Kaibigan Lang Pala

110 3 2
                                    

Mr Right, yan ang tingin ko sayo
Guwapo, mabait, masiyahin at matalino
Kagrupo, kaklase at higit sa lahat, kaibigan ko.
Sa tingin ko nga ikaw na ang lalake na sa aking puso'y sasapo.

Ang oras ay tumatakbo,
Lalong nahuhulog sayo,
Sa mapupungay na mata,
At Ngiti mo'y lumulusaw sa puso ko.

Kaya nung araw na magtatapat na,
Nakita kita, mahal mo'y kasama
Ngiti mo'y abot langit sa kanya
Kaya ako'y sumuko na.

Ngayon alam ko na sa aking sarili,
Kung Bakit araw araw iyong sinasabi,
Pangalan niya, kagandahan niya at lahat lahat sa kanya.
Dahil ayaw mo akong masaktan,
Sa kadahilanang, hanggang... KAIBIGAN LANG PALA.

Kaibigan Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon