Yuri (POV)
Nagulat pa rin ako sa nangyayari, ngayon natakbo kami sa hallway at hawak nya yung kamay ko. Para bang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ngayon lang nangyari sakin to. Ano ba kasi nararamdaman mo yuri? Hayss
"M-miguel? Bakit? Bakit moko tinulungan?" Nahihiyang sabi ko. Patuloy parin kami sa pagtakbo.
Hindi sya kinibo ni Lucas at patuloy pa rin sila sa pagtakbo. Nakahawak sa kamay ni Yuri si Lucas habang natakbo sila papaba sa 4th floor. Napansin ni Yuri na walang tao sa hallway hanggang sa pagbaba nila.
"10:30am pa lang. Nasa classroom ang lahat ng estudyante kaya walang tao sa labas ng hallway." Wika ni Lucas habang nakatingin lang si dinadaanan nila.
Hindi ko na lang sya kinibo baka kasi di nanaman nya ako sagutin sa mga itatanong ko. 3 hours pala ako nakastay sa janitors room. Simula 7:30am. Antagal kaya nangangalay yung likod ko. Teka? Paano naman nya nalaman yung nasa isip ko? May Telephaty ba sya? Telephaty nga ba ang tawag don? Hays ewan na nga.
"Nandito na tayo. Pumasok kana." Nakatinggin na sakin si Lucas.
"Teka, san tayo pupunta? May klase pa tayo."
"Pumasok kana, papasok ka o papasok ka?"
"Ha? San ba tayo pupunta?" Grabe nagbigay pa sya ng choices.
"Pumasok kana! Huwag kang maarti!" Sinigawan na ako ni Lucas. Kaya pumasok na lang ako sa kotse. Hala paano yan, di pa ako nagcucutting sa buong buhay ko.
"Eto oh." Hinagis sakin ni Lucas yung towel nyang kulay red. Hmm ang bango. Ayy teka ano ba nasa isip ko? Tss erase erase erase!
"Sa-salamat Miguel. San pala tayo pupunta?"
"Sa condo ko." Walang emosyon na pagkakasabi nya.
"Anong gagawin natin don." Nagtatakang tanong ko.
"Maliligo at magbibihis." Nakafocus lang sya sa pagmamaneho habang nagsasalita.
"Ahhm teka, itigil mo yung kotse." Natatakot na sabi ko. Baka kasi ano pang gawin sakin neto. Kahit na panget ako babae pa rin ako.
"Huwag ka ngang assuming dyan. Hindi kita gagalawin, asa ka pa! Sa isturang mong yan walang magtatangka halikan ka, galawin pa kaya?" Natatawang sabi nya. Aba ayos tong lalaking to. Grabe porket heartthrob sya sa campus ganyan na sya umasta. Tss sabi na nga ba kaya inis ako sa kanya. Naalala ko lang yung mga bagay na ginagawa nya kapag nasa campus. Isa lang din sya sa mga taong kinaiinisan ko bukod sa tatlong babae kanina.
"For your information Mr. Lucas Miguel Tan. Kahit na ganito istura ko babae pa rin ako!"
"Babae ka pala? HAHAHA" Pangasar nasabi nya.
"Aba, tumawa pa ang loko. Nagmukha ka tuloy naging demonyo sa paningin ko." Banat ko naman.
"Ang gwapo ko naman demonyo." Nakangiti na sabi nya. Ngayon ko lang sya nakausap ng ganito katagal, oo nga pala wala nga pala akong kinakausap sa school namin bukod sa Librarian. Lagi kasi akong tambay don. Hehe. Nakakapagtaka? Sa pagkakakilala ko kay Miguel hindi sya palakausap di rin sya naimik sa iba at mahilig sya mambully in a way of breaking a girls heart. Oo! Player daw yan sa magkakaibagan sa school namin. Lima silang magkakaibigan sya yung leader nila.
"Nandito na tayo." Nagulat ako. Hahahaha kung anu ano kasi iniisip ko.
"Ah teka anong oras na?"
"11:32am. Bakit?"
"Hala! May report pa ako mamayang 12:30 sa principal natin. Lagot ako neto." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Don't worry, everything is under my control. So get up and out of the car. Now!" Pautos na sabi nya. Grabe ang bossy nya pala. Nandito na kami sa isang sikat na condo dito sa makati. Wow ang laki. Nakakahiya yung itsura at amoy ko.
YOU ARE READING
Black Inlove Of Red Love
Teen FictionThis story is all about the girl who didn't notice that she can fell inlove with the guy who always their for her to help.