Unang Bahagi

12 0 0
                                    


" ... i'm gonna pick up the pieces and build a lego house ..."

Sabay ng pagpindot ko ng mga letra sa keyboard ang awitin ni Ed Sheeran ang Lego House. Hindi ko lubos maisalarawan kung paano ko sisimulan ang aking kwento sa pamamagitan ng mahiwagang keyboard ng acer na nasa harapan ko ngayon. Paano ako makakabuo ng aking kwento kung sa una pa lang sirang sira na. Kung sa unang pindot pa lamang sa letra, wasak na ang isip at puso ko. Sa kadahilanang kayo ay makulit at gusto ninyong malaman ang buhay ng buhay pagibig ko, heto na at sisimulan ko na ang unang libro ko. Alam ko nakakailang na basahin ang aking kwento sapagkat ang aking ginamit na salita ay napakapurong tagalog (joke lang. Di ko ho kayang panindigan hoho). Pero kung inyo hong mamarapatin, ako ho' ay isang purong Bikolano mula sa kastilla ng Sorsogon ang Castilla, Sorsogon. Bago pa man magkaalaman ang ating mga facebook accounts heto na, ito na talaga.. sisimulan ko na ang biyahe ng aking buhay pagibig.

Ako ay si a.k.a SKY. Mahirap pakisamahan sa una hanggang sa huli. Maraming naiinis sakin pero natutong makisama at makibagay. Hindi ako bato para hindi masaktan, hindi ako bingi para hindi marinig ang sinisigaw ng puso mo at lalong hindi ako bulag para hindi makitang hindi ako ang taong gusto mo. Masakit kasing ipagpilitan ang ating sarili sa mga taong kahit kailan hinding hindi tayo magugustuhan. Bakit kaya may mga taong kahit kailan hinding hindi tayo magugustuhan? Bakit may mga taong ginawa mo naman ang lahat sasaktan at sasaktan pa din tayo? Tae! Ang tanga mo! Syempre, sasaktan ka niya kasi hinahayaan mo siyang saktan ka niya. Alamo naman kasing hindi ka niya gusto, ipinagsisiksikan mo pa din ang sarili mo sakanya. Pero, syempre ang hiwaga ng pag-ibig ay minsan ginagawa tayong tanga. Marirealize mo na lang ang lahat kapag tapos na. Yung tipong wala ka ng katiting na pagmamahal na nararamdaman sakanya kundi bitterness na lang. Hindi ko din lubos maisip na, ang ibang tao, sabi ng sabi ng "nakamove on na ako" pero alam na alam pa din ang buhay ng ex niya. Yung tipong sabay stalk sa ex niya tapos isasabay din yung ngayong karelasyon ng ex niya at kasabay nun ang lait at pagkokompara ng iyong sarili. Hindi ko alam, pagkatapos palang maging tanga kasunod na ang pagiging stalker.

Sa unang pagtibok ng aking puso sa isang taong na ginawa lahat para lang sakanya. Sa unang taon sa kolehiyo hanggang ngayong nasa ikaapat na taon na kami. Okay lang kahit ako yung maghirap huwag lang siya. Yun yung mga panahong mahal na mahal ko pa siya, yung tipong mismong mga projects niya ako pa ang gumagawa, yung kahit wala siya pinagtatanggol ko pa din siya sa ibang tao. Minsan din pala akong naging tanga. Marami kaming pinagdaang pagsubok kahit alam kong kaibigan lang ang turing niya. Syempre, nung una hindi niya alam na may gusto ako sa kanya dahil ayokong masira ang pagsasamahan namin ng tropa. It was Valentine's Day, ipinagtapat ko through text message ang nararamdaman ko para sakanya sabay off ng cellphone ko dahil ayokong mabasa ang isasagot niya sa tinext ko. Isang araw ang lumipas ng buksan kong muli ang aking telepono. Dalawang mensahe ang aking natanggap, isa sa aking kaklase at isa sa kanya. Hindi maipinta ng aking mukha ang pagkakita ng kanyang pangalan sa aking inbox. Yung tipong nagdadalawang isip ka kung babasahin mo o hindi yung mensahe galing sakanya. Pero dahil sa text message na yun nagbago ang lahat. Naging mailap siya sakin. Hindi katulad ng dati na kahit kami lang na dalawa ang magkasama ay okay lang. Ngayon, sasama lang siya kapag buo ang barkada. Minsan tuloy, naisip ko na: Sana, hindi ko na lang sinabi baka sakaling buo pa ang aming pagkakaibigan. Karamihan sa mga kaklase ko ang nagsabi sakin na , "Kung totoong kaibigan siya, tanggapin at tatanggapin ka niya kahit ano ka man. Pero, dapat mong isipin na sa pag amin mo may mga consequences talaga at hindi mo din naman siya masisisi dahil hindi niya ito inaasahan". Pero sa ginagawa niya? Mukhang hindi okay sakanya ang lahat. Pero kinalaunan, unti unting bumalik ang aming pagkakaibigan. Hindi man katulad na noon pero atleast nakakausap ko na siya. Ang akala ko tapos na ang lahat, ang akala ko hindi na ako masasaktan, ang akala ko kapag naibalik ng muli ang aming pagkakaibigan ay wala nang puot sa puso ko. Pero bakit ganito? Ang malamang may mahal na siyang iba ang pinakamasakit na parte ng pagmamahal. Yung akala mong okay lang kahit hindi ikaw ang tatawagin niyang mahal, yung proud na sabihing: "kasintahan ko" sa lahat ng tao ay hindi pala okay dahil minumurder pala ang puso mo sa sobrang sakit. Yung kaharap mo silang dalawa at nakaholding hands pa ay isang taong pinipilit na maging matapang at hindi ipahalata na nanlulumo na ang tuhod. Sabay pag-alis ng masayang magkasintahan ang isang taong nilulunod ng puot at sakit. Sige, iiyak mo lang. Tutal kapag iniyak mo na iiyak at iiyak ka pa din. Araw araw mong makikita ang taong yun, satingin mo ganun kadaling magmove on? Hindi ako tanga! Ano iiwasan ko siya? Magkaibigan kami at mas papahalagahan ko ang aming pagkakaibigan kaysa sa pagiibigan. Minsan na akong naging tanga at ngayon patuloy pa din nagiging tanga. Sa araw araw na pagdadrama ko ay araw araw din siyang masaya kapiling ang kanyang mahal. May magmamahal pa ba sa isang katulad ko? May tao pa bang willing na maghintay sa akin? Ako ba yung tipong katanggap tanggap? Alam naman nating mahirap pilitin ang isang tao na gustuhin ang isang bagay na kahit kailan hinding hindi niya kayang matutunan. Masakit talaga. Kasi nagmahal ka ee, nagmamahal ka. Yung sakit na yan parte yan ng pagmamahal pero hindi basta basta mawawala dahil sa sobra nating pagmamahal, sobra sobra din tayong masasaktan. Hindi naman lahat puro saya, kailangan mo din maging malungkot para balanse. Kailangan mo ding matutunang mahalin ang sarili mo bago mo matutunang mahalin ang ibang tao.

Sa paglalim ng gabi, tila ba'y punung puno na ng mga luha ang mga letrang nasa harapan ko. Tila ba hanggang ngayon, may kirot pa din akong nararamdaman para sakanya. Panandalian ko munang isasara ang aking mahiwagang acer at makapag isip isip. Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon nagiging tanga pa din ako sa parehong tao noon at ngayon. Malamang sa malamang sinasabihan niyo na akong tanga at martyr. Oo na sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin sakin. Nagmahal lang ako. Nasaktan at hanggang ngayon hindi pa din nakakarecover.

