Prologue

7 1 0
                                    

Bakit ba ako sa kanya humingi ng tulong?

Oh! Right!

Kase sa lahat ng tao dun sa park, siya lang yung nasamahan ko.

After the incident, naging ganito na ako.

Nobody sees me.

Nobody can hear me.

Nobody can feel me.

Except her...

Pagkatapos nung insidente, every time na gusto kong sumama sa mga taong pauwi na mula park, bumabalik lang ako ulit dito. Sa swing lang.

Then nakita ko siya dun sa bench. Wala ng tao nun bukod sa kanya tsaka sa nagtitinda ng ice cream.

Dapat kase papabayaan ko na lang siya kasi akala ko, di niya din ako makikita katulad ng iba... Pero, tinawag niya ako.

"Sir? There's a blood stain on your shirt."

Yun yung una niyang sinabi.

"Huh? Ako ba kausap mo?"

I asked her. Aba, eh malay mo naman may tao pala sa likod ko diba?

"Yes. Ikaw ang kausap ko."

Fudge! Nakikita niya talaga ako?

"Nakikita mo ako?"

"Yeah! Tatanungin ba kita kung di kita nakikita?"

Okay, ang sarcastic niya. Pilosopa siya.

Nakita kong palapit yung vendor ng ice cream sa babae na nakakakita daw sakin.

"Miss, ikaw na lang ang tao dito... Sinong kausap mo?"

"Ahh, wala ho manong. Naalala ko lang yung huling scene namin ng jowa ko. Sorry, manong ha? Oh, eto po. Umuwi na po kayo. May pamilya pa kayong uuwian. Ipakain niyo na lang sa mga anak niyo yang tinda niyo. Bayaran ko na lang po." sabi nung babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Getting Him Back To His Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon