Broken Promise and Trust

107 9 7
                                    

Don't trust people whose feelings change with time. Trust people whose feelings remains the same, even when the time changes...

3 years. 3 years na simula ng umalis ang bestfriend kong si Ken at ngayon ang balik niya sa Pilipinas galing America.

"Kelly!" may tumawag sakin na pamilyar ang boses. Lumingon ako at nakita ko ang pogi kong bestfriend.

"Ken!" Tumakbo ako sa kanya at nagyakap kami.

"WAAAHH! Miss na kitaaa!"

"Ikaw kasi e iniwan mo ko!"

"Nakooo! Wag mo kong dramahan kelang"

"Kelly! Ken! Tara na at kakain pa tayo sa bahay." sabi ni Manang.

***

Pagdating sa bahay nila Ken..

"Welcome back Ken!" sabi ng mga kaibigan namin.

"Thank you guys! Grabe nagabala pa kayo" sabi ni Ken.

"Okay lang eto naman" sabi ko.

"Ikaw ba kausap ko?" pagbabara ni Ken.

"Nyeeee!" binatukan ko siya. Naramdaman namin na parang tumahimik kaya tinignan namin yung mga kaibigan namin.

"Bakit?" tanong namin.

"Parang may something kasi e." sabi ni Jenny. At naghiyawan naman ang mga kaibigan namin.

"Yiiieeeee"

"Kayo ahh. Nakoo!"

"Hala? Ano ba kayo?" Sabi ko.

"Kayong dalawa dapat tanongin namen. Ano ba kayo? At may pa akbay akbay, pa batok batok pa kayong nalalaman. Nilalanggam kame dito oh!" Sabi ni Jenny. Namula naman ako ng konti (konti lang talaga).

"Psh. Ano ba kayo miss na miss ko na kase tong si Kelang e at bestfriends kami no! Bestfriends forever. Diba Kelang?" Tanong ni Ken sakin.

"Oo naman, kayo talaga!"

"Mga bata tara na at kakain na!" Tawag ni manang samen. Papunta na kami don nang bigla akong tabihan ni Jenny.

"Nako KELANG medyo nahahalata ka na, di ka pa naman magaling magtago." Bulong sakin ni jenny.

"Ano ba yan Jenny ang ingay mo!"

"Bahala ka, kung ako sayo gumawa ka na ng move baka maunahan ka dyan."

Habang kumakain kami katabi ko si Kent at kinukulit ako.

"Dali na kelang oh outing tayo! Summer naman e." Sabi niya.

"Tsk. oo na oo na!"

"Yeheyyyy, thank you kelang."

"Hoy kayong dalawa wag nga kayong magbulungan dyan at nilalanggam kame" sabi ni jenny.

Tinigil na namin ang bulungan at sinabi ni Ken ang outing na magaganap. Natuwa naman ang mga kaibigan namin at nagplano na kami.

Pagkatapos kumain umuwi na kaming lahat.

***

"Mama! Papa! Nandito na po ko!" Sigaw ko ng makadating ako sa bahay. Walang sumagot siguro umalis sila.

Pumunta ko sa aking kwarto at kinuha ko ang aking laptop at nag Facebook.

1 notification..
Lamabas don ang picture namin ni ken na magkaakbay at nagkukulitan.

Grabe nakakamiss tong lalaking to sa totoo lang mahal ko yan e, yung as in mahal mo. Kaso feeling ko nakalimutan na niya yung promise namin sa isat isa :(

Broken Promise and Trust (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon