FIRST DAY !!!

8 0 0
                                    

'Jc babalik ka ha? '

'Oo naman. Pangako babalik ako, babalikan kita'

BIGLANG NAGLAHO ANG BATANG KAUSAP KO

'JC, JC, JC, asan ka? ..JC'

Kriiinng....

Krriiing....

Krriiinng...


Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. Siya na naman. Bat ba lagi ko nalang siyang napapanaginipan.  Haaaay. Naaalala ko na naman tuloy siya.

Krrrriiiinnnnggg!!!!

"Ay pusa!" anu bayan nakakagulat naman yung alarm clock ko.  Bwisit! Di ko pa pala napatay.. grrrr. Ke aga-aga

Tumayo na ako at kinuha yung alarm clock at pinatay na.  Haaay! May pasok na naman.  By the way ako nga pala si Alexa Gonzales.  Ang pinakamagandang anak (chaar) nina Marissa Gonzales at Reymark Gonzales . 14 years old at 3rd year high school.  At sabi nga nila 'maganda daw ako yun nga lang suplada. Sorry sila ganun talaga ako.

"Lex, anak gising kana ba? Magbihis kana't kakaen na tayo"oh i heard that angelic voice again

"Yes mom,gising na po ako. Sige po susunod nalang po ako" oh diba ang galang ko nakatatlong 'po' ako ngayon kay mommy  😁

"Sige anak" narinig ko na umalis na si mom kaya ginawa ko na ang morning rituals ko

'Tontonononton'(tunog ng cellphone ko) kinuha ko to at sinagot

"Yes hello. Sino to?"

"Try mo kayang tignan ng malaman mo.  Ka hassle ka naman eh"eh?nagalit agad high blood naman ata to masyado. Matignan nga kung sino ..... kaya naman pala 

"Oh I'm very sorry Miss Kathie Hernandez . Nakalimutan ko eh. So anu kailangan mo? "

"ANO KAILANGAN KO?  GIRL BAKA NAKAKALIMUTAN MO NA 7:30 START NG KLASE NATIN " nailayo ko kagad ang cellphone ko.  Grabe naman kasi kung makasigaw tong bruhang to.

"Eh ano naman ngayon? Ang aga pa nga eh "

"Try mo din kayang tignan kung anong oras na " nakakadalawa na to ha sa 'try-try 'niyang yan.  Matignan nga..

"Whaaaaaaaaa"tumakbo ako agad pababa
"Oh my gosh, oh my gosh mom"

"Bakit nak, anong nangyari?  May problema ba? " di ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mukha ng mom ko. Di maipinta dahil sa pagkataranta

"Mom I have to go,  malalate na po ako "

"Pero nak,di kapa nakakaen ah?"

"No mom, don't worry sa school nalang po ako kakaen. Bye mom" kiniss ko na siya sa pisnge nga then umalis na

"INGAT KA ANAK HA"narinig kong pahabol na sigaw ni mom

--------

Pagkababa ko sa sasakyan namin agad akong tumakbo.

TAKBO

TAKBO



TAKBO

Haaayy... thanks God for how many years sa wakas  nasa tapat na din ako ng classroom namin *pant* nakatayo na ako ngayon sa tapat ng pinto at nakahawak sa dibdib ko hinihingal kaya ako.  Nakakapagod din kayang tumakbo. Pero sandali nga,bat ang tahimik naman yata sa loob . ' naku lagot, baka nandiyan na si mom ' i said back of my head. Bubuksan ko na ang pinto. Pero syempre nakayuko ako nakakahiya naman kasi kay ma'am, first day of school late ako.

"Sorry po ma'am  I'm l.." pagkaangat ko ng ulo ko wala akong nakitang kahit ni isa kong classmate , kahit nga mga kaibigan ko wala eh. Asan na kaya sila.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko at nang nahanap ko na ay agad kong tinawagan si Kathie.

"Girl asan ba kayo? "Me
"Andito sa school , eh asan ka ba? "Kathie
"Nandito kaya ako sa room natin wala namang tao" pagkasabi ko nun ay may narinig akong nagtawanan
"Sandali nga pinagtatawanan niyo ba ako ha?" Sabi ko na halatang naiinis na
"Hahahaha mala..hahaha mang... walang tao. Hahahaha diyan eh hindi kaya pumasok so ma'am, so we're  free now hahahaha" sabi niya na halos mamatay na sa kakatawa... mga lokang to napagtripan pa ako. Kainis!
"Letsugas kayo!! Asan na kasi kayo?" Sinasabi ko yan habang nagpapadyak padyak. Nakakainis din naman kasi halos na nga ako madapa kanina sa pagmamadali.. tapoa...nakuu!! Talaga pagnakita ko sila...
"GIIIRRRRLLLL" nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko
"Aray naman Kathie kung makasigaw ka naman, gusto mo bang basagin eardrum ko? "ang hilig-hilig sumigaw
"Sorry,kasi naman po salita ako ng salita dito sa awa ng Diyos walang sumasagot,kaya kala ko nakatulog kana"
"Che!!ewan ko sayo. Asan nga kayo? "
"In our favorite place "
"Yun klaro,sige punta na ako diyan" pagkasabi ko nun agad ko ng binaba at nagsimula ng maglakad

--------

Ayun sila nakatalikod sakin nagkwekwentohan . Agad akong lumapit sa kanila at piningot ang tenga isa-isa

"Aray ko naman Lex"
"Ouuch"
"Tama na, aray ko" kanya-kanya silang reklamo

"Hahahaha. Nakakatawa mga mukha niyo.  Epic masyado"nabigla ako ng sabay-sabay din silang tumawa

"Eh? Bat kayo tumatawa?" Tanong ko ng nagtataka

"Sino naman daw nauto? Hahahaha" si Barbie Leonard ang nagsabi nun, isa sa tatlo kong mg kaibigan at ang pinaka palaban sa lahat.

"Hahahaha musta naman ang pagmamadali girl?" And that's Ynna Alvarez ang pinaka makulit samin

"Hahahaha,tama na nga yan ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa " yan si Kathie Hernandez,  di napaghahalataang matalino dahil sa kakalogan ng utak

"Buti nga sayo"sabi ko,  nagkukulitan pa kami at kung anu-ano lang mga pinagsasabi ng mga to dahilan ng tawanan

"Oh look who's here. THE SLUTS " natigil kami sa pagtatawanan dahil sa sinabi ni Bridgette Sai anak ng may-ari ng school na to. Napadaan pala tong bakulaw na to.

"Anong sabi mo?" Sabi ni Barbie sabay tayo. Buti nalang nahawakan namin dahil susugod na eh walang patawad.

"Ano na naman bang problema mo?" Sabi ko sa kanya

"At lunalaban ka na talaga "sabi niya na akmang sasabunutan na ako buti nalang nahawakan ni Ynna yung kamay ni Bridgette

"Pwede ba babae, tumigil ka nga,wala naman kaming ginagawang masama sayo kaya umalis kana" yan ang gusto kay Ynna, hindi porket may pagka childish  at makulit palaban din yan at teklop sa kanya si Bridgette dahil ang pamilya nila Ynna ay may shares din sa school  na to.

"Hindi pa tayo tapos" sabi niya at tinignan kami isa-isa at umalis na kasama ang mga alalay niya

"At kayo naman (turo sa mga taong kanina pa nanonood) alis na tapos na ang palabas, mga chismoso't chismosa"sabi ni Kathie ng pasigaw sa mga studyante

"Oh Kathie nandiyan ka pala?  Akala ko kasi wala, di ko manlang na feel yung presence mo kanina"sabi ni Barbie na kala mo'y nagulat

"Tsk. Alam ko namang kaya niyo na yang tatlo.  Kita mo na kay Ynna palang teklop na " sabi ni Kathie dahilan para magtawanan kami. Yan ang barkada ko. Di namin hahayaang basta-basta nalang papaape.

[A/N]
     sana may nagbabasa nito ☺☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAI ACADEMY(SA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon