Video 4: Kuya

149 6 3
                                    

Thanks sa pag-comment mo sa last chapter ah? :) Thank you. Enjoy. Sana.

====

-Gary's-Point-Of-View-

Iminulat ko ang mga mata ko. Grr. Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak ah. "'Di ko higaan 'to ah?" Nakakapagtaka. Kela Bogart 'to ah? Bakit ako nandito? "Oh Gary, gising ka na pala. May pagkain na sa mesa 'tol. Kain ka nalang ah." Sabi niya habang may hinahanap sa cabinet niya. "Ba't ako nandito? Ibig kong sabihin, paano ako nakarating dito? Nasa school ako diba?" Lumingon siya sa akin, "Ayy oo nga pala, nakita nga kita 'ron sa school, sa may sahig, nakahiga ka magisa. Hindi mo ba nakita si Mark do'n?" Kunot noo ko siyang tiningnan, 'di niya nakita si Mark do'n? "'Tol, kailangan ko ng sagot hindi ng kunot na noo." Sabay bato sa'kin ng isang damit. "Puro ka kadungisan 'tol, nadapa ka ba kaya ka puro dugo?" Tiningnan ko ang katawan ko, ang damit ko... ang balat ko, puro nga dugo.

"Huh? Ano... 'di ko alam. Hindi ko alam kung nasa'n si Mark, 'di ko siya nakita kahapon..." Kinailangan kong mag-sinungaling, 'di ko pu-pwedeng sabihin ang nasaksihan ko kagabi. "Nako, sa'n kaya 'yun napadpad? Tss. Oh teka ah? Maliligo muna ako, pupunta si pare ko eh." Tango lang ang sagot ko sa kanya. Nako... natatakot na ako, baka malaman na nila na kaibigan ko ang pumapatay. Hangga't maaga pa, dapat magawan na ng paraan.

"Bogs! P're! Buksan mo na 'tong pinto! Dali!" May kuma-katok sa pintuan, saktong papasok na ako ng banyo. "Bogart, ayan na si pare mo!" Sigaw ko. "Sandali nga, 'etong babaeng maton na 'to." At pumasok na ako sa banyo para mag-sipilyo, buti nga't may mga bagong tooth brush sila Bogart eh.

"May mahalaga akong sasabihin sa'yo, Pare." Rinig kong sabi no'ng best friend ni Bogart. "Oh? Ba't ka seryoso?" Patuloy ako sa pakikinig sa kanila. "Tungkol 'to sa kaibigan mo... tungkol kay Gary." Tungkol sa akin? Gulat na gulat ako sa sinabi ni'tong babaeng 'to, 'di ko siya kilala. "What about Gary?" Sagot ni Bogart. "There's something wrong with him." Sa sinabi niya, napalabas ako sa pinagtataguan ko.

"There's nothing wrong with me! Magdahan-dahan ka sa mga pinagsa-sabi mo ah. 'Di mo ako kilala."

"Oo, 'di kita kilala! Maski ang mga kaibigan mo 'di na alam kung sino ka!"

...

Matapos ang pangyayari na 'yun, ay agad na akong umalis. Sino ba siya para husgahan ako? Anong mali sa akin? At paano niya iyon nasabi? Masyado nang kumakalat. Kailangan kong makausap ang kaibigan ko, kailangan ko siya rito! I-text ko? Wala namang cellphone ang mga taga roon. Puntahan ko? 'Di pa ako pupwedeng pumunta sa lugar nila. "Lumabas ka!" Sumigaw nalang ako habang naglalakad papuntang sakayan na patungong Bayan. Napatingin ang mga tao sa akin, binigyan ko lamang sila ng matatalim na tingin.

"Sino nga ba ako?" Mali. 'Di ko dapat hayaan na maapektuhan ako sa mga sinasabi ng babaeng iyon. Hindi siya ang taong dapat kong pinagkakatiwalaan. Dapat siyang... hindi, hindi nanaman. Konting pasensya pa, Gary. Pasensya lang. Hindi alam ng babaeng iyon ang sinasabi niya.

'Oh kaibigan, may problema ka 'ata ngayon? May maitu-tulong ba ako? Nasa may bayan lamang ako mamayang gabi kung kailangan mo ng tulong.' May bumulong sa tainga ko, napahawak ako sa kaliwa kong tainga kung saan siya bumulong. Ang tanging tao na pupwede kong pagkatiwalaan ay nasa bayan mamayang gabi... kailangan ko munang tapusin ang sinimulan.

"Mark... andito ka ba? Mark..." Pumunta muli ako rito sa school na pinanggalingan namin tatlo kahapon. "'Wag ka ng magtago, parang awa mo na... mababaliw na ako kakahanap." Ayokong umalis dito na hindi siya kasama... kaibigan ko siya kahit pa inagaw niya ang babaeng... mali! Wala, wala siyang inaagaw sa akin. Nasa isip ko lamang iyon pero ang totoo wala. Tama, oo, wala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon