"Okay class you're dismissed." nag-aayos na ako ng mga gamit nang malaglag ang isa sa mga notebook ko. Tsk.

O___________O

OMO! Noooo!! Bakit yon pa?!

Agad agad kong pinulot yon. Ba't naman ikaw pa?! TT_______TT

Pagkapulot ko, nakabuklat siya sa isang page... Hmmm?? Ano 'to?? Kelan ko to sinula-- O.O

~~~~

DECEMBER 14, 2011 I'm leaving, but I give you the promise that I shall be back.

Love, Kuya Jude <3

~~~~

OMG... Ngayon na. Today's the day.

Flashback

"Excuse me po..." "Ay manong! Ingat naman po, baka mapunit to oh!" "Ate, makikidaan, mapunit pa po 'to." "Excuse po... excuse..."

Ba't ba ang daming tao ngayon?! Bad trip ah. -,- Si Kuya naman kasi, ang daming chuchu sa katawan.

"Hay.... mahabaging langit, maraming salamat at nakarating pa ako nang buhay. O Kuya, eto na! Ano ba naman kasing gagawin mo dito?" nagpa-layout kasi siya na puro pangalan niya na iba't ibang fonts sa isang cartolina. Ang hirap kaya!

"Salamaaaaat! ^_^"

" Adik ka ba o nakasinghot ng hamog? Anlayo naman ng sagot mo sa tanong ko! -,-"

"Haha, pasensya na Lex, minsan lang naman ako maglambing sa'yo ng ganito. Haha! Tsaka mahirap na, baka matagal pa yung susunod na makita mo akong makasinghot ng hamog! ^_^"

Ano daw?!? Teka anong ibig sabihin non?!

"Kuya?? A-Anong ibig mong..."

"Aalis na ako, pupuntahan ko yung lolo kong may sakit. Kailangan niya ako sa tabi niya."

"Ha? Ngayon na?" di ko kasi napansin kanina yung mga dala niya.

"Pasensya na talaga Lex, kahit ako nagulat dito sa biglaang balita na 'to. Pero hindi ko matatanggihan lolo ko. Idol ko yun e, di ko kayang makitang nahihirapan siya nang wala akong ginagawa." sagot niya naman. Ang layo diba? Hala, gusto ko na umiyak. Iiyak ba ako? Wag na! Less drama, better.

Lumunok ako at kinompustura ang sarili ko bago nagsalita.

"Ahh... Ganon ba? Haha, okay sige! Babalik ka naman... diba?" say yes please, say yes.

"Oo naman! Pero..... Baka... 2 years pa." 2 YEARS?!? Seryoso??

"Ah... O-Okay... Oy kuya babalik ka talaga ah?! Iintayin kita! Pag hindi ka bumalik... hindi na kita bati! Haha." tumingin ako sa taas para pigilan bumagsak ang mga luha ko. Shete naman kasi! Iiwan niya ako... 2 years! E wala pa nga akong lakas ng loob umamin ng feelings ko sa kanya e!

"O! O! Easy! Iiyak ka na e, haha!"

"...Bwiset ka naman kuya e!" lumapit ako sa kanya saka siya pinaghahampas nung cartolina.

"Huy! Huy! Alex! Wag yang cartolina! Importante yan!"

"Pake ko?? Ako naman gumawa nito! Gumawa ka ng bago kung gusto mo! Ang bad bad mo kuya!"

"Wag! Ibibigay ko yan kay bhie ko!"

Napatigil ako sa paghampas sa kanya. Wahhhhh!! Yung bhie niya! Yung bhie nya!

"O?! Sino?? Sino??"

"Haha! Secret... pero... Ahm... Lagyan mo ng heart sa gitna 'tong Cartolina ta's lagyan mo ng favorite love quote mo."

"Eh? Bakit ako?"

"Basta!" sabi niya sabay kindat.

WOWOWOW! Ano daw yon?!?!

Wait... Hindi kaya.... Ako?? O.O

AHH! Wala wala! Napaka-assumera ko talaga kahit kelan, ampucha! -,-

So no choice, nilagyan ko ng heart, syempre designed ko, ako maglalagay e.XD

Then yung quote...

"Spend every minute, take every chances, make it big in this world, no one knows when's your time coming. Be outrageous and happy with the things you like and the people you love. xxx"

Yan! Ni-Lettering ko yun dun sa corner nung heart. :) hehe!

"Oh, sayo na 'to" inabutan niya ako ng isang notebook. simple lang, brown cover with leaf design sa cover.

"Huh? Aanhin ko yan?"

"Remembrance. Wala kasi akong nabiling remembrance, rush na kasi e."

"E ano ngang gagawin ko dyan sa notebook na yan? Ang dami dami kong notebook sa bahay."

"Ayaw mo? Ayaw mo ng remembrance? Bahala ka nga."

"Tse! Akin na nga."

"Kukunin din naman pala."

"Bleh! :P"

End

Nakaka-eew na kung nakaka-eew pero hanggang ngayon umaasa akong ako si bhie. Kasi... for the past 2 years, mas lalo kong nararamdaman yung love niya. No longer as just a school sister, nararamdaman kong there's something more. :)) And sa bawat signs na nararamdaman ko, ina-update ko yun don sa notebook na bigay nya. 

Pinasok ko na agad yung notebook sa bag ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room namin, nakarinig na agad ako ng tumatawag sa pangalan ko. At sa boses at tawag pa lang sa pangalan ko, napangiti na ako.

"Lex!"

Lumingon ako sa likod ko nang nakangiti pa rin. "Kuya Jude! ^_^"

Ngumiti siya pabalik sa'kin saka tumakbo palapit at niyakap ako ng mahigpit. Nakabaon lang yung mukha niya sa leeg ko, yung kabog ng puso ko.... ng puso niya.... Ramdam na ramdam ko yung pagka-miss namin sa isa't-isa. Sabi ko na nga ba, Ako yon!

"Miss na miss kita Alex! Haha"

"Na-miss din kita...." sagot ko saka nag-hug back.

"Bhie?" O.O

O___________O

Tinawag niya na akong BHIE?? Tama ba? Tama ba?? Hala hala!

"H-ha?!" tanong ko.

"Bhie!" sigaw niya saka kumalas ng yakap sa'kin at tumakbo sa isang girl sa likod ko.

"Bhie na-miss kita! :)" sabi nung girl. Omg, ano to?

"Na-miss din kita bhie, I love you."

"I love you too, bhie."

"Ah nga pala... Tara..." hinila niya yung girl palapit sakin "...Bhie, si Lex, yung little sister ko dito sa school. Siya yung nagle-lettering sa mga gifts ko sayo nung bago ako umalis. Lex, si Selene..... bhie ko."

???

???

??

Oh no.  <///3

"Hi Lex. ^^" sabi ni...... ate Selene.

"H-Hi." sagot ko, saka ngumiti. Shet! Tanga ko!

"Salamat Lex ah? Mahal na mahal talaga kita haha!" sabi ni Jude.

"Mahal na mahal na mahal din kita............." ......kuya.

~~

And this is the aweful story of my life. Ako, si Alexandra Daprina, ay accidentally nahulog sa kuya kuyahan ko sa school namin at umasang mahal din niya ako. Pero sino lang ba kasi naman ako sa kanya?? Hamak na little sister lang diba?

At hanggang matapos man ang lahat....... *siiiiiiiiiiigh*

Wala, Taga-Lettering Lang Talaga Eh.

Taga-Lettering lang talaga ehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon