Short Story #1: Maica at Jane

1.9K 12 0
                                    

Nakapag-desisyon na si Maica, maghaharap na sila ni John, ang boyfriend ng mahal niyang si Jane. Gusto na niyang pakawalan sa mga question marks na naka-hook sa salwal ng mga katropa nila at unang-una na ang nasa karibal niya. Gagawin na niya ang kaniyang plano na tapusin ang pagpapanggap nilang mag-girlfriend.

Dim ang ilaw. Maraming lamesa pero walang naka-upo. May flat screen sa upper-part ng dingding, music videos ang mga palabas, upbeat. Malamig ang aircon na pasimuno sa pagkalat ng amoy-yosi sa buong paligid. Ang lapit ng mga mukha ng dalawang babae sa isa’t isa. Naglalapit ang kanilang mga labi.. unti-unti.  Tapos, biglang bumukas ang pinto sa entrance. Dumating na ang kanilang pinakahihintay pero hindi na ine-expect na dumating. May pumasok na lalaki, nakatulala sa kanila, nanlilisik ang mga mata na pagmamay-ari ni JOHN. Hinablot ng dumating ang braso ni Maica! Kinaladkad palabas! Tila naging parang tela ang isa sa gaan.

Nagliliparan ang mga sasakyan sa kalsada. Bilog ang buwan pero hindi naaabot ang tatlo ng liwanag nito, dahil may nakaharang na ulap. Naglalabasan ang ugat sa kamay na gamit ng lalaki sa pangkapit sa karibal. Ibinaluktot niya ang mga daliri ng isa pang kamay ng sobrang higpit sabay tama nito sa sikmura ng isa. Namaluktot na si Maica sa maalikabok na semento habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Nakaramdam pa siya ng mga sipa sa kanyang binti. Isang panghahamon sa hindi patas na labanan. Tumingin siya sa girlfriend. Binabasa ang sinasabi ng mga mata nitong naglabas na ng tuluyan ng luha pero tulala nga lang. Blanko.. Ang nakasisigurado lang ay malungkot ito pero ang dahilan ay hindi pa ibinubunyag.

Kailangang malaman ni Maica ang desisyon sa likod ng mga luhang ito. Isang cycle ang desisyon nilang mag-girlfriend. Kaunahan ang kay Jane, kasunod ang stage niya. Hindi mabubuo ang bilog ng arrow kapag hindi niya malalaman ang gustong malaman. Medyo umalis ng konti ang ulap sa buwan. Lumiwanag sa may paanan ni Jane.

Ang lalaki ay kinaladkad ang defenseless sa pamamagitan ng paghigit ng mahaba nitong buhok. Babanat ulit ng isang suntok at sa mukha naman nito, mukha na makinis, mukha ng isang babae. Tagumpay ang suntok niya sa mukha na naging duguan ang labi. Napasandal na ang biktima. Isa pang suntok sa sikmura.. Korteng tatsulok na ang dalawang kilay ni Maica na nasa ibabaw ng mga matang nakatitig sa babaeng pinag-aagawan nila. Dalawa.. Hindi na siya kumukurap. Tatlo.. Wala na siyang naririnig na ingay ng mga sasakyan. Nakatingin na lang siya sa mga bula ng ilaw ng poste. Aap..

Gumalaw ng konti si Jane. Ito na ang pagkakataong hinihintay ng girlfriend niya. Ang kanyang desisyon na makakapagpabago at makakapagpatapos sa gabing ito. Tuluyan ng umalis ang ulap sa buwan. Kitang-kita na ang mukha niya, mukha na makinis, mukha ng isang babae, mukha na may mga ngiping nangangalit. Hinampas niya ng maraming marami ang kalaban sa balikat nito. Iniyukot ng lalaki ang balikat pero sinasalo lang ang lahat ng lapat ng palad na magaan.

Biglang umingay ulit ang harurot ng mga sasakyan. Naging normal ang bilis ng kilos sa paligid, pati ang kilos ng duguang babae. Ini-angat niya ang likod mula sa pader. Namumuo na ang kamao niya na nakatago pa sa gilid niya para humanda sa isang atake, ang kanyang desisyon na galing din sa isa pang desisyon. Isa.. Dalawa..Tat..

Binitiwan siya ni John. Lumayo ito mula sa pwesto niya. Nawala ang mga kunot nito sa noo. Umaliwalas ang mukha sabay.. sabay alis?? Umalis talaga ng walang lingunan.

Nagbungtong-hininga si Maica, sobrang lalim. Ganoon din naman ang ginawa ng kanyang girlfriend. Sinubukan niyang humakbang ng isa pero sumuray siya. Tinulungan naman siya ng kasama. Ini-akbay ang isa niyang braso sa balikat nito. Hirapan ang isa pero pilit pa rin siyang inaalalayan. Pumasok ulit sila sa loob ng pinanggalingan noong una. Ini-upo siya ng kasama. Pinunasan nito ng tissue ang kanyang dugo sa labi. Naglalapit muli ang kanilang mga labi.. unti-unti.

Mula sa langit, humara ulit ang isang ulap sa bilog na buwan. Nakapag-desisyon na si Maica, maghaharap naman sila ng TATAY ni Jane.

WAKAS.       

BIFEMALE: SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon