LAKBAY

91 2 0
                                    

_LIGAW_

              Tuwing Umaga.. Lumalabas ako ng alas-6 o higit pa para pumasok sa opisina...

Sumasakay ako ng Jeepney para bumaba sa Pala-Pala, tawag sa lugar na iyon at pipila para makasakay sa mga Bus na dumadaan sa SLEX at lalabas na sa Makati kung saan ako nagtratrabaho..

____________________________________________________________

Masyadong nagiging routinary ang ginagawa ko araw-araw. Sakay Jeep., salpak ng headset sa tenga at makikinig nang kung anu-anong musika. 

Normal na din para sakin ang makakita at makasabay ng iba't-ibang tao sa aking pag-byahe. Bata, matanda. Estudyante, nag-oopisina. Mag-asawa, mag-nobyo o yung mga katulad ko na solo lang sa pag-byahe..

____________________________________________________________

Nung isang beses nung sumakay ako sa Jeep, may nakasabay ako isang babae.. Nakatinginan kami, kasi pareho kaming naka-upo sa dulo na jeep o yung malapit sa estribo na tinatawag nila.. Akala ko isa na naman sa normal na araw yun para sakin, pero may napansin ako,.

Mukha siyang may malalim na iniisip. Maligalig. Di mapakali. Malikot ang mga mata.

Pinagmasdan ko siya, kasi medyo nagtaka din ako, pero nakalagay pa din sa tenga ko ang earphones ko,.

____________________________________________________________

Maya-maya pa bigla siyang nagsalita. Marami siyang sinabi, at nakatingin pa siya sa akin, kaya bigla kong tinanggal ang earphones ko..

"Po? Ano po iyon??'

"Sa kanan, Sa kanan.. "

(Napatingin ako sa kanan ko..) "Ano pong meron?"

__ May mga sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan.. Tiningnan ko siya ulit pero hindi na siya nagsalita. ___

Pinagmasdan ko siya, nang mabuti, may iba pala sa kanya, sabihin na nating, may napansin ako, pero hindi ko malaman kung ano ba dapat ang itatawag ko sa ganung kundisyon. Pero ang alam ko, kung ano man siya ngayon, kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Lahat nang iyon, MAY DAHILAN..

Mahilig din ako mag-byahe, ewan ko, pero mas natutuwa ako pag mas mahaba ang byahe, nakakakita ako ng magagandang lugar, nakakatulog ako ng matagal, medyo mapayapa kasi nakakapag-isip ka ng hindi nagmamadali, nakakapag-pahinga at nakakapag-aliw na din. 

Pero yung sa ale na nakita ko, parang puro siya lungkot, parang puno siya ng mga tanong sa isip niya, parang hindi siya makapagpahinga, at kapansin-pansin talaga na may hinahanap siya.,

Patuloy ko lang siyang tinitingnan at napapaisip ako kung saan ang destinasyon niya, dahil hindi naman niya binalak magbayad sa drayber..

Hanggang sa una siyang bumaba sa akin, malapit na din yun sa Pala-pala na bababaan ko..

"Sa Kanan lang.. SA KANAN LANG!! Sa Kanan lang po!!""

"Para daw po Manong!" sabi ko,,

Hanggang sa bumaba na siya, at sumakay ulit sa direksyon kung saan kami galing..

"Ganun talaga siya Nene, araw-araw siyang ganyan, tapos babalik sa atin. Nagbya-byahe lang siya.."

__________________________________________________________

Nung sinabi yun sakin nung isang pasahero, mas lalo akong naguluhan.. 

San ba siya pupunta?

San din siya galing?

Sino bang hinahanap niya?

May nawala ba sa kanya?

Bakit ang lungkot-lungkot niya?

 

___Hindi ko din alam. Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung bakit nga ba? May magagawa kaya ako? Sana..

Bawat isang nilalang ay may kanya-kanyang paglalakbay. Bawat isa ay may pagkakataong mamili kung sang daan siya tatahak, lahat tayo may sariling direksyon. Pwedeng sumunod sa direksyon, pwedeng ibahin ang daan, pwedeng kuhanin ang shortcut papunta sa paroroonan o pwedeng katulad ko, na ninanamnam lang ang bawat paglalakbay.

Sana lahat tayo, matutunong tumingin sa dinadaanan. Kasing pantay nang pagtingin natin sa ating nais puntahan., Nawa'y lahat tayo ay matutong matuto sa bawat lubak nang ating paglalakbay. Madapa man tayo, sana may lakas tayo para bumangon, at patuloy na dumaan. Matutong lingunin ang mga bagay na nagpatibay at nakatulong satin. Kasama na din ang mga taong nakasama natin sa ating paglalakbay. Na sana, makita natin lahat ng hinahanap natin., magsumikap para marating, iwanan at gawing lakas ang lahat ng mga bagay na hindi nakatulong sa atin., at patuloy na maglakbay, wag tumigil mangarap, wag tumigil sa pagsulong, kaalakbay ang ating DIYOS AMA.

___________________________________________________________

Ikaw? Saan ka pupunta? :) -10/08/13. 11:33 a.m.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

New Story coming 10/10/13 - _BAGYO_

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

New Story for 10/11/13 - _KWENTO_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LAKBAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon