Love is like an abstract painting, it's very hard to understand. Pero pag sineryoso mo ang pagbibigay halaga nito, malalaman mo na ang pagibig pala is a beautiful masterpiece. At kung ang definition mo ng pagibig na natamo mo ngayon ay nakakasawa, hindi nakakasaya, at nakakapagod. Malamang sa malamang hindi iyon pagibig. Dahil ang pagibig dalhin ka man sa sitwasyong nagpahirap sa iny, sa sitwasyong maraming nagnanais makihati, sa peligro man o sa sakit, sa hirap man o sa ginhawa. Kahit sa anong sitwasyon kayo dalhin, basta't you both survive and choose to be happy, trust me. That is what you called "Pag-ibig".
"Margaaaaaaaaa!!!! "
*tok* *tok* *tok*
"Hoy! margaaaaaa"
*tok* *tok* *tok*
"Sandali lang"
At dali-dali kong binuksan ang pinto kundi mawawalan na ako ng pinto dahil sa lakas kumatok netong bwisitna to.
"Hoy marga anong petsa na! Yung pangako mo sakin wala parin, ano na asan na?"
"Pasensya na Mama Tuts wala pang padala si nanay at tatay eh pero pangako ko sayo uhmmmmm baka sa---"
"Hindi pwede! May gusto nang rumenta dito sa bahay na tinitirahan mo! Aba, magtatalong buwan ka nang hindi nagbabayad sakin miski magkano wala! Ano to, libreng tirahan? Hindi pwede yan!"
"Sorry po talaga Mama tuts pero promise uhm siguro mga 1-2 weeks makakabayad na talaga ako pangako yan."
"Ano? Aabutin pa ng dalawang linggo? Eh dapat nga bukas dapat bayad kana eh! Hindi pwede yung ganito!"
"Mama tuts pasensya na talaga di pa talaga sila nagpapadala pero nakausap ko baka 1-2 weeks makakapagpadala sila. Magkano po ba yung utang ko?"
"18,000 na inday! Tatlong buwan diba? 6,000 na nga lang kada buwan kasama na bahay tubig kuryente hindi mo pa mabayaran? Atsaka dahil 3 buwan ka nang hindi nagbabayad may tubo na yan!"
"Ha eh magkano mama tuts? baka pwede isang buwan nalang ang tubuan mo?"
"10% ang tubo kada buwan, 1,800 ang tubo para sa tatlong buwan. Hindi pwedeng isang buwan lang! Oh sige pagbibigyan kita, hanggang dalawang linggo lang pag hindi ka nakabayad, pasensyahan tayo makikita mo na lang ang mga gamit mo sa labas."
"Opo thankyou po mama tuts thankyou talaga po!"
Umalis na si Mama tuts pero bago sya umalis inirapan pa ako. Si mama tuts ang may ari ng paupahan dito, ganyan talaga siya. Mahilig magMahjong pero pag wala nang pera titignan nya na listahan ng mga may utang sa kanya. Kahit gaano kalayo pupuntahan nyan makasingil lang hahahahahaha. Hirap talaga ng buhay, ganito ako pinanganak eh. Ako si Margarette Nicole D. Marasigan. Hindi talaga ako batang maynila taga panggasinan ako and ang nanay ko is paggawa lang ng dried fish ang pinagkakakitaan habang yung tatay ko is katiwala sa hacienda doon. Apat kami magkakapatid and ako ang panganay. Third year college na ako and I am a Fine arts student. Kaya sa dami ng gastos ko di ko na nabayaran tong bahay na tinitirahan ko. So ang ending, mangungutang ako. Wala naman kase akong alam na trabaho and student assistant na nga ako sa school magtatrabaho pa ako? Ano to, suicide?
Dali dali na akong naligo at nagayos. Pagkatapos pumunta na ako sa school dahil kailangan kong dilensyahan ang pangbayad ko dito sa bahay.
******
"Sis!!!!!"
"Elisha! Karylle! Huhuhuhu"
"Bakit nanaman nagdadrama ang kaibigan naming napakasexy na nakakainsecure kasi ang laki ng pwet at ng dyoga?"
Eto talagang babaitang to hahahaha kahit kailan katawan ko talaga ang napapansin. Oo malaki ang pwet at dibdib ko. Sa laki ng pwet ko hirap ako maghanap ng pants although 28 lang ang size ko. Then sa bra naman jusmeyo marimar hahaha hindi ako mataba perp ang size ng bra ko is 36B sa maniwala kayo o sa hindi.
BINABASA MO ANG
Started with Omegle
Teen FictionSalamat sa lahat pero sa tingin ko, di kita kayang mahalin. Vincent. -Margarette