"Yeehheeeyyyy... mommy now is herreee!!!!" Nagtatatalon sa tuwang salubong sa amin ni Keisha.
Nang makarating kami sa school nila ay sakto namang nag umpisa na ang program at saka Lumapit sa amin Si Mrs.Trinidad, ang Adviser ni Keisha na inanyayahan kaming maupo dun sa harapan ng stage. Nag umpisa nang magsalita ang emcee na siyang tahimik naman ng lahat. Pinatugtog muna ang Lupang hinirang at kasunod naman nun ay ang prayer na pinangunahan naman ng Religion Teacher nila.Pagkatapos ng maikling patalastas na iyon ay ang panimula ng program nila.Una munang pumahik sa stage ay ang kanilang school principal na nag speech, kasunod ay ang intermission number ng kani kaniyang grade school students. pagkatapos nang kanilang mga presentations ay biglang tinawag ng Emcee ang pangalan ni Keisha para daw sa special presentation na ikinagulat ko naman dahil walang kahit anong binanggit sa akin ang aking anak.
Bago umakyat sa stage si Keisha ay hinawakan muna niya ang aking kamay na tumingin sa akin habang nakangiti."Mommy,this is for you and for Daddy, its my surprise for you both". Humalik muna ito sa aking pisngi saka ako gumanti ng halik sa kanya.
"I love you Baby.. " pagkatapos kong sabihin iyon ay dumiretso na itong nagtungo sa stage at si Miggy naman ay inilabas ang kanyang cellphone saka isinet ito para i video si Keisha sa kanyang gagawin.
Isang masigarbong palakpakan ang bumungad sa kanya kasabay noon ay pananahimik ng lahat at siya namang kanyang simula.
This Poem is dedicated to the two special person in my life.. to my Mom and Dad...
I love my Family...
i love my family coz they are a big blessings of me..
becoz of them, i am now here where should i be..
I am thankful for having a Dad who's always there for me
who never get tired to do his responsibility..to sacrifice his self just to gave all what we needed
And the love he gave for us that never endedAnd for my mom who became a silent hero of my life
A cook and doctor until were alive,
A great provider and a good prentender
That whatever trials in life had come, she never get surrendered.
I love both of them and they are precious to me
coz i know that whatever happened with me, they would never left me
Thats why i do the same what they do with me
Becoz they are god's greatest gift of me.."Kasabay ng pagtapos ng maikli niyang tula ay siya namang dagundong ng buong paligid at ang masigarbong palakpakan na bumalot sa buong paligid habang ako ay hindi napigilang maluha dahil sa ganda ng kanyang sinabi.
Napakaswerte ko talaga na nagkaroon ako nang anak na kagaya niya. Hindi man ako kasing swerte ng iba na mahal din sila ng asawa nila atleast bawing bawi ako na mayroon akong isang sweet,matalino at talentadong anak.
Kung nandito lang sana si Austin ngayon, sana nakita din niya kung gaano ka sweet ang anak niya. Sana narinig niya ang magandang tinig nito habang sinasabi ang mga salitang yun..
Ano ba yan! Lahat nalang ng sinasabi ko puro nalang Sana.
Maluwang ang pagkakangiti na lumapit sa akin si Keisha sabay yumakap nang mahigpit.
"I love you mommy!! "
"I love you more baby.. You make mommy proud.."
"Wow.. what a very good heart touching poem shasha... who teach you that?" Nagagalak na wika ni Miggy saka ginulo gulo ang buhok ni Keisha sabay nag thumbs up.
"No one tito, i only do it by myself, did you like it?" Nakangiting tugon nito.
"Wow..really? what a talented shasha.. ofcoarse we all like it... dont you see the crowd? They all give you a plenty of claps becoz you do a great job"
"Thank you tito" saka ito humalik sa pisngi niya saka bumaling sa akin.
"How about you mommy? why are you crying? You dont like my poem?" Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko saka naman lumukot ang kanyang mukha.
Tinaas ko ang kanyang mukha saka iniharap sa akin.
"Baby no... im not crying,its called tears of joy becoz you touch mommy's heart... i love what you did Baby..and i am so proud of you.. ".
Pagtapos ng programang iyon ay nag umpisa na sila sa kanilang P.E na kasama ang mga magulang nila na tumagal ng apat na oras mahigit at magdidilim na nang matapos saka kumain muna sa isang restoran bago inihatid na kami ni Miggy sa bahay.
Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog si Keisha habang papauwi na kami kaya pinabuhat ko nalang sa katulong papasok sa kwarto nito saka hinintay munang makaalis ang kotse ni Miggy bago ako sumunod pumasok sa loob ng bahay.
"Bakit kasama mo ang lalaking iyon?" Biglang sabi ni Austin na nang lingunin ko ay nakaupo sa sofa na madilim ang mukhang tila galit.
"Ahhh.. A-austin, siya kasi ang sumam-----"
" hindi ba sabi ko ayokong nakikita pa na magkasama kayo?"
"Pero Austin siy---"
"Wala akong pakelam sa kung ano pa ang sasabihin mo! Basta ang mga sinasabi ko ang pakinggan mo!" pasigaw na sabi niya pagkatapos ay Tumayo ito buhat sa sofa saka ito lumapit sa akin.
Tila nakaramdam naman ako ng kaba habang palapit siya sa akin kaya di sinasadyang nasambit ko ang kanyang pangalan.
"A-austinn.."
Nanlilisik ang mga matang hinawakan ako sa braso saka inilapit ang mukha sa akin."Tanga ka bang talaga?! Ayokong nakikita ka pang lumalabas ng bahay ha? Naiintindihan mo ba yon? At huwag na huwag mo nang pairalin ang kakatihan mo para lang gawing excuse ang anak ko"
"A-ano bang pinagsasabi mo Austin? Pwede bang bitawan mo ako,nasasaktan ako"
"Tama na ang isang beses na niloko mo ako Janelle,at kung pwede, huwag kanang sumama sa pinsan ko dahil baka pati siya landiin mo."
Tila nagpantig ang tenga ko pagkarinig sa mga sinabi niyang iyon kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na masampal siya dahil sa sakit na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.
"Hindi ako ganon Austin! Hindi ako ganon na katulad ng iniisip mo!!! Nagmagandang loob lang si Miggy na samahan ako sa school ni Keisha dahil wala kang oras para sa kanya! Na dapat responsibilidad mo yon dahil ikaw ang ama pero hindi mo magawa dahil diyan sa kakitiran ng utak mo!!! Wala akong ginagawang masama!!!" kahit anong pigil kong huwag umiyak sa harapan niya ay hindi ko magawa nang kusang maglandas ang aking mga luha.
Bakit ba ganyan siya magsalita sa akin? Ganun naba katindi ang pagkamuhi niya para pag isipan niya ako nang ganoon, pakiramdam ko napadumi kong babae para sa kanya.
"Huwag ka na ngang magmalinis pang babae ka!, kahit na anong sabihin mo, para sa akin isa ka pa ding mababang uri na babae, isa kang basura!! sapat na ang nakita ko noon, sapat na rin para sa akin na magsisi kung bakit pa kita pinakasalan noon! kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, noon pa ginawa kona, sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita pinakasalan pa!!! "
"Bawiin mo ang sinabi mo Austin, bawiin mo! Alam ko mahal mo pa ako, sabihin mo.." Akma ko siyang hahawakan sa braso pero tinabig niya ako dahilan para mabuwal ako sa sahig.
"Dont you ever dare touch me! How could you say that i'd still love you, after what you've done with me?? Are you really believing your self that i have still love for you??? Huh?! You know Janelle what you are? You are just a nonsense but a pathetic woman who is very desparate! A Gold digger! You Get out!!!" Pagkatapos niyang bitawan ang mga masasakit na salitang iyon ay kumaripas ako ng takbo na umakyat sa kwarto, hanggat maari ay ayoko ng magtagal pa sa harapan niya dahil baka kung ano pang mga masasakit na salitang marinig ko na lumabas sa bibig niya at baka sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na makayanan ang bigat sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang ganito, kung hanggang saan kaya ng dibdib ko ang lahat ng salita na tinatanggap ko.. sana bukas..magising nalang ako na tapos na ang lahat..na sana bangungot lang lahat to.. sana.. sana...
BINABASA MO ANG
Forever Loving You(PUBLISHED UNDER DREAME)
FanfictionSi Keisha ay bunga ng dalawang taong nagmamahalan,pinagbuklod ang dalawang puso na iisa ang tinitibok.. A Story of a perfect one big happy family.. A good,loyal,caring,loving husband and responsible father.. a perfect husband instead... Yan ang m...