Alam mo ba yung pakiramdam ng maiwan sa ere?
Yung tipong masaya kayong magkasama. Na sa sobrang saya, eh halos lumipad na kayo.
Yung tipong magkahawak kayo ng kamay habang naglalakbay sa himpapawid.
Magkasama sa ere ng may ngiti.
Ngunit mamamalayan mo na lang, mag-isa ka na lang roon.
Iniwan ka na pala.
Mag-isa ka na lang sa ere.
At dahil naiwan ka sa ere, sa ere ka rin makakakilala ng panibagong makakahawak mo ang kamay.
Panibagong makakasamang maglakbay.
Panibagong pag-ibig.
And I mean it literally. Kasi sa ere ko kasi siya nakilala.