Chapter 6

4 0 0
                                    

Minaku's POV

Nandito ako ngayon sa may... Seaside ba tawag dito? Ah! Ewan! Basta tabi ng Dagat.

Naglakad lakad ako. Umupo ako sa may buhangin at bigla namang umalon kaya nabasa yung paa ko at yung laylayan ng dress ko

"Ugh! Takte!"

Tumayo ako at lumayolayo sa buhangin na nabasa na ng alon at tsaka umupo ulit.

Nagdikitan yung mga buhangin sa paa ko at sa basang laylayan ng dress ko kaya nandiri ako

"Tsk"

Pumunta ako sa dagat. Hanggang sa tuhod ko lang yung tubig. Umupo ako. Basa na rin naman yung lalayan, bat di ko pa basain ng lubusan

Nagmuni muni at nagisip isip lang ako tungkol sa problema ko sa buhay. Isa lang naman ang problema ko eh..... Ang daddy ko.... Oo problema ko sya... Isa syang malaking matabang matandang pesteng problema sa magandang sexyng babae na si Minaku

Andaming tanong sa isip ko eh!!!!!!

Tulad nalang ng;

Bakit ba sya umalis bigla?!

Bakit sya nambabae?!

Matagal na ba syang nambabae?!

Ayaw na ba nya kay Mommy kaya nagawa nya yun?!

Nakukulitan na ba sya sa akin kaya sya biglang lumayas?!

Matagal na bang alam ni Mommy yung mga kasalanan nya samin kaya di ko man lang sya nakitang umiyak?! (Hindi sa gusto kong makitang umiyak si Mommy, ang akin lang, bakit di man lang sya nasaktan, I mean, diba, ang mga reactions ng mga naiiwan ng asawa, umiiyak, nagagalit, maglalasing, yung mga ganun, pero sya, ngumiti lang! Samantalang ako... ugh! Basta!)

Mahal nya pa ba kami?! Or should I say, minahal nya ba talaga kami?!

At marami pang ibang tanong na may tonong galit!!!

"Lalim ng iniisip ah"

"Nasisid mo?"

"Ha?"

"Nasisid mo?"

"A-ano?"

"Nasisid mo?!! Ano?! Uulitin ko pa ba?!!! Bingi lang?! Bingi lang?!"

"A-alin naman yung sisisirin ko?"

"Tss.. Slow.." at pinitik ko yung noo nya.

"H-ha?"

"Tss.. Slow.."

"Ha?"

"Tss.. Slow"

"Ha?"

"Ano bang klaseng tenga yan?! Hindi nakakarinig kundi pa sisigawan?! Tara na sa doktor!! Ipapatingin natin yan!!!"

"Hahahaha! Ito naman niloloko lang naman kita eh.. Ang init ng ulo mo! samantalang kaninang umaga, tuwang tuwa ka sa pagbibilang ng abs ko. Hahahahaahaha!

"Tss. Kapal."

"Ano?! Hoy!!! If I know, crush mo ko!! Pasalamat ka nga at kinakausap ka ng crush mo!!!"

"Takte!! Makasigaw?!!!! Hindi ako bingi kaya wag mo ko sisigawan!! Ikaw lang ang bingi dito at ako lang ang may karapatang sumigaw!!!!!!! At ano?!!!! Crush kita?!!! Bitch please!!"

"Hindi ako binge!!!!-"

"Ahhh-- kaya pala kanina, hindi mo ako marinig!!"

"Naririnig kita kanina!! Di ko lang ma-gets!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon