I1

21 0 2
                                    

Ayan na, ayan na siya. Pull yourself together Amethyst Cariño. Papalapit na sa direction ko si Waden Go. Well, siya lang naman ang pinakagwapo, pinakatalented at.. ah basta. At siya din ang forever crush ko! Sabi nila, wala daw forever, then manigas sila kasi kami may forever.

Or so I thought..

Naglakad ako na parang ordinaryong tao na naglalakad sa hallway. Well of course kailangan maging less weird ako sa paningin niya --- kung nakikita niya man ako. Papalapit na siya ng papalapit sa direksyon ko hanggang sa... lumampas na siya sakin.

Masakit? Oo. Pero okay lang yun, atleast nakasalubong kita sa daan. Hihi ang gwapo mo talaga. Ang iyong chinitong mga mata, ang matangos mo'ng ilong, ang kinis pa ng mukha mo saka mataas ka pa. Hayyy lahat ata na sayo na.

Lumingon ako tinignan ang likod mo, ang gwapo.

Nagulat ako nang tumunog ang bell kaya kahit ayaw ko, bumaling ulit ako sa harapan saka nag tuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa classroom.

Ganon palagi ang scenario. Magkakasalubong tayo sa daan, pero ni minsan hindi nagkatagpo ang mga mata natin. Minsan naman makikita kita sa gym, nag babasketball ng mag-isa. Saka ako palihim na titingin at mag chi-cheer sayo mula sa malayo.

Late nanaman ako sa next class ko. Hay nako, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may bagsak ako. Binilisan ko pa ang lakad ko papunta sa Wilson building kung saan magaganap ang next class ko. Pero bago ako makapunta sa building na yon, dadaan pa ako sa gym. Napahinto ako ng di oras ng may narinig ako'ng drible mula sa gym, para ba'ng may nag babasket. Didiretso na sana ako pero parang may nagtutulak sakin na silipin kung sino ang nasa gym. At hindi nga ako nagsisi dahil ang nakita ko sa gym ay si Waden na naglalaro ng basket ng mag-isa.

Ba't ba kasi ang gwapo niya. T.T

"Kailangan tuloy-tuloy ang shoot ko." rinig ko'ng sabi niya.

Mukhang hindi na ako makakaabot sa next class ko. Okay lang, worth it naman. ^.^

May times din na makikita kita sa isang coffee shop malapit sa school natin, may kasama at wala.

"Hay salamat, natapos na din yung klase ko kay sir Guatimala. Inantok ako dun ah." sabi ko sa sarili ko saka tuloy-tuloy na lumabas sa gate ng school namin.

Nang makita ko na wala pa ang kotse namin ay agad ko'ng hinanap ang cellphone ko sa bag.

Teka... asan nga ba yung cellphone ko?

Patuloy ako'ng nag hahanap ng may bumungga sa likod ko.

"Aray!" sambit ko. Masakit yun ah.

Lumingon ako para makita kung sino ang naka bangga sakin. Agad ko siyang namukhaan kasi isa siya sa mga grupo ni Waden. Si Tyler ata to? Kasama ni Tyler ang apat pa'ng mga lalaki. Hindi ko na sila makilala lahat basta tropa sila ni Waden my loves hehe.

"Ahh sorry miss ah." paumanhin ni Tyler. Tumango na lang ako saka sila umalis papuntang coffee shop.

Ano nga yung ginagawa ko? Ahh oo! Yung cellphone ko nga pala. Bakit ba wala dito? I could have swear na nilagay ko yun sa bag ko after class ah? Tsk.

Since wala na nga ako'ng pag-asa na makita ang cellphone ko, eh ginamit ko na lang ang payphone malapit sa coffee shop para ma contact ang driver ko.

*riiing*

"Hello manong Edward? Si Amethyst po ito. Nawawala kasi ang cellphone ko kaya dito na ako tumawag. Pwede ba'ng sunduin niyo ako sa.." Saan nga ba? Mukhang matatagalan yung si Manong Edward. Agad ako napatingin sa coffee shop. Hmm.. "Sa coffee shop manong Edward, malapit sa school."

Invisible (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon