CHAPTER 7

136K 1.3K 141
                                    

Chapter 7

"Uwaaaahhh! Nagugutom na ako Jin!" Atungal ni Aisha, nasa sasakyan pa din sila.

"RAAAAWWWWRR!" Angal din ni Coco.

O__O *Gulp* Napalunok si Jin nang marinig niya si Coco, ayaw niyang tuluyang maging hapunan nito.

"Ano bang kinakain niyang kuting mo?" Tanong ni Jin na sumulyap pa kay Coco.

"STEAK." Nakangiting tugon ni Aisha.

"The hell, napaka-sosyal naman niyang kuting mo. Saan tayo hahanap ng steak dito? Nakita mong puro dagat saka bundok ang nandito. Ayun may kambing dun oh nakatali sa puno." Iginilid pa ni Jin ang kotse sabay turo sa kambing.

"Anong gagawin natin sa kambing?" O__O Takang tanong n Aisha.

"Ipatira mo na dyan sa alaga mo..." seryosong saad ni Jin.

"EEEWWW! Ahhk! Hindi kumakain si Coco ng hindi well prepared ano! Half-cooked nga yung pagkain niya lagi eh!"

"ARWW," tila nagrereklamo pa si Coco na ipinatong na naman ang paw niya sa balikat ni Jin.

"AISHA!" He called her name in a warning tone nang maramdaman ang mabigat na paa ni Coco sa balikat niya. For all the freakin' goats sake he want to live more!

"Hahaha. Ikaw naman, wag kang mag-aalala friendly lang sayo 'yan. Sige na nga hotdog na lang snacks ni Coco."

Muli ay nagmaneho si Jin.

"UWAAAAAAHHHHH, gutom na gutom na 'ko! Uwaaaahhhhhh!!" Panay na ang atungal ni Aisha.

"Raawwwwwrrrr..... *yawn*" Si Coco naglilikot na rin sa backseat.

Hindi na maipinta ang mukha ni Jin. Yung totoo, ano ba ang meron sa araw na ito? Kung isa itong bangungot gusto na sana niyang magising. Ano na ang nangyari sa pangarap niyang simple at tahimik na buhay?

Ilang sandali pa ay may nadaanan silang convenience store at sa tabi nun may nagtitinda ng roasted chicken. Agad na inihinto ni Jin ang kotse malapit doon. Halata rin na na-excite si Aisha at ang alaga nito nang maamoy ang bango ng litsong manok. Bago tuluyang bumaba ay binalingan ni Aisha si Coco sabay sabing "Play dead!" Agad na namang sumunod si Coco at napailing na sumunod si Jin kay Aisha.

"Kuya! Sampung whole chicken! Yung pito half-cook lang po ha." Nakangiting sabi ni Aisha sa mama. Natanaw pa niya si Jin na pumunta sa tindahan na malapit din doon. Habang naghihintay ay may batang babaeng lumapit sa kanya. Napatingin siya sa bata.

O___O

Nakatitig lang yung bata sa kanya.

>___<

O___O

>___<

Ano ba ang problema ng batang iyon?

^___^! Isang brilliant idea na naman ang umukopa sa pag-iisip ni Aisha. Tiningnan niya ang bata at bahagya pa niyang nilakihan ang mga mata niya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan bata?" Nakangising tanong niya dito.

O___O

Nakatingin pa rin yung bata.

Lumapit pa dito si Aisha. Ano bang problema ng batang ito?

o____o

"GUSTO MO BANG KAININ KITA?" Sabi niya sa nakakatakot na tono.

"UWAAAAAAHH!! Tatay tatay! UWAAHH!" At tumakbo na nga yung bata palayo kay Aisha. Tsk tsk tsk. Patulan daw ba ang bata.

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon