Anong Sabi Mo?

1.1K 34 34
                                    

IT'S JUST THAT, I MISS ONE SHOT STORY hehehe ^____^ pagbigyan niyo nalang ako kahit ngayon lang na ONE YEAR NA ANG WATTY ACCOUNT KO :D HEYPI BDAY CLSAKURALOVES :D

"Anong Sabi Mo?"

(C) Oct 6' 2013 by CLsakuraloves


Kapag yung salitang sinabi sa atin ay ang salitang matagal na nating gustung marinig, minsan nagbibingi bingihan tayo.

Yun sagot na "Anong sabi mo?" na kunyari hindi mo narinig at ang nais mo lang ay  ulitin niya para malinawagan ka.

Hindi ba pwedeng sumagot nalang ng ngiti at sabihin ang gusto mo din namang isagot? Bakit kailangan pang patagalin kung sa huli dun din naman ang bagsak?

Pero maiba tayo sa sitwasyon nila Aldrich at Dale, na sa kakaulit ulit ng huli sa tanong na ANONG SABI MO ay bigla nalang dumami ang mga salitang hindi niya kailanman inasahan na maririnig niya.

YEEEYYY! LET'S START!!!

DALE'S POV.

"Dale saglit!" sigaw ng Ate ko. Siya si Ate Donna ang big sister ko na college na ngayon pero magkasama padin kami sa isang University.

 

"Oh teh? Uwi ka na din? Akala ko bang--"

"Nope, maya pa ako uuwi, tinawag kita para sabihing may gustong makisabay sayo sa pag uwi and heto siya" pagkasabi niya nun, tumalikod siya at itinuro ang lalaking nasa may likuran lang niya. At laking gulat ko nalang nung makita ko na si Aldrich ang tinutukoy niya.

Siya si Aldrich Serrion, classmate siya ni Ate pero one year lang naman ang tanda niya sakin. Matagal ko na siyang gusto pero nakakainis lang dahil di keri ng ganda ko ang tipo niya. Minsan nga naiisip ko ng ang Ate Donna ko ang gusto niya, pero thankful naman ako na hindi siya type ni Ate kaya may chance pa.

"So, maiwan ko na kayo huh?" 



"P-pero at--"

"It's okay sis, iingatan ka niyan promise! Isumbong mo nalang sakin pag pinabayaan ka K?"

"Wala siyang isusumbong dahil hindi mawawala ang paningin ko kay Dale, Don" sabat niya na ikinabilis ng heart beat ko.  Gosh! kung wala lang siya, malamang nasabunutan ko na ang ate ko sa sobrang kilig ko haaayyy!

"Naks" sabay kindat sa akin ni Ate. Then nag wave na siya ng kamay at tuluyan ng lumayo.

Napakamot ako  sa ulo ko nang mga oras na iyon, hindi ko lang kasi alam kung paano ako magsisimula or kung paano siya magsisimula. Magsasalita ba ako o tatahimik nalang? Nakakabobo talaga kapag crush mo ang nasa tabi mo nu? Yung natotorete ka na, nababaliw kapa!

"Hmm, K kalang?" panimula niya at tango lang ang sinagot ko.

"Sigurado? Bakit ang tahimik mo yata ngayon?"

"Huh?" pagtataka ko. Kasi never naman akong naging madaldal sa harapan niya kaya paano niya nasabing ngayon lang ako tahimik? 

"Wala ang sabi ko ang cute mo" OMG! sinabi niyang cute ako? Nyiee sanang totoo nalang.

"Anong sabi mo?" tanong ko dahil gusto ko pang ulitin niya na clear talaga.

"Wala ang sabi ko ang ganda mo" nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na sinabi niya. Kaya naman napa...

"Anong sabi mo?" muling tanong ko na tila wala ulit akong narinig.

"Wala, ang sabi ko i like you" sh-----t anong sabi niya ulit?

"Anong---"

"Ang sabi ko, pwede ba kitang  ligawan?"

"Anong sa--"

"Anong sabi ko ulit? ang sabi ko po matagal na kitang gusto kaya kung pupwede can you be my girlfriend Dale Garcia?"

"Pwedeng pwede" mahinang sabi ko.

"Anong sabi mo?" oww siya naman ang nanggaya ohh?

"Ang sabi ko po--"

TSUP!

"I LOVE YOU" sabi niya 

END!!! WALA LANG :D walang kwenta di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Sabi Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon