Destiny (one shot)

89 2 4
                                    

“Destiny will find its way, kung kayo talaga, kayo…”

Isang taon at kalahati ko ng pinanghahawakan ang katagang yan, pero hanggang ngayon hindi ko alam kung dapat nga bang panghawakan ko pa yan, tama naman siya eh wag daw kaming mangako kung hindi rin namin kayang tuparin, kung bakit kasi may tamang panahon pa para sa pag-ibig…

Sabi nga sa kanta ni Barry Manillow “We had a right love at the wrong time…”, graduating ako nung nung nakilala ko si Charlotte, nagtatrabaho siya sa isang kumpanya kung saan ako nag-O-OJT kasama ang kaibigan at classmate kong si Andrew. Same age lang kami pero dahil isa akong mabuting estudyante na puro bulakbol nadelayed ako ng ilang sem at sya ay isa ng Doctor, pero kahit ganun napaka-low profile niya na hindi mo aakalain na professional na siya, she looks younger than her age, sabi nya kasi nakuha daw nya ang fountain of youth.

Charlotte was not the typical kind of girl, ni hindi mo nga siya mapapansin kapag dumaan siya sa harap mo, she won’t smile at you unless ikaw mismo gumawa ng first move, hindi ka niya kikibuin unless ikaw ang kumausap sa kanya, pero once you got to know her dun mo makikita ang pagiging child-like niya. She’s very clever and witty at masarap siyang kausap kahit mapa-seryoso man at lokohan kayang-kaya ka nyang sakyan, she doesn’t get offend easily just like any other girls, instead ngingiti lang siya sayo at iinisin ka hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko.

“Hey dude tara lunch na!” napalingon na lang ako sa tumawag saken, si Andrew, ang matalik kong kaibigan

“Sige tol” sabi ko at tumayo na ako sa upuan ko at naglakad kasunod niya

“Tinatago mo pa pala yan” sabay turo dun sa piece ng ivory na hawak ko at ginawang keychain

“Sayang eh, mahal ito kapang binenta ko”

“Yun ba talaga? O baka naman dahil dun sa nagbigay sayo nyan” nakangising sabi nito “ano ba kasing nangyari sa inyo ni Charlotte?”

“Wag na naten pag-usapan pare” iwas ko

“Tol magdadalawang taon na, hindi mo pa rin ba makalimutan?”

Bumuntong hininga lang ako “paano mo kakalimutan, kung araw-araw na lang na gumigising ako siya lang ang naiisip kong dahilan para ipagpatuloy ang mga nasimulan ko…”

“Wow! Ang lalim nun tol ah!”

“Tara na nga, maubusan pa tayo ng pagkain sa canteen” tapos inunahan ko na lang siya maglakad

Mahigit isang taon na akong graduate ng college at full pledge Engineer na rin ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin ulit ako nakikipagkita kay Charlotte, mahal na mahal ko si Charlotte at alam kong ganun din siya saken, pero mas pinili niyang wag ituloy kung anong meron sa amin para daw ituloy ko ang mga pangarap ko, nung una hindi ko maintindihan, bakit kailangan pang itigil kung ano man ang meron samen for the sake ng pangarap ko, akala ko nag-aalangan lang siya dahil sa estudyante pa ako nun at professional na siya, pero ngayon naintindihan ko na, gusto lang niyang unahin ko ang sarili ko at ang pangarap ko kasi ayaw niyang maging hadlang, ayaw niyang limitahan ko ang sarili ko sa pagdesisyon ng mga bagay bagay dahil for sure ico-consider ko siya palagi.

I want to be the man that she deserve, yan ang mantra ko sa tuwing panghihinaan ako ng loob, mahigit isang taon na rin kaming walang communication, hindi ko alam kung duon pa rin ba siya nagtatrabaho, at hindi ko rin alam kung single pa din siya, sabi naman niya kasi hindi siya maghihintay dahil ayaw daw nyang umasa, pero ako hanggang ngayon umaasa pa din na single pa din siya at inaantay ako…

Destiny (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon