"Goodbye"

42 2 0
                                    

"I'll come back. I promise. Just wait for me, okay?" Sabi niya, with fingers crossed. Tumawa lang ako.

"Yes, I will wait. Promise." Sabi ko at ginaya pa siya.

"Hayaan mo, pagbalik ko, papakasalan na kita agad. One year na lang naman eh graduate na ako doon sa U.S." sabi niya.

"Kasal agad? Ah basta, mark your calendar. March 30. Bumalik ka ha? Or else magtatampo ako. Magkita tayo doon sa dati nating tambayan." Sabi ko.

"Of course, I love you." Hinalikan niya ang noo ko.

"I love you too." I replied while closing my eyes.

Nagising ako mula sa aking panaginip. Napangiti ako. Tiningnan ko ang aking kalendaryo na katabi ng kama ko.

March 30.

Napangiti ako. This is the luckiest day of my life! Makikita ko na ang love of my life ko na isang taong nasa U.S.

Si Wade. Siya 'yung katangi tanging lalaking mahal ko. Well, aside from my dad.

Siya kasi 'yung nagbigay kulay sa buhay ko. And I thank him for that. Naging kami nung summer nung malapit na kami mag-fourth year high school.

Kaso nga babalik daw siyang U.S. para mag-aral. At ngayon, March 30, ang kanyang pagbabalik!

Nagbihis na ako ng disente at inayos ang aking sarili para mamaya. Excited na ako. Si Wade Dizon. Siya ng unang lalaking nagpatibok ng aking puso. Siya ang nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay pa. Mahal na mahal na mahal ko siya. At alam kong pangmatagalan na ang relasyon namin.

Flashback:

Naglalakad ako sa pasilyo. I am a third year high school and I'm a transferee. Hindi ako palaayos kaya wala naman akong naagaw na atensiyon sa hallway. Actually, kahit sa dati kong school... Parang walang pakialam sa akin ang lahat.

Pagpasok ko sa classroom, busy ang lahat so walang napatingin sa akin. Naupo na lang ako sa may likurang bahagi. Hindi ako nakaupo sa may bintana kasi naagawan na ako ng isang lalaki. Nakakainis nga eh. So sa medyo gitna na rin ako naupo.

Pagpasok ng teacher namin, tila parang nag-transform ang klase.

"Class, you have a transferee. Ms. Torres, please introduce yourself in front." And there goes the cliché introduction. Pumunta na ako sa unahan.

"Good morning. My name is Kyla Marilou Torres." I said then went back to my seat. Wala akong pakialam sa kanila kaya maikli lang ang pagpapakilala ko.

Habang nag-oorient ang aming teacher, bumukas ang pinto. May isang lalaking magulo ang buhok, may gitara sa likod, at pawisan ang pumasok.

"Mr. Dizon, go to your seat." Malumanay na sabi ng teacher. Kumunot ang aking noo. Like hello? Late siya. LATE. Hindi ba siya papagalitan. Na-cucurious tuloy ako.

Nang aksidenteng magtama ang aming paningin, ngumisi siya. Yumuko na lang ako. Weird.

Nagpatuloy na sa pagsasalita ang aming guro kaya inangat ko na lang aking ulo para tingnan ang board pero ang ikinagulat ko ay may lalaki nang nasa tabi ko.

Si Wade.

"Hello!" Malakas niyang sabi pero ni isa walang lumingon man lang. Tinaasan ko lang siya ng kilay at ibinaling ang atensiyon ko sa guro.

"I'm Wade by the way. What's your name?" Tanong niya. I mentally rolled my eyes. Ano problema nito? Nakahithit ba ito ng droga? O baka takas sa mental?

The Day You Said Goodbye (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon