CHAPTER 2 - MYSTERIOUS STAR

40 3 0
                                    

Dedicated to meanttobeforgotten

MYSTERIOUS STAR

"Ohayo gozaimasu Lightning-sama!!!", masiglang bati sa akin ni Hoshi, pagkamulat na pagkamulat ko pa lamang ng aking mga mata.

"O-ohayo... Neh?!", kaagad naman akong napatayo sa aking kama at napasugod sa banyo ng di oras. Inamoy amoy ko pa ang aking hininga at nakahinga ng maluwag ng maamoy ang strawberry flavored mint na nilaklak ko bago ako matulog.

Lumabas rin ako kaagad at isang nakamaid costume na Hoshi na ang nadatnan ko. E-eh?! Kelan pa niya isinuot 'yan?!

"Anong ipaguutos mo sa akin Lightning-sama?", masiglang sabi pa nito sa akin at bigla namang nagflashback sa utak ko ang nakakatakot nitong tingin sa akin kahapon kaya naman napangiti na lamang ako ng pilit. Huhuhuhu baka patayin ako ng nilalang na ito.

"Ah eh w-wala naman! Maliligo muna ko!", namumutlang sabi ko pa sa kanya na bigla na lamang ngumisi.

"Nais niyo po bang ako na ang magpaligo sa inyo Lightning-sama?", magalang pang tanong nito na nakapagpataas ng aking mga balahibo. Huhuhuhu nakakatakot na talaga siya.

"Wag ka ng mag abala pa! I-isa pa, isa akong babae kaya naman...", ako na mismo ang napahinto sa pagsasalita ng bigla na lamang siyang lumapit sa akin. Uwaaaahhh!!!

"Hindi ba't kayo rin naman po ang nagdamit sa akin noong araw na bumagsak ako dito sa inyong daigdig...          

master", nakakakilabot na sabi niya habang patuloy pa rin ang paglapit sa akin. Waaah!!! Kahit pogi ka, hindi ko isusuko ang sarili ko sayo waaah!!

"B-b-bilang master mo, i-inuutusan kitang layuan ako!", nanginginig na sabi ko habang dinuduro ka subalit imbes na matakot ay nginitian lamang niya ako at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Tawagin niyo lamang po ako kung kinakailangan, master", nakangiti na muling sabi nito sa akin. Huhuhuhuhu anong klaseng psycho pa itong naging alipin ko uwaaah!!!

Mabilis pa sa alas kwatrong nagtungo ako sa banyo at kaagad na lumubog sa bath thub.

"Hay...", napabuntong hininga na lamang ako ng mawala ang presensya niya. Tahimik na shinampoo ko ang aking buhok at sinabon ang aking katawan. Trip ko kasing magsabon habang nasa bath thub eh!

Noong parteng sinasabon ko na ang bandang likod ko ay hindi ko naman maabot abot dahil sa nanginginig pa rin pala ang mga kamay ko. Huhuhuhu grabeng trauma naman ang dinanas ko sa nilalang na iyon.

Mabuti na lamang at naramdaman kong may kumuha ng sabon at kinuskos sa aking likod.

"Doon sa may bandang tagliran... Ayan. Tama diyan nga! Duon naman sa kabi--- aaaaaaaaaaahhhhhh!!!", napasigaw na lamang ako ng mapagtantong may nakapasok na iba sa aking banyo.

"Pasensya ka na master kung pumasok na ako ah. Napansin ko kasing nahihirapan ka na kaya tinulungan na kita. Misyon kong protektahan, bantayan at alagaan ka master", nakangiti pa niyang sabi sa akin na labis na ikinapula ng aking mukha. Lalo pa akong namula ng mapagtantong wala nga pala akong saplot sa katawan.

"Labaaaaaaaaaaaaasss!!!", malakas na sigaw ko sa kanya na nagawa pang yumukod at kumindat bago lumabas ng banyo. Pakamatay na...

Kaagad ko namang inilubog maging ang aking mukha sa baththub at kaagad ding napasigaw ng pasukan ng sabon ang aking mata. Letche ka talagang Hoshi ka!!!

Pagkalabas ko naman ng banyo ay kaagad akong naghanap ng aking isusuot. Puno ng pangambang humugot na lamang ako ng kahit anong palda at t shirt at ibinalibag sa kama.

WATASHI NO NAGAREBOSHI (MY SHOOTING STAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon