~FINALE

460 23 2
                                    

Nakatulog si Gilmore nang alas tres nang madaling araw pag katapos ibigay kay Gerthrude ang regalo nito at pag tapos 'nyang kausapin ang dalaga. Naging routine na ni Gilmore kausapin si Gerthrude hanggang sa dalawin 'sya nang antok.

Wala pang kalahating oras na tulog si Gilmore ay naalimpungatan 'sya dahil sa isang kamay na humimas sa buhok niya. Sa pag kabigla napamulat si Gilmore at hinanap nang mata 'nya si Gerthrude. Lumaki ang ngiti 'nya kasabay nang pag tulo nang luha 'nya nang makita ang dalaga na pagod na nakangiti sa kanya.

"Geethrude! You're awake love. Oh my God. Thank you. Thank you.! Hinalikan ni Gilmore ang noo nang dalaga.

"You know what's the date today? Its your birthday. Happy Birthday my Gerthrude." Hindi maipag kaila ni Gilmore ang kasiyahan sa pag gising ni Gerthrude.

Ngumiti ang dalaga sa kanya. At hinawakan nito ang pisngi 'nya. Nanlaki ang mga mata ni Gilmore. Parang walang sakit na mababakas sa muka nang dalaga.

"Mahal naalala mo ba nung una tayong nag kakilala?" Panimula ni Gerthrude.

"Namumulot qko nun nang shells. Tapos nakipag kilala ka sa akin. Nung una nangamba ako dahil sa gwapo ka at taga Maynila. Usap usapan kase na pag gwapo daw at taga Maynila manloloko. Nakaktuwa kase bago ka pa man lumapit bago mo pa man ako makita ay nakita na kita. Natitigan sa malayo. Muka kang lageng seryoso. Naisip ko yang gangyang mukang sobrang seryoso ay imposibleng maging manloloko."

Pumatak ang luha ni Gilmore at tahimik pading nakikinig kay Gerthrude.

"Hindi na ako nakabalik noon sa tabing dagat kase pinagalitan ako ni Tiyo. Ayaw 'nyang lumalabas ako nang bahay dahil wala daw siyang mautusan. Alam mo bang kahit na halos araw araw 'nya akong pag buhatan nang kamay wala ni isang nag lakas loob na tumulong sa akin, Ikaw lang. Nung una ayaw kong madamay ka kaya pilit akong umiiwas. Ayaw kong kaawaan mo ako. Ayaw kong sa twing nakikita mo ako pakiramdam mo napaka nakakaawang nilalang ko."

"Gerthrude!-" Bulong ni Gilmore pero pinigil ni Gerthrude nang daliri niya ang labi ni Gilmore sa pag sasalita.

"Pero nung hinalikan mo ako, kakaiba yung naramdaman ko lalo na nung nag tapat ka na gusto mo ako at nung binigyan mo pa ako nang regalo. Eto ang kauna unahan regalong natanggap ko sa buong buhay ko..." sabay tingin sa kamay 'nya kung saan nakalagay ang charm bracelet.

"...Gilmore Thank you. Salamat kase ikaw yung unang taong nag mahal sa akin nag pahalaga, nag tanggol at nagpakita nang respeto sa akin. Sa twing titingin ako sa mga mata mo hindi awa para sa akin ang nkikita ko kundi pag mamahal tunay na pag mamahal. Alam ko hindi ako expressive na tao. Madalas tahimik ako dahil sa nahihiya ako. Pero gusto kong sabihin na mahal na mahal kita at pasensya kana yun lang ang kaya kong ibigay. Sorry kase naging pahirap ako sayo. Naging pabigat."

"Hindi Gerthrude, never ka naging pabigat sa akin. Masaya ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw din ang pinaka magandang nangyari sa akin." Ikinulong ni Gilmore sa palad niya ang pisngi ni Gerthrude.

"Im sorry Gilmore. Im sorry sa pag hihintay mo sa akin, pero hindi na ako makakabalik pa. Im sorry kung hindi ko maibabalik ang mga pag mamahal na ibinigay mo. Im sorry kung hanggang dito na lang ang laban ko-"

"No...no no, dont go Gerthrude. Hindi pa tapos. Hindi ko kaya!... msyadong mabilis lahat... Let me come back to my senses first kase simula nung pumasok ka sa Operating Room noong araw na yun pakiramdam ko naiwala ko na din ang sarili ko." Hagulgol ni Gilmore. Kung kanina pakiramdam niya wala na 'syang mailuluha pa ngayon punong puno nanaman 'sya.

"Gillmore, hindi man naging sapat ang naibigay kong pag mamahal pasensya na. Pero sa buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko nang ganun. Mahal na Mahal kita Gilmore." Tumulo na din ang luha ni Gerthrude.

GERTHRUDE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon