Chapter 2

9 3 2
                                    

"Hmm, i think i know who's the suspect."

Napatingin kami kay Kise. At mukhang nakuha ko na rin kung sino, just by hearing that statement from Martha, we can determine who really is the suspect. Ha! This was so easy. Easy as one, two, three.

"Then let's spoil it to them, kung ano ba talaga ang pakay ng suspect." Sabi naman ni Kea sabay nagsmirk siya.

"Ha! This is really exciting! Ilang buwan na rin nung huli tayong nakapag solve ng crime." Sabi ni Shawn.

Lumapit si Kise sa pulis at binulungan niya ito...

"Ms. Martha, thank you for your help." Nakangiting sabi ni Kise kay Martha kaya nagulat siya saka tumango..

"Patrick Sarmiento, we heard that you have an affair with Martine's bestfriend which is Samantha..." panimula ni Kea. Hay jusmiyo eto nanaman ang  mga mukha nila! Soooo serious. "Then can you tell us how? I mean how do you have an affair with Samantha ng hindi nalalaman ni Martine." Dagdag niya.

Bumuntong hininga muna siya saka nagsalita.

"It's... true that me... and Samantha had an affair. Kapag wala siya sa tabi namin dun kami nagiging sweet sa isa't isa, kapag naman walang pasok, palihim lang kaming nagkikita. And yes, ang akala namin hindi niya na malalaman ang tungkol dun sa affair namin ni Sam but she confronted me, and tell everything... ang sabi niya magbreak na daw kami, pero di ako pumayag mahal na mahal ko siya eh." Sabi niya

"Eh kung mahal mo pala eh bakit tinwotime mo pa! Sira na a--- Ouch!" Reklamo ni Shawn dahil nakatanggap siya ng sapak galing sakin! Below the belt na kaya yung sinabi niya

"Mahal ko nga siya, pero kailangan din ako ng pamilya ko, kilala ang pamilya nila Sam pagdating sa bussiness at ginamit nila ang kapangyarihang yun para pabagsakin si Lolo at ang company niya, and the only way to get back our company is to marry Sam... that's why ginawa ko ang lahat just to win back our company." Naawa ako sa kanya, wala pala talaga siyang choice. I admire him for being strong.

"Oh, im sorry for what i've said." Sabi ni Shawn.

"I was thinking if Sam and Martine had an arguement before this happened. Am i right?" Tanong ko tapos tumingin ako kay Sam tsaka ngumiti.

"Y-yeah, we had." Tipid niyang sagot... at mas lalong pa akong napangiti.

"Then you are the one, i guess you know who killed her." Dagdag ko sabay ngiti sa kanya.

"Ha? N-no its not me. Before this happened pinatawad niya na ko." Tanggi naman niya.

"Pero wala naman akong sinabing ikaw ang pumatay sakanya ah? Why are you acting like you're guilty?" Tanong ko

"A-ano.. kasi p-parang sinasabi mo na ako yung.. p-pumatay sa kaibigan ko! S-sabi ko nga d-diba? Pinatawad niya na ko!" Utal utal niyang sabi.

"At yun naman ang naging way mo para mas mapadali ang pagpatay sa kanya? Hinayaan mong pagkatiwalaan ka niya ulit atsaka mo babaliin ang tiwalang iyon. Tss pathetic! " Sabi ni Kea

"Umakyat kayo sa rooftop ng school kung saan malapit ang room niyo.. at para mapagbintangan na si Patrick ang pumatay, hiniram mo ang phone ni Martine at dinial ang number ni Patrick, ilang sandali pa ay nilabas mo ang baril mo at saka iyon tinutok sa kanya. At ang narinig na pagsigaw ni Mr. Sarmiento ay ang sigaw ni Ms. Martha." Sabi ni Kise, he's really great in terms of observing.

"Pinatay mo siya gamit ang baril at pagkatapos mo siyang barilin itinulak mo siya sa rooftop para isiping isa itong suicide." Dagdag ni Shawn.

"Wala naman kayong proof na gumamit nga ako ng---"

"Ms. Jirayu, ito po ba yung pinapahanap niyo? Nakita po namin yan sa upuan ni Ms. Samantha." Sabi ng isang pulis na kakapasok lang

"How could you? That's not mine! Hindi akin yang baril na yan!!" Sigaw ni Sam

"Pero wala naman ulit akong sinabing sayo ito. Hmmm, you're really weird." Sabi ko sabay smirk.

"Hindi ka pa ba aamin? Kahit na may ibendensya na kami laban sayo?" Tanong ni Kise

"Fine. Ako nga! Eh ano naman? Ginawa ko yun para masolo ko na si Patrick, i really love him but he cant love me back." Pagsuko ni Sam

"What a selfish girl! Pinatay mo ang sarili mong kaibigan dahil lang sa napaka selfish mong pagmamahal?!" Sigaw ni Kea .

"Tama na yan Kea! Pakilagyan na ng handcuff si Ms. Sam---" hindi na natuloy ni Shawn ang sasabihin niya dahil nagulat kami ng maglabas siya ng baril at itinutok sa amin yon!

"Sige subukan niyo kundi ipuputok ko tong baril na to! Huwag kayong gumalaw kung ayaw niyo pang mamatay!" Sigaw niya. Teka parang may mali...

Kinuha ko yung handcuff sa pulis na katabi ko at lumapit kay Sam

"Maxx! Nababaliw ka na ba?" Rinig kong sabi ni Kise

"Maxx wag kang lumapit jan! Delikado!" Sabi naman ni Kea

"Aba't talagang sinusubukan mo ko ha!" Nanginginig na sabi ni Sam ng makalapit ako sa kanya.

"W-wag mo sabi akong subukan! Kundi ipuputok ko talaga to!" Sabi niya ulit kaya napaatras ako, hindi ko alam kung tama yung hinala ko eh. Hayy bahala na!

"Okay! Shot me if you can!" Sabi ko... pero di pa rin siya kumilos at nakatutok pa rin sakin yung baril kaya ako na ang gumalaw para posasan siya.

"You can't? Dont fool me Sam! Alam ko kung may bala ang isang baril! At sa kaso mo, hmm sorry ka na lang!" Sabi ko ng malagyan ko na siya ng posas at saka kinuha yung baril na wala namang bala...

Pagkatapos nun ay kinuha na rin siya ng mga pulis at si Martha at Patrick naman ay pinauwi muna ni Mrs. Laoming. While kami? Nandito pa rin sa room.

"Woooohooo!! Grabe ka Maxx! Buwis buhay? Kinabahan ako dun sa ginawa mo!" Sabi agad ni Kea .

"You think, gagawin ko yun kung alam kong may bala yung baril? Hell no! Baliw na lang gagawa nun!" Sabi ko.

"Pero nag alala talaga ako." Singit ni Kise kaya napatingin kami sa kanya.

"Hoy Kise Joseph Felio anong kahibangan yan?" Tanong ni Shawn.

"Masamang magworry?" Sagot niya, pero obviously tanong din talaga yung sagot niya

"Hay naku... umuwi na nga tayo! Mag pafive na oh!" Singit ni Kea .

"Tara na Kea babe!" Sabi ni Shawn saka inakbayan si Kea

"Babe mo mukha mo! Dun ka nga! Shoooo!!!" Sagot naman niya.

Ang daming nangyari ngayon at sigurado akong pagod na rin sila gaya ko. Pero nakakatuwa lang dahil nawala ang lahat ng pagod na yun dahil kila Shawn. Ang galing talaga nila magpagaan ng atmosphere.

"Tara na?" Napatingin ako kay Kise at ngumiti siya sa akin.

"Hmmm... okay." Sagot ko

Nga pala parepareho kami ng road na dadaanan at ako ang pinakamalapit yung bahay dito... sakop din siya ng Desruc academy

"Grabe yung reason ni Samantha no? Pinatay niya ang sarili niyang kaibigan dahil sa napaka selfish niyang pagmamahal." Sabi ni Kea habang naglalakad kami. Napatango naman kami dahil tama siya, kung ako si Sam hahayaan ko na lang ang kaibigan ko kung saan siya masaya.

"Kuya!! Ate!! Tulungan niyo po ako!" Napatingin naman kami sa batang lalaking tumakbo papunta samin.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong agad ni Kise.

"M-may nasagasaan po k-kasi ng k-kotse dun! Tara na po p-please!" Sabi niya at hinila niya ako. Napasunod naman yung apat. Basang basa yung mukha nung bata..

Ha! Another case?

*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desruc AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon