Chapter 02

2.5K 61 39
                                        

02

Eunice’s POV

“Lulu, may ipapakilala ko sayo, okay?” Sabi ko kay Luhan habang nakangiti. Kakarating lang namin ngayon sa bar. Galing nga ko sa condo niya kanina, diba? Dito yung diretso namin. Saturday night naman eh.

“Sino yan?” Tinaasan ako ni Luhan ng kilay. Wow manly.

“Basta.” Simpleng sagot ko sa kanya at pumasok na kami ng bar. “Ate Kim! Ate Tracie!” Pinuntahan ko agad yung dalawang pinsan ko. Parehas silang mas matanda sakin. Kasal na si Ate Tracie kay Kuya Chanyeol. Si Ate Kim naman, engaged na kay Kuya Suho. Kasama pa pala nila ngayon. Binati ko rin sila.

Tinignan ko yung babaeng kasama nila. “Ikaw si Ate Anne diba?” Nakangiting tanong ko sa kanya.

Nag nod siya at ngumiti sakin. “Hi, Eunice.”

Oh, siya nga. Siya yung best friend ni Ate Tracie. Buti nalang maganda! Irereto ko kasi siya kay Lulu.

Kinapitan ko sa braso si Luhan at hinila siya papalapit sa table. “Lulu, here’s our cousins and their partners and this is Anne. Best friend siya ni Ate Tracie. Uhm, you know, para hindi ka mawalan ng partner.”

Tinignan ako ni Luhan. “Kala ko ba tayo muna mag partner dahil wala kang dalang kapartner?”

“Oh please.” Pinitik ko yung noo niya. “I can always get someone. Go, tabihan mo na si Ate Anne. Hiya ka pa. Diba manly ka?”

Tumabi na si Luhan kay Ate Anne at nag-usap na sila. Ayan, ganyan. Sayang naman lahi namin noh. Hahaha.

Umorder na sila ng drinks. Buti nalang hindi strict si Kuya Chanyeol kay Ate Tracie. Pumayag siya sa sinabi kong pumunta sila sa bar. Kasi nga diba kasal na sila? So ayun. So anyway, si Ate Kim, engaged na yan kay Kuya Suho. Magpapakasal sila soon. Ewan ko nga ba kung bakit mga Koreano ang napang-asawa at mapapang-asawa ng mga ate ko. Chinese kaya lahi namin. But, whatever. Hindi naman kami pinagbawalan eh.

“Eunice.” Naramdaman kong may bumulong sa tenga ko at kumapit sa bewang ko. “Hindi mo man lang ako tinawag para may kasama ka. Ikaw lang walang kasama diyan oh.”

Hinarap ko siya. “Kris.” Sabi ko pagkatingin ko sa kanya. Hinalikan agad ako ni Kris. Tong lalakeng to talaga oh.

“Err… live show talaga kayong dalawa.” Naiiling na sabi ni Ate Kim nung naghiwalay na yung lips namin ni Kris. Natawa nalang si Kris sa kanya. Dalagang Pilipina kasi to si Ate Kim eh. Hahaha.

“Hmm… pwede ko ba kayong iwan?” Tanong ko sa kanila.

Si Kuya Chanyeol, as usual, naka-derp grin. “Oh, nagpapaalam na yung pinsan mo, Trace oh.”

“Alam mo naman yan eh.” Umiling si Ate Tracie.

“Haha, hayaan niyo na.” Natatawang sabi ni Kuya Suho. Si Ate Anne naman, ngumiti lang.

“Gagamit ng proteksyon ha?” Masayang habilin naman ni Luhan. Hinampas ko siya sa ulo niya.

“Gagu.” Bulong ko sa kanya. “Nakainom na ko.”

“Hahaha. Para handa?” Natatawang tanong ni Luhan saka pinagtabuyan na ko gamit yung kamay niya. “Kris, kunin mo na nga to.”

“Pano, Eunice? Binigay ka na sakin eh.” Pinalupot ni Kris yung braso niya sa may waist ko saka kami naglakad dun sa may table na pinanggalingan niya. Nandun si Kai. Naalala ko na naman yung pag-iwan niya sakin kagabi! Tch. Ayy, nandito rin pala si Tao.

“Eunice!” Niyakap pa ko ni Tao nung nakita niya ko.

Natawa ko. “Namiss mo ko?”

“Haha, oo eh. Break na kasi kayo ni Kris kaya di na kita nakikita.”

Sexy, Hot, Innocent [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon