Ever since na bata pa ako, sinasaktan na ako ni Papa. Lalo na kung lasing sya. Di sila nakuntento naki-join pa sila Mama at ate. Galing noh? "Pamilya" ko yan! Nang dahil sa pangbubugbog saken ni papa, I can now protect myself. Nang dahil sa panghahagis ni mama ng kung ano-ano, kaya ko na makakuha sa mga binabato nya at ibalik yun ulet kung saan man yun nararapa, parang good reflex. At dahil Kay ate na lagi akong ginagawang punching bag at di ren sya minsan nakukuntento minsan may sampal pa akong abot sa kanya. Galing no? Stress reliever lang ang peg? Pero dahil sa kanya natuto akong lumaban. Manampal ng doble pa ang saket na aabutin mo. At dahil sa kanila Hindi ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal, pag-aaruga. Pero nagawa na nila yun. Thanks to that I can longer get a smile plastered on my face. At dahil dun bansag saken sa school ay "Emotionless Bastard" gandang name. Di mo aakalain na sa babae pala yun? I can now defend myself. Pero Sana, makaranas man lang ako ng konting pag-ibig. Para naman malaman ko kung masarap nga sa feeling. Alas nuwebe na pala ng Gabi. Kailangan ko na matulog. I need to take a rest.
*dreaming*
May nakita akong babae. Nasa isang lugar sya na napakaganda ang view. Muka syang masaya. At may kasama sya. Bagay na bagay silang dalawa. Magka-HH pa sila habang tinitignan yung sun set. They looked free. I wish I could be like them. Sana lang.
*dream ends*
Nagising nalang ako bigla dahil sa pag-aaway nila mama at papa. Tinignan ko yung oras alas tres pasado palang ng umaga. Ano bayan. Makakagising sila ng kapit-bahay nyan eh. *kamot ulo dahil sa stress*
Kainis naman oh! Kinuha ko muna yung cellphone ko. Buti nalang nakabili ako ng android. Naglaro muna ako ng toram. Wala kaming WiFi kaya nakiki-connect nalang ako Kayla aling Josie. Mabait naman sya. Di na nya ako pinapabayad sa WiFi. At amo ko rin sya. Tumutulong kasi ako sa karenderya nya. Tinignan ko ulet yung oras. 3:50 na. Charge ko muna yung phone ko. Mahaba-haba pa naman yung oras eh. Habang ginagawa ko yung assignment ko, bigla akong napaisip kung sino yung babae sa panaginip ko at baket ko ba sila napanaginipan, sabi kasi ng iba, iba raw ang ibg sabihin ng mga panagnip mo minsan. Nagmuni-muni muna ako tungkol dun. And before I knew naka-idlip ako ng bahagya. Pagkagising ko 4:30 na. Magtatrabaho na ulet ako kayla aling Josie. Magluluto pa pala kami. Dali-daling akong naghilamos at nagtoothbrush. Nagpalit muna ako ng damit para Di halatadong gusgusin. At napansin ko tumahimik na ulet siguro nakatulog na sila. Inayos ko muna ang aking pangkahaba-habang buhok. Ginawa ko nalang syang messy bun. At nagdahan-dahan ako paalis ng bahay. Walking distance lang naman yung bahay namin sa kanila. Kumatok muna ako sa bahay nya. At binuksan naman nya ito.
"Oh! Nicole. Sakto ang dating mo. Mag-uumpisa palang ako. Halika pasok." Pagbungad nya saken na may ngiti sa kanyang mga labi. Ngumiti din naman ako. Pero inalis ko rin agad at pumasok na ako.
Nagsimula na akong tumulong maghiwa ng gulay and everything. Tumulong magluto ang everything. (ulet XD) Time check! 6:00 na pala.
Magpapaalam na Sana ako pero pinigilan ako ni ate Josie.
"Ahh Baket po? May gagawin pa po ba tayo?" Tanong ko.
"Ahh Hindi. Wala. Ibibigay ko lang sayo tong allowance mo at itong magiging lunch mo. Good luck sa school mo. Salamat ulet." Sabi ni along Josie. Ang baet nya. Fook Men.... Meh heart is melting... Sheyt natutunaw ako.. Nasusunog ako..
"Ahh Hindi po kayo dapat magpasalamat saken. Ako po dapat ang magpasalamat. Sige po aalis na po ako." Sabi ko at umalis na din ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko at dumiretcho na ako sa kwarto ko. Tinignan ko yung wall clock sa kwarto ko. 6:15 na. Makaligo na nga lang.
*time skip*
Pagkalabas ko 6:30 na. Nilabas ko na yung uniform ko at nagbihis. Inayos ko na yung mga gamit ko. First day of the second week na naman. Katamad. Kinuha ko muna yung cellphone ko at isinilid I to sa bag ko. Isinuot ko na yung wristwatch ko at sabay tingin sa oras. 6:40 na. Gotta go now!!
Habang naglalakad ako papunta sa school may nakita akong pusa. Ang kyut nya. Pero nakahiga lang sya. Lumapit ako. At pagkatingin ko may sugat sya sa paa. Shems poor kitty. Kitten pa naman. Ayun dinala ko nalang sa school.
*school*
Nakadating ako dito sa school at 6:45. Walking distance din naman kasi. Dahil may 15 minutes pa ako pinunta ko muna yung pusa sa infirmary. Sakto may nurse dun. Kumatok muna ako syempre. I need to again show my expressionless face. May narinig akong nagsabi ng come in. Babae yung boses.
"Uhhmm.. May nakita po kasi akong pusa malapit po dito sa school. May sugat po sya sa paa. Pwede nyo po bang lagyan ng bandage or do something sa sugat nya?" Nag-aapura kong sabi. Nag-aalala kasi ako sa pusa. Napangiti naman yung nurse.
"Oo. Kaya naman kaso dito na muna sya magste-stay" sabi nya. Umoo nalang ako at nagpasalamat. Umalis na din naman ako agad. Class 2-B room 206. Second floor ata. I went there as soon as I can. Wala pang teacher. At marami-marami na rin ang tao sa room. Pumwesto ako sa pinaka likod. Left side. Pagkaupong-pagkaupo nilabas ko yung sketchbook ko. Nagstart ako mag draw ng anime rough sketches and some realistic scenery I can get. Ayun sa wakas dumating na yung teacher. As usual in our every first day of school nandyan na naman ang introduce yourself.
(A/N: dito one week ang introductions sa school regulations and whatnot. Sa second week dun na lalabas ang mga subject teachers. Kaya medyo magulo)
Ayun madami, matagal din. Finally time ko na para mag salita I simply said
"I'm Nicole Dela Vega, pissed--i mean pleased to meet you all." At umupo na ako. No one bothered to ask anything to me dahil makakatakot daw aura ko. Parang papatay ( pero kung kanina eh? Lalo na yung mga 5am.) ng tao. I won't bite as long as Hindi mo ako galitin. Natauhan ako, bigla akong napatingin sa kanan ko. Di pa sya na-ooccupy. Siguro natatakot sila. *sigh* mas ok na to keysa may madamay pa ako.
BINABASA MO ANG
My Hero
RandomCurrently finding my hero. Until I met you. Will you save me from the darkness that covers my whole existence? Save me..... Help me..... I need you.... Please.... Stay by my side..... Don't...leave... A/N: First ko po itong story for all those many...