Sa muling pagbukas ko ng mahiwang acer, at karugtong ng biyaheng walang preno. Nang malaman kong may karelasyon na siya, OO inaamin ko ang sakit, sobrang sakit. Lalo pa't ipinakilala niya saakin ng personal ang taong mahal niya. Pilit na mga ngiti, baliktarang mga salita at wala sa pusong pagtanggap. Natural na siguro ang ganung reaksyon sa mga taong UMAASA. Bakit ba kailangan nating umasa? Bakit ba kailangan nating saktan ang ating mga sarili? Dahil siguro sa mga taong paasa din. Pero hindi sa lahat ng oras, yung taong yun ang palagi nating sisisihin. Bakit hindi mo matanggap sa sarili mo na ikaw ang may mali? Ikaw ang asumera. Ikaw ang nagbibigay ng ibang kahulugan sa lahat ng ginawa niya para sayo. Kung may mahal na siyang iba, edi tanggapin mo. Respetuhin mo sila. Hindi yung ganto na para kang artista kung makadrama. Walang kayo para magdrama ka. Okay lang na magdrama ka kung may nakaraan kayo, ee wala ee. Diyan tayo minsan nagiging ewan ee, andami niyo kasing pa-FALL. Masakit pero eto ang katotohanan. Andaming nagtatanong sakin kung okay na ako. Sabi ko naman: "Matagal na akong okay. Matagal na." Ngunit kasabay nito ang luha sa aking mga mata. It's okay to cry even my dad does sometimes. Hindi naman kasi sa lahat ng oras kailangan mong kimkimin ang puot na nararamdaman mo. Kahit nga super cyan napapagod din. Ako kasi sobrang pagod na. Nakakarindi na lang na paulit ulit ka na lang sa makikita mo sa sarili mo. Ang makita mong sariling patay na patay sa taong kahit kailan hinding hindi ka matututunang mahalin. Sa gabi gabing inistalk ang profile niya, na may makikita kang larawan ng dalawang taong masayang nagmamahalan, nagpapalitan ng comments at likes. Sa mga biglaang chat tuwing nagkakaproblema sila ay ikaw ay unang taong nilalapitan niya. At sa patuloy na pagawa ng mga bagay na tanging sarili lang natin ang gumagawa para masaktan tayo. Minsan, gusto ko ng itigil ang lahat ng ito pero bakit ganito? Patuloy pa din ako sa pagiging tanga. Apat na taon na akong nagiging tanga. Apat na taon! Sa apat na taon na yun, andami naming nabuong masasaya at masasakit na ala-ala. Lalo na't sa twing enrolment. Palagi kaming late enrolees dahil hindi namin na tapos agad agad yung clearance dahil sa katamaran. Mas inuuna ko pa siya para matapos siya at makaenrol kasi okay lang naman saking ako ang masermonan ng mga professors dahil sanay naman na akong pinagsasabihan. Pero hindi ko nga maintindihan ang sarili ko ee. Sabi ko nga nun sa sarili ko, ganto siguro talaga kapag nagmamahal ka. Sa tuwing absent siya, dali daling ititext kung bakit siya hindi pumasok at pilit na ipapaexcuse siya sa mga professors. Hindi ko mawari kung bakit ganto ako kung makareact pag dating sakanya. Ni isang thank you wala man lang akong narinig mula sa kanya. Hindi siya marunong magappreciate ng mga bagay. Gustung gusto kong magalit sakanya pero hindi ko magawa. Gustung gusto ko siyang bulyawan sa tuwing tinatamad siyang asikasuhin ang aming school requirements. Tae. Isa lang naman akong kaibigan. Pero kaibigan nga ba ang turing niya saakin? Hindi naman ako bato para hindi masaktan. May feelings din naman ako. I really hate people who doesn't care and understand the feelings of other people. I hate insensitive people! I really hate you. Hindi ko akalaing nagmahal ako ng isang katulad mo. 💔💔

Biyahe ng Buhay Pag-ibig ni a.k.a SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon