Chapter 2: My Present (part 1)

54 0 0
                                    

at home.. such a boring day.. ano kaya kung pumunta ako sa bar.. naisipan ko lang to kasi wala talaga akong magawa.. walang magandang show sa tv.. mapanood ko na ang lahat ng dvds dito sa bahay.. tutal day off ko naman bukas at tapos na ang duty ko.. sige i'll go.. i really need a new ambience..

i'm myles.. i'm 21 years old.. it's been two years after my bestfriend died.. he's my dad nga pala, it's been hell when he died.. at least now medyo natanggap ko na na wala na talaga sya pero ang sakit sakit parin kaya naman to lighten up the pain i feel, i always  think na he's still looking after me in heaven.. i miss him so much..

i went to a bar with me, myself, and i.. sorry dad, alam kong magagalit kayo kung nandito pa kayo, but i need to be free even just a little while, payag naman kayo di ba dad??

i went there to make me forget all my worries (as if?) haha..

actually, i went there para maranasan ko naman ang night life.. bawal kasi ako sa mga ganitong lugar.. ayaw ni dad, delikado daw kasi, baka may mga maniac na lumapit sakin pero i don't worry much now because i still have my knifey with me.. i always bring it with me anytime, anywhere, si knifey?? i call him that, but sometimes i call it mini-samurai, hehe, muka kasing samurai yun, pero very portable, siguro kasing haba lang ng thumb ko ang blade nun, bigay din sya ng dad ko nung 16th birthday ko.. himala no?? five years na sya sken.. well, hindi ko naman kasi alam kung ano ang pwedeng mangyari kaya buti na rin ang ready diba..

i just sit there near the counter, i kept ordering mocktails, ayoko kasi ng lasa ng alcohol, mapait na, mabaho pa at tsaka napakainit sa sikmura, hindi ko ma-take..

nandun lang ako, nakikinig sa maingay na music, pinapanood ang mga nagsasayaw, wala lang, naisip ko na ang boring din pala kapag wala kang kasama dito, next time nalang, aakitin ko ang mga friendships ko sa trabaho..

can you believe it? ang dating loner, ngayon marami nang friends, naiintindihan kasi nila ako, at hindi sila umaasa sakin,  dahil sa kanila naging masaya ako sa trabaho ko, paminsan minsan, nalilimutan ko na wala na nga pala ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.. pumupunta din sila sa apartment namin ni dad kapag day off nila. lagi nga nila sinasabi na dapat papinturahan ko daw yung walls namin kasi sobrang plain daw, sabi ko naman.. "ako kaya yang wall na yan, plain din lang, haha!!"

well, never mind that, basta happy na ako, kasi anjan sila para sakin at syempre andito lang ako para sa kanila, what are friends are for diba?

habang nag-iisip ako, may biglang umupo sa tabi ko, umorder sya ng screwdriver, nakatingin lang ako sa kanya, bigla din sya humarap sakin, ngumiti ng malaki at nagsabi ng "Hi! ako nga pala si Zuriel, pwede ba makipagkilala? mag-isa din lang kasi ako, kanina pa kita napapansin wala ka kasing kausap kaya  pinuntahan kita.. ok lang ba na maging friends tayo?"

hindi agad ako nakapagsalita, nagulat ako sa sinabi nya, kanina nya pa ako pinapansin? bakit kaya? ngumiti nalang ako at syempre kelangan ko magrespond sa sinabi nya..

"hello, oo naman, ok lang, kelangan ko din ng makakausap eh, bagot na bagot na ako eh, hehe, ako nga pala si Myles, it is very nice to meet you.."

nagsimula kaming mag-usap, napansin ko, may itsura ang taong ito, matangos ang ilong, medyo singkit, sobrang nipis ng labi, maputi, at makinis, simple lang sya pero kung mas  maganda ng porma nito, sigurado marami tong malolokong babae.

nagusap kami..

"alam mo, parang familiar ka sakin? nagkita na ba tayo from somewhere?"-Zuriel

"tayo? hindi ko sigurado eh, marami din kasi akong nakikitang tao dahil sa trabaho ko kaya hindi ko sure kung nagkita na tayo?"-Me

"wait? san ka nagtatrabaho?"-Zuriel

"sa Lotus Garden Hotel, nasa front desk ako"-Me

"ahh, so dun pala, kaya naman pala ehh, malapit ako dun.. minsan kasi napapasilip ako dun"-Zuriel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

him and only him: a tragic love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon