Ikalawang Bahagi

3 0 0
                                    

"just act like you love me so I can go on"

Isang taon ang nakalipas ng magkita ulit kaming dalawa sa Ayala Malls kasama Ang grupo. Syempre, kasama niya ang tinatawag niyang MAHAL. Masakit pa din pala hanggang ngayon. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko kayang mag move on. Hindi ko siya kayang ilet go ng ganun ganun na lang. Hindi ko din sukat akalain na sa lahat ng taong mamahalin ko, ay siya pa talaga. Habang naglalakad kami sa mall, Hindi ko alam kung bakit mukha akong zombie na nakabuntot lang sa kanila. Low energy, Hindi masyadong makausap, natingin lang sa isang direksyon at yun ay sakanila. Naglakad ng naglakad hanggang sa napagod at nagutom. Kumain kami sa Greenwich na kung saan libre ng Mahal niya. Gutum na gutom na ako kung Alam niyo lang pero, ayoko sanang kainin yung libre ng Mahal niya. Kasi parang isinubo ko na lang din ang katotohanang Hindi na magiging kami, Hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sakanya.  Minsan hindi naman nabibilang sa taon kung nakamove on ka na ba talaga. Minsan masasabi mong nakapagmove on ka na kapag hindi ka na nasasaktan kapag nakikita mo yung taong mahal mo na masaya Kasama ang taong Mahal niya.

Siguro, sabihin o ipakita Niya lang na Mahal niya din ako - hahayaan ko na siyang maging maligaya. Pero mukhang malabong mangyare dahil alam niya na kapag ginawa niya ang mga bagay na iyon, aasa at aasa ako sa pag asang baka magkaroong KAMI.

Still, I'm wishing that everything was just a dream. 💔 How can you let go the person easily? Ang magmahal ng iba? Ang maging masaya para sa sarili mo? Ang tanggapin Ang katotohanang Wala na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biyahe ng Buhay Pag-ibig ni a.k.a SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon