© happierdummy
First story ko po ito. Hehe. Sa totoo lang po madami na kong nagawang story pero uhmmm sa isip ko lang ah! Hahaha. Pag kasi tinatype ko na, nawawala lahat ng naiisip ko. Kaya ayun, wala akong natatapos. Minsan pa nga wala akong nasisimulan. Sana talaga to, mag work out naman. Dahil nga newbie pa lang ako, one shot po muna ah. Thank you po sa magbabasa, sa hindi magbabasa thank you na din. ENJOY! :)
Wanted: Heart Snatcher
All Rights Reserved 2013.
+++++
Tumingin tingin ako sa paligid. Nung napansin kong busy ang lahat (dahil Foundation Day ngayon) sinuot ko na ang oh-so-cool shades ko.
Syempre, gwapo ako eh.
Nilapitan ko na ang target ko. Na sa kasalukuyang nasa bench ngayon. Busy syang nagkakalikot ng cellphone na sa pagkakaalam ko, isa itong Nokia Lumnia 610.
Yun! Yung cellphone nya ang target ko.
Hahaha. Kawawa naman tong future wife ko, cellphone nya pa ang napagtripan ko.
Nag-iisa lang naman sya kaya madali lang.
Eto na.....
Malapit na ko sa kanya...
Eto na ulet....
Eto na talaga!
AT..............
HABLOT!!!!
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH! MAGNANAKAW! TULONG!" >:D
Dahil sa sinigaw nya, pansin ko ang pagtingin ng mga tao. Pero wala muna kong pake. Wala na kong ibang gagawin kundi...
TAKBOOOOOOOOOOOOOO!!!
Hahaha. Narinig ko ang cute at napakagandang paulit-ulit na sigaw ng tinarget ko. Syempre, hinahabol ako. Hahaha.
Dahil isa akong certified runner, sa bilis kong tumakbo nakarating agad ako sa room ko. At umupo sa isang vacant seat. Wooooh! Kahingal.
"WOOOH! SUCCESS!"
Narinig ko ang tawa ng barkada ko. Mukhang lahat ng kaklase ko nag-eenjoy sa labas. Kaya kami lang mga barkada ko ang nandito.
"Hahaha! Success talaga yan. Ikaw gumawa eh. E bakit ba kasi cellphone pa ni jenny ang gusto mong makuha?"
Narinig kong sabi ni jimmy. Narinig ko din ang footsteps nila papalapit sakin. "Bakit nga ba phone nya pa?"
Napakamot ako sa batok ko. "Eh dito kasi madaming info pare. May pictures!"
"Cellphone number!"
"Text messages!"
"Atsaka porn?" Bigla ko namang binatukan si michael sa sinabi nya.
"Loko. Inosente ang asawa ko pre. Waalang alam yun dun sa ganun!"
Tinawanan lang nila ko. Tsssss. Mga siraulo.
"Basta package pag cellphone!" Tuloy ko.
"Sabagay. Patingin nga kami!" Sabi ni charles.
Inilabas ko ang cellphone at ipinakita sa kanila. Pinindot ko yung parang lock at mukha nya ang bumungad sakin.
Tae! Ang ganda talaga ng lalabs ko! Haha. Buti na lang walang password.
BINABASA MO ANG
Wanted: Heart Snatcher
Teen FictionHey! Pakihanap naman yung nagnakaw ng puso ko oh? Hehe. Salamat! :)