*KRIINNGGGG KRIINNGGG
BOOGG..BLAAGG*"OUCH!!!" sabay hawak sa balakang ko
'Ang sakit ng balakang ko , nabalian ata ako. Bakit ba ako nahulog sa kama ko? Ang laki naman ng kama mo Cielo oh!' nakangiwi kong naisip
Pinilit kong tumayo sa pinagbagsakan ko sa sahig para lang magulat.
7:20am
"Ohmy shemay! Malelate na pala aq!" sabay takbo ko sa banyo
"Waaahhh! Ang lamiiiggg" nanginginig ang katawang sigaw ko.paano ba naman basta na lang tumapat sa shower.
Ligo-20mins
bihis-10mins
'paano pa ako kakain 8:00am ang first subject ko kay Miss Tapalia'
'Ako nga pala si Athena Cielo de Vera Montecillo,20 yrs old,a graduating student of BS in Accountancy sa school na pag aari ng mommy ko si Kathrina de Vera habang ang daddy ko naman si Fernando Montecillo ang may ari ng MMG(Montecillo Management Group) at 5 branches ng mall. Pangarap ko sana rumampa bilang isa sa mga sumisikat na modelo pero ayaw ng daddy ko.Nag iisang anak lang ako kaya gusto ng daddy ko na magfocus ako sa negosyo namin.Lumaki ako na lahat ng gusto nila sinusunod ko,syempre pa dahil isa akong ulirang anak.'
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko habang nagsusuklay ng buhok,patakbo akong bumaba ng hagdanan paikot sa living room.
"oh anak?!bakit nagmamadali ka?hindi ka ba kakain?" mommy ko nakabihis at my dalang attache case.
"i'm in a hurry mom.malelate na po ako" sabay labas ng pintuan.
"anak di ba wala kang pasok every saturday?pahabol ng mommy ko.
" ohmyshemay!napatampal aq sa noo ko,sabado nga pala ngayon wala kaming pasok.
'paktay kang bata ka,i'm sure isasama ka sa office'napapailing ako habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay.
"hmm since wala kang pasok today,you can go with me to the office.
" but mom "may pagtutol sa boses ko dahil minsan lang ako pmunta ng office at dahil nakikitaan nila ako ng kawalan ng interes sa company,ginagawa parin nila ang lahat para ako mapapayag after all sa akin pa rin mapupunta ang lahat ng pag aari nila.
"no more but's anak" putol ni mommy sa sasabihin ko habang nangingislap ang mga mata sa saya"matutuwa ang daddy mo dahil sasama ka"
"ok mom"seryosong sagot ko.'hindi po ako sasama ,pinipilit nyo po ako mom'syempre sa isip ko lang! hindi pa po ako sumasagot sa parents ko ng pabalang.
" bihis lang po ako"
"sure anak.i'll wait for you at the car"
* * * * * * * *
MMG Office
"Good Morning Ma'am!" bati sa amin ng security guard sa main entrance ng company.
"Good Morning din" nakangiting sagot ng Mommy ko.Mababait ang parents ko sa mga tauhan nila,sabi ni daddy sila ang dahilan ng kaginhawaang tinatamasa namin ngayon.
"Good Morning po señorita Cielo" malugod na bati sa akin ng bawat guard na madaanan namin.Tango lang ang sagot ko at halos mabali na ang leeg ko sa dami ng tango na ginawa ko.
Pagkapasok namin ng MMG Building,sumakay kami ng elevator paakyat ng 4th floor,doon daw gaganapin ang meeting ng mga Board of directors ng company ni daddy.
'Haist! tinatamad talaga ako dito..magsakit sakitan kaya ako,bahala na nga'
Nakalabas na kami ni Mommy ng elevator,nang bigla akong bumalik papasok ulit ng elevator sabay pindot ng 'G' 'syempre JOKE lang! magagawa ko ba naman yun? kung pwede lang talaga huhuhu'
"Good Morning everyone!Did we miss something? Hi honey,look who's here?" nakangiting bati ng mommy ko sa mga nakaupong Board of Directors na nakaupo sa pahabang mesa..sabay lapit at humalik sa Daddy ko na nakatayo sa gitna malapit sa screen ng projector.
Dahil sa kalokohan ng isip ko hindi ko namamalayan na nakarating na kami sa conference room.
"Hi Dad " lumapit ako kay Daddy at humalik sa pisngi.
"Hello my princess Athena i'm glad that your here" abot tenga ang ngiting bati sakin ni Daddy.
"Obviously Dad" pinilit kong ngumiti para naman hindi mahalata ng mga Board of Directors..
Nakakahiya naman kasi baka sabihin nila na ang nag iisang tagapagmana ng Montecillo ay hindi kinakitaan ng interes sa sariling kompanya diba?
'nakaka pressure din kaya'
Pinaupo na kami ni Daddy para masimulan na ang pagpupulong tungkol sa'Saan nga ba? bakit wala akong maintindihan?kakaloka ha!
"Lumalaki na ang Demands sa produkto natin ng kape sa Batangas,kailangan na natin maghanap ng mas malaking pagkakargahan,lagi na tayong delay sa pag susupply sa mga customer,Napipilitan silang kumuha sa kalaban natin hindi natin pwedeng hayaan na mangyari yun..Baka yun pa ang magiging dahilan ng pagbagsak ng COFFEECIELO!Any suggestions?"seryosong sabi ni Daddy habang binibigay ng sekretarya nyang si Melanie ang mga folder sa mga Board of Directors para mapag aralan'including me!'
Binuklat ko ang folder na binigay ni Melanie, nakasulat doon lahat ng Company na hawak ng MMG at mga graph nito depende sa kita ng Company.
Ang AC's Beauty and Whitening Soap in Laguna is 85% ang kinikita.
AC's fashion Jewelries International in Hongkong is 90%
AC's Supermalls in 5 different places in the Philippines is 90%
Athena's Hotel & Restaurant in Boracay,Manila,Batangas,Romblon,Cebu,Laguna,Tagaytay,Palawan % Baguio is 95%
Athena's Resorts and Hotel in Tagaytay,Rizal,Laguna,Boracay,
Orr.Mindoro,Quezon Province is 90%
but CoffeeCielo in Batangas is 60% only.'How?Last year lng umabot pa ng 90% ang total earnings'
Nagkakaproblema daw sa Manager ng CoffeeCielo naging pasaway na daw at hindi tama ang reports.Kung tutuusin mahigit 30% ang nawawala ayon sa auditor ng CoffeeCielo bukod doon halos 50% ng Delivery Trucking Services ang umaalma sa patakaran ni Mr.George Aguirre.
At dahil sa gusot na ito marami sa mga Proprietor ng Delivery Trucking Services ang hindi na pumipirma ng kontrata sa COFFECIELO ,
kaya kahit mataas ang demands ng mga Clients kung hindi naiideliver wala talagang kikitain lalo na pag inabot na ng expiration ang mga kape.
'well, knowing Daddy hindi niya ito mapapalampas'ang COFFEECIELO ang kauna unahang Company na napalago niya,dito siya nagsimula dahil pinamana pa ito ni Don Francisco Montecillo ang aking abuelo.
"How about you Athena ? Any suggestion?
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
Heaven by your side
General FictionPaano mo ipaparamdam sa taong mahal mo na mahal mo sya .. kung sya mismo pinagdududahan ka?? . . Handa kayang patunayan ni Cielo kay Dave na totoo ang pagmamahal nya? . .gayong may kasunduan sila?Hanggang kailan sila magtataguan ng nararamdaman?