CHAPTER 3

1 0 0
                                    


CHAPTER THREE

Gazelle

Alas otso na ng umaga nang magising ako, agad akong nag tungo sa cr para mag toothbrush at maligo. Hindi ko parin sila napapatawad, pinagkaisahan nila ako. Naiintindihan kong gusto nilang magkaasawa na ako para may kasama ako sa buhay pero it'll take time. Si Bryle parin ang laman ng puso ko, kahit na mayroon na siyang asawa. Kasalanan ba ito? Nagmahal lang naman ako.

Kaya hindi ko matanggap na sarili kong magulang, pumayag na ipa- rape ako. Ganun na ba sila ka- desperada para humingi ng apo? Alam kong tumatanda na sila at nag iisang anak ako, pero tama ba naman yun?

Kailangan kong mag unwind, magbabakasyon ako sa Resort ko sa Palawan. Tinawagan ko muna ang mga in- assign kong manager ng business ko at ipinaalam sa kanila na mawawala ako ng isang buwan.

I packed my things at nagmamadaling bumaba sa hagdan ng salubungin ako ni Mom at Dad.

"Anak, we're so sorry. Malaki ang kasalanan namin sa'yo, please give us another chance. Nagawa lang naming 'yun dahil gusto naming na maging masaya ka na" I smirked.

"Masaya dad? Sa tingin niyo masaya akong makipag siping sa taong hindi ko kilala at ang matindi, hindi ko pa mahal! Ano ba ako sainyo dad, isang prostitute na pwedeng ibugaw kahit kanino?!" Hindi ko inaasahang itaas ang boses ko pero hindi sila nag protesta, sa pagkakataong ito masasabi kong hindi talaga perpekto ang tao, kasi kahit yung mga magulang na pinagkakatiwalaan mo, yun pala ang magiging dahilan ng pagkasira mo. Nakayuko lang sila. Mahal ko ang magulang ko pero sumobra na.

"Hindi niyo naman ako kailangang ipa- rape para lang magka- apo kayo agad, hayaan niyong magkaroon ulit ako ng nobyo. Pero sa ngayon, Mom, Dad, hindi ko muna kayo mapapatawad. I'm sorry. Babalik ako, pero sana pag isipan niyo 'yang ginawa niyo. Nakakatawa lang na kayo yung mga magulang ko at ako dapat ang sinesermonan niyo pero heto ako at pinagsasabihan kayo. Please lang Mom, wag niyo akong alalahanin kasi kaya ko ang sarili ko. Malaki na ako, at maalam na akong mag desisyon para sa sarili ko."

"A- anak, saan ka ba pupunta, iiwan mo na ba kami?" Naiiyak na tanong ni Mom. Tumingin ako sakanya ng diretso, "Kung hindi ko kayo mahal Mom, siguro lumayas na ako sa pamamahay na ito. Isang buwan lang akong mawawala. Magulang ko parin kayo at naiintindihan ko kayo, but please pagbigyan niyo ako ng isang pabor" Napatingin silang dalawa saakin.

"Please Mom, Dad, i- atras niyo ang arranged marriage namin ni Neon" Ngumiti si Dad ng matamis saakin at nilapitan ako para halikan sa noo. "We already did that Gazelle, pumayag naman si Mr. Vadel dahil na- realize niya na mali rin iyon. Sorry baby, hinding hindi na talaga ito mauulit. Mag- iingat ka, mami- miss ka namin ng Mom mo." Umalis na ako pagkatapos nun at sumakay na sa kotse ko.

Inihatid ako ni Manong sa Airport, sigurado naman akong nasa Resort ko pa sa Palawan ang isa ko pang kotse kaya hindi ako mahihirapan.

"Salamat Manong, paki bantayan nalang sina Mom. Mag iingat ho kayo" Tumango naman si manong at pina andar na paalis yung sasakyan.

Pagkalipas ng isang oras, tinawag na yung flight ko at sumakay na sa eroplano. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan na isipin si Bryle. Bakit ba hanggang ngayon, siya parin? Siya parin ang nilalaman nitong puso ko. "Do you want something to drink, Ma'am?" Tanong ng attendant. "I'll have vodka, please" Nasa VIP ako nitong eroplanong sinasakyan ko kaya konti lang ang mga tao dito.

Ilang oras lang ang byahe mula Manila hanggang Palawan, nalanghap ko agad ang sariwang hangin pagbaba palang. Inalalayan ako ng bodyguard ko na sumakay sa aking Yacht at nagsimula na itong umandar hanggang sa makarating ako sa Puerto Princesa kung saan nandoon ang aking Resort. Bumaba ako sa Yacht ko at tinanaw ang sasakyan ko na nag hihintay saakin sa may entrance ng Resort. Ibinigay naman saakin ng driver ko ang susi at inilagay ng body guards ko ang luggage ko sa compartment ng sasakyan. Medyo malayo ang lalakarin kung wala kang sasakyan patungo sa Resort dahil bago ka makapunta sa main lobby ay madadaanan mo muna ang napakalawak na sementong daan na sa tantiya ko ay labing limang minuto bago ka makarating kaya hingal na hingal ka na. Pero sa tingin ko naman, walang maglalakad sa lagay na ito dahil exclusive lang ang Resort ko para sa mga kilalang tao. Kadalasan sa mga artista ay dito pinipiling magbakasyon dahil walang nakakalapit na reporters at tahimik ang lugar na ito.

"Good Morning Madam!" Masayang bati saakin ng Manager ko na si Geani.

"Morning, kamusta ang pamamalakad mo dito?" Tumingin ako sakanya.

"Maayos Madam! Dating suite po?" Tanong niya. "Yes" Sagot ko at iginiya ako ng mga body guards ko pati narin ng mga servant sa Resort. Pagdating ko sa tapat ng room ko, sinenyasan ko silang umalis muna. Nag swipe ako at may lumabas na mga number, inilagay ko agad ang code ko at agad naman nagbukas iyon.

Pumasok ako sa loob. "So ito pala ang ipina- renovate nila" Tumingin ako sa paligid at napansin kong mas lalo pang lumawak ang loob nito, nagmukha na nga itong bahay dahil sa laki nito. Ako lang naman mag isa ang narito ngayon.

Humiga ako sa kama para magpahinga at ipinikit ang mga mata ko, nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko.

Nagising ako sa pag- riring ng cellphone ko na nag v- vibrate sa side table. Kinuha ko iyon at sinagot. "Hello?" Paos kong bati sa kung sinong tumawag.

"Hi Anak, nandiyan ka na ba sa Palawan?" Masayang tanong ni Mom.

"Yes Mom, why'd you call?"

"Wala Anak, ipapaalam lang sana namin sa'yo na babalik kami ng US para ayusin ang ilang business natin doon. Kung gusto mong sumunod sabihan mo lang ako ha?"

"Sure Mom, ingat kayo doon. Hanggang kailan naman 'yan?"

"Three months lang naman Anak, pero babalik kami after noon diyan na lang siguro kami sa Pilipinas at hahayaan naming ipa manage ang business natin sa mga kaibigan ng Dad mo." Ngumiti ako ng bahagya.

"Yeah Mom. Ingat na lang kayo okay? Tawag lang kayo kung gusto niyo"

"I love you anak, bye"

"Love you too Ma, pakisabi din kay Dad" Ibinaba ko na ang phone ko at tiningnan ang orasan, 6pm na ng hapon. Ang haba pala ng tulog ko pero inaantok parin ako.

Bumangon ako, hindi pa pala ako nakakapag bihis kaya naligo muna ako at nagbihis, pinili ko ang isang kulay pink na dress, two inches above the knee at mukha namang disente. Lumabas ako ng room ko at nagpasama sa isa kong body guard papunta sa Restaurant na nasa Silangang bahagi ng Resort. Pumasok na ako sa loob at mukha silang nagulat sa pagdating ko.

"Good Evening, table for one" In- assist nila ako papunta sa isang VIP table at tinanong kung anong gusto ko. "Beef Tenderloin, full cooked. A garden salad and a peach wine" Nag nod naman yung waiter at after five minutes dumating na yung order ko.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mag evesdrop dahil may isang babae at lalaki sa nagtatalo sa katapat kong table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

  I still love you.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon