I love you Maboy forever Malove

452 13 5
                                    

Whatever happens you will always be my Maboy. I think of you who erased all of my problems ~ Janella

Chapter 1

(Dreaming)

Ilang oras na lang at magsisimula na ang concert ng pinakasikat na lalaki sa Seoul si Drake Mendoza, vocalist ng isang sikat na banda na HTB o Heartthrob Band.

Nagmamadali akong ayusin ang mga gamit na dadalin ko sa concert na iyon. Camera, Make-up, lipstick , cellphone, videocam, poster at pera.

Bumaba na ako agad at sumakay na sa taxi. Alam niyo ung feeling na may naiwan kang importanteng  bagay kaya napaisip ako. Nagulat ako ng maalala ko na wala pa nga pala ung V.I.P ticket ko kasi nakalagay iyon sa drawer ko kaya nagmamadali akong umakyat papunta sa bahay namin at kinuha ko na ung ticket.

Sumakay na ako ng taxi at buti na lamang hindi gaanong traffic kaya hindi mabilis kaming nakapunta doon.

(Sa concert ni Drake)

Grabe napakadaming tao naman pala dito. Hindi mahulugang karayom. Sikat na sikat talaga siya.

"Yahhhhhhhhhhh!!!!!"

Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao kaya agad akong napalingon sa aking harap. Ayon na kasi ang hudyat na lalabas na ng stage si Drake at ang HTB. Super ingay grabe. Alam mo ung mababasag na ung eardrums ko sa sobrang ingay nila. Tumayo ako sa. kinauupuan ko at pumunta ako sa may likod para hindi masyadong maingay.

Ilang minuto ang nakalipas ng muli na namang nagsigawan ang mga babae kung kaya't napalingon ako sa aking harapan. Nakita kong papunta si Drake Salvador sa lugar kung saan ako nakatayo.

Pumikit ako para hindi ko makita ang mga susunod na mangyayari at kinausap ang aking sarili.

"Janella Mendoza, kalma lang. Huwag kang assuming. Hindi ikaw ung pupuntahan ni Drake. Okay. Hinay lang. Baka naman nagkataon lang na may pupuntahan siyang babae sa tab------,"

Hindi ko na natapos pa ang pakikiusap ko sa aking sarili dahil narinig ko na naman ang malakas na sigawan ng mga babae. Parang lahat sila kinilig sa ginawa ni Drake.

Idinilat ko ang aking mga mata matapos ko silang marinig at nagulat ako sa aking nakita. Nasa harap ko ngayon ang aking ultimate crush na walang iba kundi si Drake Salvador. 

Grabe butterflies in my stomach. Muntik na kong mahimatay dahil hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Inaya niya ko sa stage para sabayan siyang sumayaw at kumanta.

"Janella Mendoza, pagkakataon mo na ito. Ang tagal mong hinintay ang pagkakataong ito," sabi ko sa sarili ko habang patuloy ang pagtango sa kanya. Hudyat na pumapayag akong makasama siya sa entablado.

Agad-agad kaming nakapunta sa stage at nakikita ko ang mga mukha ng mga babaeng inggit na inggit sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil nandito ako para kay Drake at hindi para sa kanila. Medyo magulo nga ang pangyayari dahil nagulat na lamang ako dahil alam ko na kagad ung step ng sayaw at iba na kagad ung damit ko. Pareho na kami ng damit ni Drake at hindi ko na lamang inintindi un.

Natapos na ang sayaw namin pero syempre magrerequest ang iba dyan na kiss. Syempre go naman ako dum kasi Opportunity knocks at once lang naman.

Kis(*.*)........

"Hello. Hello miss. Nandito na po tayo sa Manila. Gising na po maam kayo na lang po ang tao dito sa bus." sabi nung kondoctor.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at ganito ang naging reaksyon ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you Maboy forever MaloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon