Chapter 1 : Sino ka ba talaga?

2 0 0
                                    

Alexandra's Pov:

"Niccccooolleeee!!!!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko, pagtingin ko, nasa pintuan si Angela.

"Plantsahin mo yung dress ko! Bilisan mo may date kami ni Brandon!" Hinagis niya sakin yung "dress" na sinasabi niya, tsaka umalis.

Bumangon na ako sa kama, itinali ko ang aking buhok tsaka dumiretso sa banyo.

Si Angela ay pinsan ko, Anak siya ni tita, syempre! Alangan anak ng kapitbahay diba? Nandito na ako sa kanila mula pa lang ng walong taong gulang ako. Sila na ang itinuring kong pamilya. Ako si Alexandra Nicole Lim, hindi ko alam kung bakit Lim ang apilyedo ko eh wala naman daw kaming lahi sabi ni tita, yun yung pagkakasabi niya. Ang apilyedo kasi nila ay Alonzo, ako lang ang naiiba ang apilyedo. Hindi naman masyadong mayaman sila tita hindi rin naman masyadong mahirap kaya sakto lang.

Mabilis akong nagbanyo tsaka plinantsa ang dmit ni Angela, sakto naman na pagtapos ko ay dumating na si Angela para kunin yung damit nya. Ang arte. -_-

Inayos ko ang kama ko at nagligpit ng konti sa kwarto bago ako lumabas para pumunta sa kusina.

"Magandang umga po tita!" Bati ko sa aking tiyahin

"Oo Nicole alam kong maganda ako" Napataas ang kilay ko kay tita, hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa akin , umiiling na umupo na lang ako at hinihintay na maluto ang pagkain.

Habang naghihintay naisip ko na pasukan na nga pala, may isang lingo na lang ako para makapaghanda, dapat siguro ay mamili a akong gamit.

"Ah tita mamimili po ako ngayon ng gamit ko, may ipapasabay po ba kayo?" Tanong ko kay tita habang kumukuha ng hot dog, ng ham , tsaka kanin.

"Ah! Tamang tama! Pwede bang mag grocery ka ? Ubos na ang stock natin huli na yang niluto ko, mamaya ibibigay ko ang listahan sayo"ani tita mukang sa mall pa pala ako pupunta, balak ko sanang sa divisoria na lang mamili ang mura pa naman dun sabi nila, gusto ko din maexperience yung makipagsiksikan! Hihi astig!

"Ah sge po tita, maliligo na po ako pagtapos kumain, tas aalis na rin po ako" tsaka ko ipinagpatuloy ang pagkain.

Ganon nga ang ginawa ko agad akong naligo matapos kong kumain, inihanda ko ang white Vneck na shirt, Balck short, at ang aking sandals di konaman kailangan gandahan ang suot ko, magbubuhat lang naman ako ng mga pinamili ko, sayang lang kung poporma pa ako. Psh.

Pagkababa ko ay agad akong tumungo sa kusina, alam ko kasing dito ko lang malalaman ang sagot kung nasan si tita. At tama nga ako may nakita akong note sa may ref. Namin.

Nicole may lakad ako ngayon, nanjan na laht ng kailangan mong bilhin, ikaw na din ang bahala sa bahay.

-Tita Ysabel

Kinuha ko ang aking bag at saka isinarado at inilock ang pintuan ng bahay. Pumara naman ako ng tricycle para makalabas ng subdivision. Ang taray diba? Naka subdivision kami. Pagtapos kong sumakay sa tricycle ay sasakay naman ako ng jeep papuntang mall.

Pumara ako ng isang jeep na agad ko namang sinakyanmedyo puno na ang jeep dahil mukang madami dami ang sumakay bago ako.Kaya sumiksik na lang ako sa kaliwang parte ng jeep.

Habang umaandar ang jeep ay napapnsin kong medyo malikot yung katabi ko kaya umayos ako ng pagkakaupo, pero malikot talaga ang katabi ko kaya naman tinignan ko kung anong dahilan kung bakit malikot siya. At

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Enemy My Lover [ On Going Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon