Tuwing Umuulan (Maikling Kuwento)

450 10 9
                                    

Ika-lima ng Agosto,isang hapon pauwi ako galing schoolnang biglang bumuhos ang malakas na ulan.Mabuti na lang at lagi kong dala ang payong ko,ito rin kasi ang laging bilin ni nanay.

Habang nilalakad ko ang mahabang kalye ng Sikatuna ay may lalaking biglang lumapit sa akin.

“Miss, pwede bang makisilong?”magalang niyang pakiusap.

Mayroon siyang panyong ibinandana sa ulo ngunit basang basa naman ang kanyang pantalon at t-shirt at halatang giniginaw na rin siya kaya pumayag ako.

“Sige”                

Pagkasilong na pagkasilong niya ay tinanggal niya ang panyo sa kanyang ulo at muli siyang nagsalita.

“Dyan lang naman ako sa sakayan ng dyip malapit na yun dito di ba?”

“Ah, Oo malapit na yun dito sa kanto ng Sikatuna Street, dyan lang yun oh at saka dun din ang sakay ko.” tugon ko.

 “Buti naman, hindi na ko mahihirapan papunta dun.”

      Magkasabay kaming naglakad papunta sa istasyon. Nilakad namin ang basang-basang kalsada ng Sikatuna.Maliit lang ang payong ko kaya hindi maiwasang magdikit ang aming mga braso, wala naman akong nakitang kakaibang reaksyon mula sa kanya kapag nangyayari iyon, wala naman sa hitsura niya ang mag-iisip ng hindi maganda.Ang mahalaga ay natulungan ko siya.

Pareho kaming walang imik at patuloy lamang sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa istasyon.Nang nanduon na kami bumungad sa amin ang mga taong nag-uunahan sa pagsakay, punong puno rin ng mga tao ang  waiting shed sa istasyon, iyong iba naghihintay ng masasakyan at iyong iba naman  ay nagpapatila lang ng ulan, sumilong lang kahit hindi naman sasakay. Iilang dyip lang ang nandoon,lahat ay puno na pero ayaw pa ding umalis.

“Grabe naman punuan!”

“Ganun talaga rito pag umuulan, dun na lang din tayo sa waiting shed.”yaya ko sa kanya.

“Oo,mas ok na dun, para hindi na rin tayo masyadong mabasa.”

Dahil wala na kaming iba pang mapagpipilian nakisiksik na lang din kami sa waiting shed kahit maraming tao. Pareho kaming tahimik sa paghihintay.Abala siya sa kapipindot sa kanyang cellphone at ako naman ay nakatayo lang sa tabi niya at pinagmamasadan ang mga nakapilang dyip na puno na ng pasahero pero wala na yatang balak bumyahe.

Makalipas ang mga walong minuto ay biglang nabasag ang aming katahimikan.

 “Sige Miss, dito na ko sasakay.Salamat ah”

Wala na akong iba pang nasabi,dahil agad siyang tumakbo para makasakay sa dyip na bagong dating.Isang dyip na papuntang Antipolo ang sinakyan niya.Halos kalahati ng mga tao sa waiting shed ang nabawas.Lahat sila ay nag-uunahan sa pagsakay sa dyip na bagong dating, hindi ko na siya nakita sa dami ng tao at nang mapuno na ang dyip ay mabilis na itong humarurot.

Mga sampung minuto pa ang inilagi ko sa waiting shed, mahirap talagang makahanap ng masasakayan tuwing umuulan at kahit malakas ang buhos ng ulan, naroon pa rin ang mga barker na may hawak na karton bilang proteksyon sa ulan at walang humpay pa rin ang kanilang pagsigaw at pagtatawag ng mga pasahero.Puro papuntang Antipolo, Crame, at Angono ang dyip na dumarating wala pa ring dyip na papuntang Cubao.

Maya-maya ay humina na ang buhos ng ulan, nangangawit na ako,kakaunti na lamang kaming mga naghihintay sa waiting shed. Matapos ang mahabang paghihintay sa wakas ay mayroon naring dumating na dyip na byaheng Cubao, agad akong tumakbo dahil nag-uunahan na naman ang mga tao sa pagsakay. Mabuti na lamang at agad akong nakasampa, sa wakas nakasakay rin.

Lumipas ang ilang buwan, nabaon na sa limot ang pangyayaring iyon. Pero isang araw sinorpresa ako ng tadhana, hindi ko inaasahang muling magkukrus ang landas namin.

Tuwing Umuulan (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon