**
La la la la la la la ~~
Pakanta-kanta pa ko habang naghahalughog sa lugar na to. Nasan ba ko? Bakit may mga naiyak dito sa palagid ko?
May nakita akong malaking glass door. Binasa ko yung nakasulat sa taas "I.C.U." ano to? Ala, ewan.
Hindi ako umalis dun kasi di ba nga may mga naiyak? Makiki-intriga lang ako ha.
"Ah Miss, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa babaeng sa tingin ko ay 18 to 19 years old na.
"Ma, ano na'ng gagawin natin? Ayokong pa syang mawala." patuloy pa din si Ate sa pag-iyak. Sayang ang ganda nya pa naman kaso iyak sya ng iyak.
"Di ko din alam. Hirap na hirap na din ako dito." sabi naman ng kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 40's na sya. Maganda din sya and kamukha sya si Ateng tinanungan ko. Teka nga, nagtanong nga pala ako pero di nya ko sinagot.
"Ate, mawalang galang na. Bakit ba kayo nag-iiyakan? Eh, wala naman kayo dapat iyakan?" humarap na ko sakanya pero tumungo lang sya.
"Hindi ko alam. Hindi ko na alam." bulong si Ate habang umiiyak pa din.
"Ay naku Ate. Kung di mo alam? Magpagamot ka na. Nababaliw ka na yata eh." sabi ko sakanya. Aba di na daw nya alam eh. Tapos iiyak-iyak sya dyan. Duh!
"Ate Belle! Kamusta si Bienna?!" may biglang dumating na lalaki. Hingal na hingal sya. O? San naman tong isang to nanggaling?! Mukha syang narape. Susko naman kalalaking tao, pabaya. Tsk tsk.
"Hindi namin alam. Basta sabi lang ng doctor maghintay kami. Kasi daw mukhang malala ang nangyaring aksidente sa kanya." sagot ni Ateng iyakin kay Kuyang mukhang narape.
"Sht! Kung sana sinamahan ko sya, hindi na sana nangyari to!" biglang sumigaw si Kuya. Ay walang yang lalaki! Kita ng nag-iiyakan na dito sumigaw pa sya? Edi iyon lalo pang umiyak si Ate. Kawawa naman.
"Wag mong sisihin sarili mo Bron! Walang may kasalanan dito. Antayin na lang natin ang sasabihin ng doktor!" Biglang sigaw ng isang 40's na lalaki. Sya yung napansin ko kaninang tahimik lang habang nag-iiyakan tong dalwang babae.
Pinagmasdan ko silang apat. Yung mga iyakan na lang nila yung tanging maririnig sa corridor na ito. Ay teka pati pala tunong ng aircon. By the way mabalik tayo sa seryosong usapan. Bakit ba sila umiiyak? Tsaka ano bang nangyari. Si Kuyang mukhang narape nakatayo habang nakalapat sa dingding yung likod nya. Si Ateng iyakin naman nakaupo habang nakayukong umiiyak. Si Ateng nasa age 40's nakayakap kay Kuyang age 40's din habang umiiyak. What the hell is happening? Tsk. Kung ako sa kanila tatahan na lang ako. Kawawa na sila eh. Hay!
Halos 4 hours na rin akong nandito kasama tong mga nag-iiyakang tao na to pero iba-iba na ngayon kasi medyo tahan na sila. At ewan ko ba? Di ko alam kung bakit di ko magawang umalis dito. Feeling ko kasi kailangan nila ako? Ala ewan ko din.
Sa sobrang tulala ko, di ko namalayan na nagbukas na pala yung pinto ng I.C.U.
"Ahmm! Sino po dito ang mga magulang ng pasyente?" Tanong ng lalaki na kung di ako nagkakamali ay Nurse.
"Kami po, Doc." Ay bobo! Doctor pala hehe. "Kamusta na po anak namin? Maayos na po ba sya? Ano na pong kalagayan nya?" direderetsong tanong ni Ate 40's
"Miss, I'm sorry to tell you thi--" bigla na lang naputol yung sasabihin ng Doctor ng sumabat si kuyang na rape. Ano ba naman yan?! Epal naman eh.
"Anong sorry sorry? Anong ibig mong sabihin ha?!" wow, fierce ha?
"Kalma Bron." awat ni kuyang 40's
"Pano ako kakalma Pa?! Bwiset na!" mukhang galit na galit na sya talaga. Tsk, gusto ko na marinig yung Doctor eh.
"As I was saying. Pasensya na po. Nagawa na po namin lahat ng makakaya namin. Sobrang daming organs ang nadamage sa pagkakasagasa sa kanya. And napektuhan na din po ang brain nya dahil sa pagkakabagok. Sorry, we did our best." Aww, so ngayon alam ko na kung bakit sila iyak ng iyak. Hays ang hirap nga siguro ng mawalan ng anak? Ako kaya? Sino ba ko? San ba ko galing? Kanina kasi bigla na lang ako napunta sa lugar na to at di ko malaman ang dahilan. Hayss
"What the f* sinasabi mo ba saming wala na kapatid ko? Wala na ang Bienna namin? Wala na si bunso. Eh walangyang iyan! Doktor ka pero bakit di mo magawang buhayin ang kapatid ko?!" galit na galit sya. Pinipigilan na sya ng Papa nya. Buti na lang at mas malakas ito sakanya.
"Sorry Sir. Doktor lang kami at hindi Diyos! Ayaw man naming mawalan ng buhay ang kapatid mo pero sya na mismo ang bumigay. Bumigay na ang puso nya. And I'm very very sorry for your lost." sabi ng medyo malungkot na ring Doctor.
"Hmm Doc? Pwede ba namin syang silipin?" tanong ni Ate.
"Pwede po." sagot ng doctor.
"Salamat po." pagkatapos sabihin ni Ate yun pumasok na sila sa loob ng room at umalis na din ang Doctor.
Sumunod ako sa kanila. Aba, curious lang naman ako kung ano itsura nung bunso nila. Baka maganda din. Haha
Pero di ko inaasahan ang makikita ko. Bakit? Bakit ako nakahiga sa kama na yan? Bakit mukha ko ang nakikita kong iniiyakan nila?
"Bunso, ano masaya ka na? Hahaha." tumawa ng mapait si Kuya "Ang bobo mo naman kasi eh, magpapakasagasa ka na nga lang sa 8 wheeler truck pa. Bobo mo talaga kahit k-kailangan." di na nya siguro napigilan at naiyak na lang sya bigla.
"Bienna. Bakit ka ba ganyan? Sabi mo kanina bibili ka lang ng gamit mo sa school tapos ngayon-- n-ngayon n-nakahiga k-ka na dito. Bakit?!" sobrang lakas na ng iyak ni Ate habang nakatingin sa kamukha ko.
"Ano ba kayo?! Hindi matutuwa si Bienna sa mga pinag'gagagawa nyo eh. D-diba anak? Anak, kung nasan ka man ngayon. Sana masaya ka na. Wag ka nang malungkot. Walang ng Kuya Bron at Ate Belle ang mang-uutos sayo na bumili ng kung ano-ano. Pero anak bakit? Bakit nauna ka pa samin? Ikaw ang pinakabata pero iniwan mo na agad kami? Bakit anak? Bakit?!" di na napigilan ng Mama nila at humagulgol na din sya sa iyak. Samantalang ang Papa nila ay tahimik at hindi umiimik habang umiiyak. May biglang pumasok sa kwarto at sinasabing kelangan na daw ibaba ang katawan.
Hindi na ko sumunod sa kanila kasi gulong-gulo na ko. Sino ba ko? Sino yung babaeng walang malay na yun? Bakit ko sya kamukha? Bakit parang di ako nararamdaman ng mga taong yun? Ano bang ginagawa ko sa lugar na to? Bakit ako nandito? At sino yung mga taong iyon? Gulong-gulo na ko. Di ko na alam kung ano na ang gagawin ko.
**