H&L 3

42 1 0
                                    

Jain.

"JAAAIIN ! ANAAK ! "
Nagising ako dahil sa sigaw ni mami.tsk! anong oras na ba ? ala syete palang pala ng umaga. ang aga aga sigaw ng sigaw . Hala! hindi kaya?..

"ANAAAK ! JAAIIIN !" Sigaw ulit ni mami.
Agad akong bumaba dahil baka may kung anong nangyari na.

"Bakit po Mami ? Anong nangya–– Anong ginagawa mo dito ? " takang tanong ko.

"Anak sya pala yung nag hatid sayo kagabi. 'di mo sinabi ganitong oras ka nya susunduin at ang pogi nya ayiiih! hawig nya si –– Ayy jusme! ano ba namang bata ka bumaba ka ng 'di man lang nakaayos ?" kinikilig sabay sigaw na sabi ni mami sakin. tss! parang bata.

Oo nga pala ni hindi pa ako naghihilamos malay ko ba na nandito yang yabang na yan sabi dinner tapos 7:00 ng umaga ako susunduin sabi nya maaga hindi umaga . amp. tsaka baliktad ba dinner sa kanila?

Pagkatingin ko sa kanya nakita kong nakatingin sya sakin at nakangisi , yang ngisi na yan dyan yata ako kinikilabutan eh! Nung una nakatingin sya sa akin at unti unting tumingin ngayon sa dibdib ko. teka ?

Ay pucha ! Nakalimutan ko nga palang isuot yung bra ko sa kakamadali tapos nakaputing malaking T-shirt pa ako na manipis.tiningnan ko sya ng masama at agad kong tinakpan ng kamay ko ang dibdib ko at dali daling umakyat sa kwarto.

'Putek! 'di pa nga nakahanda yung damit ko lalo na ako . '

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok at tsaka tinali ko ng paikot.

Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina di ko sya pinansin bahala ka maghintay hmmp! kumuha na lang ako ng 2 tinapay at tinoast ko na lang at isang hotdog at tsaka nag paalam na akong aalis na.

"Mami ! Alis na po kami " sigaw ko.
"Hindi mo ba muna pakakainin dito yang bisita mo?" takang tanong ni mami.

"Hindi na po busog sya nag almusal na yan tsaka nagmamadali kami. bye! " nagmamadaling saad ko .

"Ingat kayo " sigaw ni mami. hindi na ako sumagot at nagmamadaling hinila ko si yabang palabas.

Pagkalabas namin ng bahay kinausap ko sya agad .

" Sabi mo maaga mo akong susunduin hindi umaga." walang gana kong sabi habang nakatingin sa kanya ng masama.

'Bwiset! wala na sira na umaga ko ! arrggh! badtrip!'

"Sabi ko ayokong pinaghihintay ako! pinaghintay mo ako ng matagal tapos hindi mo ako pakakainin man lang ?" inis na sigaw nya.

Aba! eh loko. malay ko bang 'di pa sya kumakain tsaka bakit? 'di naman nya sinabing ganitong oras sya pupunta.

"Bakit kasalanan ko bang ang dinner sa inyo umaga ?" sarkastiko kong sabi.

"You're such a stupid ! kailan pa naging umaga ang dinner?! Ganitong oras ka lang nya pinasundo sakin para daw mapaayos ka!" sigaw nya ulit sakin.

'Ganyan siguro sila mag usap sa kanila puro sigaw. Ako pa sisigawan mo?! tanggalin ko kaya lalamunan netong kupal na'to!? gigil.'

" Bakit ako ipapaayos ha?! eh wala naman akong sira ah!? dapat ikaw kamo yung ipaayos!? tsaka pwede ba?! wag kang sumigaw nasa gate ka pa lang namin umayos ka 'di mo teritoryo to! " inis kong sabi sa kanya na bahagyang nagulat sya.
Tss! nakakalimot ka ata.

"Bakit ako ang ipapaayos?" takang tanong nya.

" Yang sapak mo sa utak ipaayos mo." walang ganang sagot ko.

"Walang kwenta. psh!" walang ganang sabi nya.

Sabay tumalikod sya at pumunta sa kotse nya kaya sumunod ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The more you hate The more you love (On going slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon