang sa niligawan ako ni Drake. Alam niyang may boyfriend ako pero nangako siya na papasayahin niya ako araw- araw, which he did. Napasaya niya ako noong una. Pero narealize ko na, mahal ko parin si Bryle. Mahal na mahal.

Sinubukan kong balikan siya, pero sinasabi lang niyang, "Takot na ako sa'yo, takot na akong magtiwala sa isang katulad mo. Ilang beses mo akong sinaktan pero sa pagkakataong ito, ayoko na. Pagod na ako. Ayoko nang maging tanga. Mahal kita pero may mga taong napapagod, Gazelle. Kung sasaya ka kay Drake, mas mabuting sakanya ka na lang. Ayoko man ipamigay ka dahil mahal kita pero ginusto mo 'yan. Hanggang dito na lang" Tatlong beses ko siyang pinilit na balikan ako dahil pinagsisisihan ko na talaga 'yun pero ayaw na niya.

Hanggang sa mabalitaan kong, may bago na siyang nililigawan.

May bago nang nagpapasaya sakanya.

Umuwi siya ng Pilipinas at dito ipinagpatuloy ang College niya, 4th year College na kami parehas at same University.

Araw- araw akong pinapatay dahil nakikita ko silang laging magkasama ni Victoria, she's so beautiful. Talented, at laging nakangiti. Gusto siya ng lahat pero tanging si Bryle ang nakakuha ng puso niya.

May mga oras na nawawalan ako ng pakialam, pero nandiyan yung parang may masakit sa puso mo kapag nakikita mo silang masaya na nagtatawanan.

Dati kami yung masaya, dati kami yung kinaiinggitan ng lahat.

  I still love you.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon