Sign. (Oneshot story)

1.8K 55 27
                                    

Dedicated to ate Chee! Hi idol *kaway kaway* :D

***************

'Lord pagnanalo kami sa balagtasan or sabayang pagbigkas, di ko sya titigilan' Naalala ko pa yung time na hiniling ko ang first sign ko. Buwan ng wika noon, nung time na yun gusto ko na rin mag-give up. Sawa na akong masaktan. Pero dahil nga sa gusto ko sya, ay hindi. Mahal na pala. Humingi nalang ako ng sign.

"Kung sumuko na kaya ako?" mahina kong sambit sa kaibigan kong si Ingrid.

"Aray!" Binatukan kasi ako ni ingrid. Napaksadista talaga!

"Gaga. Kung kelan nakahingi ka na ng sign tsaka ka susuko? Kung kelan madami ka ng napagdaanan tasaka ka susuko?"

"Eh kasi naman.." Pagod na ako. Ayoko na.

"Ano? Pagod ka? Tsaka wala ka panaman nagagawa maka-sabi ka ng pagod dyan! Tsaka kung mahal mo talaga si Zeus. Hindi ka mapapagod." Mas matalino ako kay Ingrid, pero bakit ganun sa usapang pag-ibig mas matalino sya sa akin?

Nung sinabi ni Ingrid yun. Napagtanto ko, oo nga naman. Kung kelan marami na akong napagdaanan tsaka pa ako susuko? Tsaka ano ba ang ginawa ko para mapagod? Nakakapagod ba ang titigan sya? Ang mahalin sya? Oo. Pero wala eh, mahal ko sya. Kaya ayun, di ako sumuko. Kahit na madaming dahilan para sumuko ako, may isang dahilan pa rin para hindi, mahal ko kasi sya eh. Yan ang pag-ibig, kahit na madami ka ng dahilan at rason para sumuko, may isang dahilan pa din para patuloy na umasa. Kahit na masakit.

Mas lalo akong nabuhayan ng loob nung nanalo kami ng Balagtasan 3rd place, pati sabayang pagbigkas 3rd place din. Kaya ayun, umasa nanaman ako.

'Lord pagumulan sa tuesday, promise hindi ko iintindihin yung sakit at pagod' Yan ang second sign ko na hiniling ko kay Lord. Hiniling ko yun after ng Buwan ng wika namin. Sabado. Ika-pito ng septyembre ng gabi.

"Ba, humiling ulit ako ng second sign." Sabi ko kay Ingrid. Baba ang tawag ko sa kanya kasi may katulisan ang baba nya tsaka medyo mahaba.

"Anong hiniling mo?" Sabay kagat ng mansanas.

Kakatapos lang ng Buwan ng wika. Nakatambay kami sa harap ng school ng subdivision namin. Ayaw pa kasing umuwi ni Ingrid dahil gagawin nanaman syang utasan ng nanay nya. Tamad talaga. Kaya napagdesisyunan namin na tumambay muna at magkwentuhan. Ah, nga pala. Champion ang section nila kuya, section nya. Oo, mag kaklase sila, at magbestfriend pa.

"Kapag umulan sa tuesday." Binatukan ako. Ginantihan ko din.

"Aray. Bakit mo ko binatukan?" Sabay himas sa parteng bintaukan ko.

"Gantihan lang. Binatukan mo ako eh"

"Kasi naman, yung sign mo impossible. Ang dami daming stars ngayon oh. Sabay turo sa langit. "Tsaka di mo ba nakita na tirik na tirik ang araw kanina?" Shunga talaga! Eh sa tuesday pa naman eh! May tatlong araw pa kaya!

"Syempre alangan naman hiligin ko yung madali. Shunga ka din ano? Edi hindi na sign yun!" Akma ko syang babatukan dahil sa kashungahan nyang taglay pero mabilis itong nakailag.

Dumaan ang linggo at lunes. Pero tirik na tirik ang araw pati sa gabi ang init at ang daming stars. Pero di ako nawalan ng pag asa, Syempre ako si Mari, the Goddess of hopes and dreams!

Pero, nawalan na ako ng pagasa nung tanghali ng tuesday.

"Huy di ka pa ba maglulunch? Aba himala to ah!" Pabirong sabi ni Andrea sa akin, bestfriend ko. Pero imbis na asarin ko sya pabalik, isang matamlay na ngiti lang ang binigay ko. Wala kasi ako sa mood makipagasaran. Pano kasi tirik na tirik ang araw!

"U-uh huh. Bahala ka diyan, baba na kami ni Jowai."

Tumingin ako sa langit, impossible na talagang umulan pa. Packingtape ayoko na talagang umasa!

Pero totoo nga yung katagang habang may buhay may pag asa. Nagbell na, hudyat na uwian na namin. Nauna na akong bumaba kasi gusto ko na talagang umuwi.

"Mariiiii!"

Lumingon ako para malaman kung sino ang tumatawag at nakita ko ang kuya ko, kasama sya. Tumakbo papalapit sa akin ang kuya ko, kasama sya. Pero nagulat ako ng biglang may tubig na pumatak sa mukha ko galing sa..... langit.

Umuulan.

"Zeus, mahal na mahal kita... mahal na mahal pa rin kita.Zeus, masaya ka ba ngayon?" Unti unting umagos ang mga luha ko. Akala ko ba okay na? Akala ko ba tanggap ko na? Pero bakit ganun? Apat na taon na Zeus pero bakit di parin maalis yung sakit? Bakit ikaw pa rin?

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ang malakas na hangin. Ngumiti ako ng mapait. Namatay si Zeus dahil sa car accident. 3rd anniversary namin noon. Oo, nagkatuluyan kami ni Zeus.... Pero di naging madali sa amin ang lahat dahil sa pscho ex-girlfriend nya. Sinira ng ex nya ang break ng sasakyan ni Rade, on the way na sana kami sa resort nila nang biglang nawalan ng break ang sasakyan at bumangga kami sa isang malaking truck. Swerte ko noon dahil hindi ako masyadong napuruhan, pero dahil nga sa hindi naka seatbelt noon si Zeus sya ang napuruhan at dead on arrival sya. 4 na taon akong nagdusa, at patuloy na nagdudusa. Napabayaan ko na ang sarili ko, ang buhay ko. 4 na taong sinisi ko ang sarili ko sa nangyari na pati ang Diyos sinisi ko din. Nawalan ako ng tiwala at pananalig sa Diyos. Lungkot at sakit ang palagi kong nararamdamn sa loob ng 4 na taon. Siguro time na, para pakawalan ko sya at ayusin ang sarili. Pagod na ako, at alam kong nalulungkot sya kung nakikita nya akong ganito. "Zeus, gusto mo na ba talagang pakawalan kita?"

Hndi ko alam pero narinig ko ang boses nya, dahan dahan akong tumingin sa langit "Zeus, pinapakawalan na kita. Hinding hindi kita makakalimutan. Maraming salamat Zeus..... antayin mo ako ah? Maging masaya ka sana sa piling ni Lord." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Lumingon ako sa puntod nya at ngumiti

".......Hanggang sa muli Zeus"

*****

First story ko. :) Kaya sorry kung di maganda. Dapat talaga happy ending to, di ko alam kung bakit ganto ang kinalabasan, anyways sana magustuhan nyo.


Sign. (Oneshot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon