Tanga+Assuming = Nganga! (Short story)

54 1 0
                                    

Naranasan mo na bang mag assume?

eh ang maging isang tanga?

OO na ba?

kasi ako..

OO NA!! ANG RESULTA??

NGANGA FRE!!

Palala: huwag na huwag mahuhulog sa isang tao kung di ka naman sigurado kung may gusto ba sya sayo o wala, kasi kapag ikaw unang nagassume at unang nafall sa huli, TALO KA! IKAW rin ang masasaktan..

Kung nkarelate, ano pang hinihintay! Sungaban na to' at basahin! karakaraka!! haha

===========================================================================

"Ui! si Blake!"

"Ui si Blake!"

"Ui! si Blake!"

Yan lang naman ang mga naririnig ko sa tuwing nakikita o napapadaan ka sa classroom namin. Pano ba naman? sa tuwing makikita palang kita naunahan na ako ng mga kaibigan ko na makakita sayo. At sa kahit buhok mo palang ang naaninag ko, aba't panay ng siko itong mga kaibigan ko saken..

Naalala ko nung aandun tayo sa iisang building na kung saan ay meron tayong parehong subject, andun ka sa baba ng hagdan at kami ay pababa pa lang ng bigla akong tinawag ng kaibigan ko na magkaroon ng dahilan para mapalingon ka saamin..

"Ui!! Z!! si blake!"

Napatingin ka saakin at ako naman di mapagwari sa kung ano ang gagawin kaya ngumiti na lang ako at di mo naman ako binigo at ngumiti ka rin.. kahit na alam ko na sa loob-loob ko ay masayang-masaya ako di ko pa rin yun pinakita sapagka't iniwasan ko nalang ang tingin mo.

Ako si Zarina o tinatawag ng mga kaibigan ko sa pangalang "Z", 2nd yr college, scholar sa isang sikat na paaralan..Dito ko nakilala si Blake ang aking crush (o mahal na ata?). Di ko sya kklase o kahit sa isang subject ay di rin kami magkklase iba naman kasi ang course nya sa course ko thou pareho kami nasa bus.ad department, pero pano kami nagkakilala? Yun ay dahil sa kaibgan ko.

Di nagtagal nagkatext tayo, nagulat nga ako ng bigla kang magpakilala..Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya.. Halos magpipitong buwan tayong magkatext. Sa pitong buwan na magkatext tayo nakilala kita, ikaw yung tipong di nagsasalita pero sweet.

Naalala ko nung magkatabi pala ang classroom natin sa ibang subject, halos lagi kitang inaabangan kasi aminin ko man di nakukumpleto ang araw ko ng hindi kita nakikita. 

Saktong wala kaming prof. sa una naming subject, halos maingay sa loob n classroom kaya naisipan kong lumabas at maupo dun sa sementadong upuan kaharap ng bintana ng classroom, tapos sakto labasan nyo na.. Nung una di ko napansin na aandun ka pala, kaya di na ako nagkainteres na sumulyap pa, nkaupo pa rin akong ng biglang lumabas yung kaibigan ko na kaibigan mo rin..

Humarap sya saken at biglang nahawi ang mata niya papunta dun sa direksyon niyo..akala ko kung ano lang ang gagawin netong lukaret na kaibigan ko, ng bigla ka naman niyang tawagin at kapag minamalas nga naman lumapit ka naman..

"Blake, si Z! i-mean si zarina.." rinig kong sabi ng lukaret kong kaibgian habang ako'y nakayuko..

Bigla nalang na di na ko nakarinig ng inggay, at pag-angat ko ng ulo laking gulat ko ng nkalahad na pala ang kanang kamay mo sa harap ko..

Di ko alam ang gagawin, kaya naman hinawakan ko nalang din ang kamay mo at nakipag-kamay na rin, biglang may lumabas na pawis sa kamay ko na hinawakan mo..halos di ako makapagsalita at tanging ngiti nalang ang makikita mong nakabalandra sa mukha ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanga+Assuming = Nganga! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon