Prologue
Ako si Yuri Salvador. Tingin nila sakin weird kasi lagi ako naka black na damit, maarte, walang utak, mahina, kadiri, baboy, at hingit sa lahat PANGET! Oo panget ako, tanggap ko yon sa araw araw ba naman ako pumapasok sa school namin yan agad ang maririnig ko. Papasok pa lang ako sa gate ng school isisigaw agad nila.
"Eww! Nandyan na yung panget. Lumayo na tayo baka mahawa pa tayo sa kanya." Sarcastic ng pagkasabi ng isa sa mga student sa tapat ng gate.
Habang sinasabi nila sakin ang mga masasakit na salita, nakayuko na lang ako naglalakad sa hallway. Natigilan ako bigla ng may bumato sakin ng papel sa ulo. Pinulot ko yung papel at may nakasulat na "GET LOST WEIRDO!" Gusto ko sanang umiyak kaso pinipigil ko lang ayoko kasi makita nila na umiiyak nako, alam ko kasi yun ang gusto nila makita sa akin at pagtatawanan nila ako kapag nangyari yon.
Umakyat nako sa 4th floor at pangalawa sa dulo ang room namin. Pag pasok ko sa room wala pang tao, kaya umupo na lang muna ako sa upuan. Nasa pinaka dulo sa likuran ang upuan ko at ako lang ang mag isa ang nakaupo don. Ayaw kasi nila ako tabihan kasi panget at kadiri daw ako. Bakit nga ba kadiri? Dahil sa balat ko. Oo, sa balat ko. May Physical Disabbilities kasi ako, yung skin ko nagdadry sya kapag rainy season then kapag summer naman parang normal na skin lang ng normal na tao pero minsan nagdadry sya kapag sobrang naiinitan. Minsan naman namumula ako kapag sobrang init pero minsan nagiging pinkish yung skin ko kahit na normal days lang.
Classroom
Nilabas ko na lang yung Mystery Book ko. Nagbasa na lang ako habang hinihintay ko pa ang iba kong mga kaklase. Biglang namatay yung ilaw kaya napatayo ako sa upuan ko.
"May tao ba dyan?" Sabi ko. Tila walang sumasagot kaya tumayo ako papunta sa pintuan. Pinihit ko ang doorknob pero di ko sya mabuksan. Pilit kong binubuksan ang pintuan pero ayaw talaga. Pumunta ako sa kabilang pintuan para tignan kung bukas ito pero diko rin mabuksan. Pinagtitripan ba ako?
"Hindi magandang biro yung ginagawa nyo! Sa tinggin nyo ba matatakot ako? Pwes hindi noh!" Pasigaw kong sabi.
Biglang sumindi ulit ang ilaw at may nakita akong dugo sa pinto. Ang itsura kasi ng classroom namin ay may mahabang white board sa harapan at may 36 chairs bali 3 columns and 5rows yon dahil 36 kami yung nag iisang upuan ay sa likod wala syang kahelera which is my chair. May dalawang pintuan na may glass sa gitna yung transparent para makita kung sino yung papasok o dumadaan. Dalawa yung pinto para sa entrance at exit.
Nasa pintuan ako ng exit nang bigla sumindi ang ilaw. Nakita ko yung entrance door na may dugo sa bintana at may mark ng kamay. Syempre di ako natakot kasi alam ko na tinatakot nila ako. Muli akong sumigaw ng hindi ako natatakot. Pero bigla ulit namatay yung ilaw. At pakiramdam ko may pumasok sa room. Wala akong nakikita ang dilim. Rinig ko yung yabag ng isang takong na papunta sakin, kukunin ko na sana yung phone ko sa coat ko para ilawan yung taong papunta sakin pero bigla akong nagulat at naibalik ko yung phone ko. Nagulat ako kasi biglang may sumigaw at sinabi "Are you scared yet?" Boses babae sya at parang kilala ko.
Tinakpan nya yung mata ko pati bibig ko at bigla akong nahimatay. Pagmulat ng mata ko nasa janitors room ako nakatali sa upuan. Alam kong nasa janitors room ako kasi may mga gamit panlinis ng mga room dito at may mga sabon. Kahit madilim medyo naaninag ko dahil sa siwang sa ilalim ng pintuan.
Janitor's room
"Tulong! May tao dito sa janitors room. Please palabasin nyoko!" Halos mamaos na ako kakasigaw pero walang tumutulong sakin. Paiyak nako ng biglang may pumasok.
"Hello Yuri Salvador a.k.a the Weirdong Panget! Bwuhahaha! Natakot ba kita?" Wika nya.
"J-julia Faye Rojas? Ikaw may pakana neto?" Galit na pagkasabi ko.
"Oo! Dont worry diko magagawa to kung walang tutulong sakin. Girls pasok na dalhin nyo nya dito yung mga gamit" pasigaw na sabi ni Julia.
"E-eto na girl. Nandito yung dugo ng baboy at pati fhhhhllour." Pandidiri na sabi ni Cheska Liton. Bestfriend ni Julia.
"Ang baho ng dugo diko na ma keri. Ewww!" Nakatakip sa ilong si Katrice Shean Quilo habang nagsasalita.
"Eto ang pantakip sa ilong! Huwag ka ngang maarti dika maganda katulad ko!" Sabi ni Julia habang inirapan si Katrice.
"So girl what are we going to do with this blood and flour?" Maarti pagkasabi ni cheska.
"Simple lang ibubuhos natin yan sa buong katawan ni wierdo then after that yung flour naman ang isusunod." Nagevil laugh si Julia.
"Please wag nyong gawin sakin to. Hindi ko naman kayo inaaano dyan pero bakit kayo naasar at nagagalit sakin?" Medyo naiiyak na sabi ni Yuri.
"Yun na nga ang point! Kahit wala kang ginagawa naaasar parin ako sa pagmumukha mo! We want you to get lost!" Sabi ni Julia.
"Wag nyo nang gawin sakin to. Tahimik naman ako diko kayo ginugulo. Please-" naputol yung sasabihin ko ng bigla akong buhusan ng dugo ng baboy sa mukha ko ni cheska.
"Ang ingay mo! Dapat lang yan sayo!" Pasigaw na sabi ni cheska. Tumawa naman ng mahina si Katrice.
"Kat akin na yung flour." Utos ni julia. Agad naman binigay ni katrice.
"Well parang bagay sayo magfoundation para matakpan yang mukha mong panget, but wait hindi pwede ang foundation kung flour na lang kaya!" Isinampal sakin yung flour na hawak ni julia ramdam ko bigla ang paginit ng mukha ko.
"Ohh poor little ugly girl. Bakit dika pa rin naiyak? Gusto mo isa pang sampal na may flour?" Maarting pagkasabi ni katrice. Sinampal ulit ako na may harina. At hindi pa sila nakuntento, binuhos na nila ang iba pang naritirang harina sa buong katawan ko.
"Much better. Mukha ka ng white lady. Dahil sa sobrang dami ng harina at amoy bangkay kapa. Magpasalamat ka sa dugo ng kauri mong baboy!" Wika ni Julia.
"Wait girl, I'll took some picture of her then ipopost ko sya sa facebook at twitter para magtrending sya dito sa campus natin." Wika ni cheska. Kukuhanan na sana ako ng litrato ng biglang may kumuha ng phone nya.
"L-lucas? Give me back my phone!" Pasigaw na sabi ni cheska kay Lucas Miguel Tan.
"Huwag mo ngang sigawan ang Baby Lucs ko cheska!" Pabebe na sabi ni Julia at lumapit kay Lucas.
"Whatever! Diko naman sinasadya. Wait! Please stop calling my babe lucs as your baby lucs. He's mine." Hinila ni cheska kay Julia si Lucas at niyakap. Nakatinggin lang ako sa kanilang dalawa habang nagbabangayan.
"Hay nako. Here we go again! I should labas labas na lang here, nangangamoy piggy nako dahil sa dugo." Maarting pagkasabi ni katrice at lumabas na sya. Habang patuloy sa pagbabangayan ang dalawa. Napansin kong nawala si lucas. Nakaramdam ako na may bumulong sa tenga ko. At kinalag nya ang tali at hinila nya ako palabas.
"M-miguel? Bakit?...."
May feeling ako na magbabago bigla ang tahimik kong buhay dahil sa pangyayari ito. Huwag naman sana.....
------------------------------------------------
Ohmoo :) Sana maenjoy nyo yung panimula ng story ko, I know medyo kadiri dahil sa dugo. HAHAHAHAHA I love blood kasi pero diko sya inaamoy natutuwa lang ako sa kulay at istura nya. Alam ko ang weird non. Sana magcomment kayo then vote rin. First time ko po magsulat dito sa wattpad. Sorry kung medyo corny pero para sa akin ang cool neto. Sorry kung maikli. Next chapter hahabaan kona. HAHAHAHA. Godbless and keep reading my story. I will update as soon as possible. Lovelots. :*
YOU ARE READING
Black Inlove Of Red Love
Teen FictionThis story is all about the girl who didn't notice that she can fell inlove with the guy who always their for her to help.