Unang Kabanata

31 0 0
                                    

Unang Kabanata -Bakasyon

Eurie's POV

Nakakastress ang trabaho. Kaya minsan maiisip mo nalang sana walang pasok. Tapos April pa! Summer na summer at ang matindi pa sa lahat sira ang aircon ng opisina. At dahil kuripot ang amo namin 3 days na di pa din nagagawa. Kahit ano gagawin ko para lang makaalis dito.

"Hi Beautiful... "at yan ang isa ko pang ikinaka inis sa opisina namin. Yung mga flirt mong katrabaho. Pilit akong ngumiti.

"Please lang Mark wag ngayon. "

Ngumiti sya.Lalo akong naasar. Feeling pogi sya masyado

"Sige Later nalang beautiful... "

Tsk... kung pwede lang mag resign e!kaso ayaw pa akong tanggapin ni Papa sa office nya. Wla pa daw akong experience. Nakakaloka si papa. sya ang may ari tapos ako na sarili nyang anak ayaw nyang tanggapin doon.

So anyway My name is Eurie and im 23 years old,may boyfriend na ako, sya si Justine Sy Lee,tunog maanghang no?Hot kasi sya

Hashtag Going strong kami sa eight years naming paglalandian. Haha baka sabihin nyo Malandi ako,hindi ah konti lang.

Lunch break na at talagang ikinokonsider ko ng mag resign. Kaw ba naman kasi ang tanghali pa lang naliligo ka na sa sarili mong pawis di ka kaya bumigay?

Tumunog yung phone ko,Tumatawag pala ang best friend ko na si Anya so sinagot ko na agad baka kasi ma beast mode nanaman sya.

"Friendship!!"sabi nya. Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng bunganga nya. Kahit pa nung high school ganyan na yan. Eleven lang kaming magkaka section pero kami lagi ang pinaka maingay dahil sa kanya.

"paki tone down po ang boses at nawawala ang pagka binibini" sabi ko. Matagal ko ng sinasabi sa kanya yun pero ang sinasabi nya lang is: ang tunay na binibini kumikilos kung saan sya komportable hindi pretending lang na mahinhin.

"Che!Anyway Holy week na sa makalawa.Mag Reunion tayong classmates nung high school?"Sabi nya. Napangiti ako,kagaya ni Justine na boyfriend ko,yung Boyfriend nya ngayon ay kaklase namin ang name nya ay Mateo Do. Oh wag kayong chaka!Hindi yung Alien na nasa palabas sa tv ahh,sadyang magkapangalan lang talaga sila. At hindi po sya korean,Chinoy sya.

"Ang sabihin mo gusto mo lang makasama si Matt ng kayong dalawa lang"Old fashioned kasi ang parents ni Anya,ayaw na ayaw nilang napag sosolo ang dalawa at baka daw mabuntis si Anya ng di pa sila kasal. Naku kung alam lang nila na may nangyari na nga dun sa  dalawa baka matagal.ng may shotgun wedding na maganap.

"Ene kebe weg kengeng genyenn. Haha so anyway what do you say?tawagan na natin sila?Sa province namin tayo mag bakasyon para feel na feel natin ang holy week"sabi nya.

Isang Event manager si Anya. Sobrang hilig nya kasi sa mya social events at feel na feel nya ang maraming tao.Kaya sa aming magkakaklase madalas mag reunion,ang hilig nya kasing magset ng kung ano ano. Kaya ang Grade 12 section rose noon Team Rose na ngayon. Friends forever ang peg.

"Bahala ka na. Anyway busy pa ako kaya ikaw na rin ang bahala kay Jazz. 9 pm pa ang out ko eh." after nyang mag bye pinatay ko na. 30 minutes lang kasi ang lunch time sa department ko this week(this week lang naman). mag lo-long vacation kasi kaya todo trabaho kami.Patayan mga bes.

Bandang 9:10 nung palabas na kami ng mga workmates ko sa lobby nagulat ako nung humarang yung matandang nagtitinda ng Candy sa harap ko. Titig na titig sya sakin. Nangingilabot na nga ako kasi ang tagal talaga nyang nakatitig lang sakin. Tapos nung nagsalita sya napahawak ako sa katabi ko.

"Ihanda mo ang sarili mo Iha,may balak sya. Gagawin nya,at walang makakapigil sa kanya."

Tapos tumalikod na sya. Napahawak ako sa katrabaho ko at nagkatinginan kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KALYE NUEVE(short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon