Chapter 1

27 0 0
                                    

University

Kanina pa ako nandito sa kahabaan ng Del Pilar St. at grabe ang traffic. Hindi na ba maaayos itong problema na ito? Ang daming nalalate sa trabaho o kaya naman sa mga meeting nila, grabe ang pinsala nito ha.

Jusko kung ano ano na naiisip ko dito kailangan ko talaga magdali at dala dala ko itong mga papel na kailangan mamaya para sa reunion na pupuntahan ko. Actually, hindi ko alam kung bakit kailangan ko magmadali eh mamaya pa naman 7pm ang reunion, 4pm pa lang ngayon at kakagaling ko lang sa pinagtatrabuhan ko. Pero nung naalala ko yung phone conversation namin ng kaibigan kong magaling, no choice talaga kundi magmadali ako.

"Lex bilisan mo na! Kanina pa hinahanap ni Mrs. Cruz yung programme at yung mga natitirang invitations baka hindi makadating si Father habang wala pa yan." nagpapanic na saad ni Sasha sa kabilang linya.

"Bakit ba kasi ngayon niyo pa lang bibigyan ng invitation si Father eh ang tagal na nareceive ng ibang batchmates natin yung invitations? Ako tuloy nahihirapan!" giit ko sakanya. Hello gurl? Sana naisip niyo na may pasok ako sa trabaho ngayon at 3pm ang out ko. Badtrip 'tong mga ito ha.

"Hoy babae alam ko yang iniisip mo ha! Wag kang bitch sapakin kita mamaya sige ka! Ah basta dalian mo na! Madala mo lang yan dito okay na pwede ka na maglibot sa University for one hour, alam ko naman miss na miss mo ito eh. Puro kasi trabaho" napairap na lang ako sakanya. May masama ba kung puro trabaho na lang ang isipin ng isang tao lalo na kung may tinutulungan kang pamilya? I guess not, okay lang magtrabaho ng magtrabaho kung sa ikakaganda naman ng kinabukasan ng pamilya mo. Char! Grabe na talaga 'tong utak ko, ang layo ng narating.

"Oo na, traffic lang talaga kaya wala pa ako dyan. Pero don't worry friend malapit na ako. Bye see you later!" at binaba na ang phone.

Umabante na ang sasakyan sa harap ko at salamat sa Diyos tuloy tuloy na ang pagdadrive ko, kaya pala traffic ay dahil may bangaang naganap. Ayan ang problema dito sa Pilipinas eh....

"Magtigil Lexis Venice! Kung ano ano na naman ang maiisip mo. Tigilan ang kabaliwan!" sambit ko sa sarili ko. Oh my god baliw nga na ata talaga ako, kinakausap ko na sarili ko. This is scary!

Quarter to five ako nakarating sa University kung saan ako nagtapos ng kolehiyo. Dito gaganapin ang reunion ng batch namin. Hindi naman lahat ng course ng University ay sabay sabay ang reunion, ang araw na ito ay nakalaan para samin mga HRM graduates.

Pag-baba ko sa aking kotse nasilayan ko ang malaking pangalan ng University namin.

"Zealicean University" pagkabanggit ko ng pangalan ng pinakamamahal kong unibersidad bigla ko na lang naramdam ang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararamdaman. Hindi ko matanggal ang ngiti. "I missed you so much" natigil ang pageemote ko nung tumunog ulit ang phone ko. Sinagot ko ito habang kinukuha ang mga gamit ko sa loob ng kotse.

"Friend na saan ka na? Akala ko ba malapit na? Ano ba ang malapit sayo?" si Sasha na naman itong tumawag.

"Nandito na ako kakapark ko pa lang. 3rd floor ang venue diba?"

"Yes dear paki-bilisan na. Nagpapanic na si Cael" natatawa niyang sambit. Natawa na din tuloy ako, I can't imagine his face! Siguro katawa tawa nga.

Papasok na ako ng building kung na saan ang mga room namin noong college pa kami. Wow ang daming nagbago, nakisabay sa panahon. Well that's good, okay lang naman magbago basta sa ikakabuti diba? Badtrip! Hindi matigil 'tong utak ko kaka-comment sa mga bagay bagay!

"Ang sama mo talaga! Hindi naman siya pangit!" sagot ko kay Sasha na tumatawa na talaga. Pumasok na ako ng elevator at pinundot ang 3rd floor. "Hello Sasha? Friend? Oink oink?" walang sumasagot kaya napatingin ako sa phone ko baka kasi namatay. Wala palang signal dito sa elevator! Ang tanga Lex ha, ang tanga lang.

Nung nakarating na ako sa tamang floor ay lumabas agad ako at namangha sa design ng venue! Ang ganda ganda! Pinaghandaan nila talaga ito, kung sabagay almost 4 years din ang nakalipas simula noong grumaduate ang batch namin. Well, siguro sa iba maikling panahon pa lang iyon pero sa batch namin sobrang tagal na nito. Close ang batch namin kahit anim na section kami noon.

"Lexis!" may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako para malaman kung sino iyon.

"Cael!" napasigaw na din ako sa wala sa oras. Lumapit ako sakanya sa may stage dahil may kinakausap siyang technician ata? "Long time no see! Kamusta na? Gumagwapo ka ata?" bati ko sakanya.

"Gwapo na ako dati pa" sagot niya. Natawa na lang ako dahil hindi pa din siya nagbabago, makapal pa din ang mukha. Char! Ang sama kong tao.

"Teka, si Sasha na saan? Iaabot ko 'tong mga dala ko, nagmadali ako dahil kailangan daw" sabay pakita ng mga dala kong papel sakanya.

"Nandun sa likod puntahan mo na lang may kinakausap ata" tumango ako sakanya at ngumiti. Pinuntahan ko si Sasha sa likod at tama nga si Cael, may kausap ang bruha!

"Oo pupunta yun ngayon. On the way na nga, ikaw ba? Sure kang pupunta ka ha?" rinig kong sabi niya. Sino naman kaya ang kausap nito?

"Friend!!!" excited kong sigaw sakanya kaya siya napalingon sakin at nanglaki ang mga mata niyang singkit. Ang cute!

"Lex!" gulat niyang bati sakin. Wow ganun ba ako nakakagulat? Para siyang nakakita ng multo. Pero nakabawi naman siya agad, yung gulat niya ay napalitan ng saya at niyakap ako "Grabe friend! Long time no see! Gumaganda ka lalo oh my god" inalog alog pa niya ako, ano ako bote? Charot!

"Bolera! Anong gumaganda?" napatingin ako sa suot ko. I'm just wearing a navy long dress, abot ito hanggang paa ko. Naka-sandals lang din ako dahil ayoko mag-heels, sa trabaho namin kailangan naka-heels nakakasawa na kaya atska kailangan magpahinga ng mga paa ko ha. "Ang simple ko nga lang eh, hindi tulad mo! Sosyal si ate! Full make up" sabi ko habang tumatawa

"Kailangan kasi diba nga isa ako sa mga organizers? Pero ikaw, look at you! Kahit simpleng lipstick at eyeliner lang, pak na pak ang kagandahan!" puri niya sakin. Kung tutuusin tama naman siya, ayoko talaga nagmamake up pero dahil nga nasa industry kami kung saan kailangan maayos ang pang-labas na anyo namin kaya no choice ako kung hindi mag-make up. Pero ngayon, nag-lipstick at eyeliner lang ako para lalo ma-highlight ang mga mata ko na hindi singkit at hindi din bilugan masyado. May nakapagsabi kasi sakin noon na ang pinaka maganda daw na parte ng mukha ko ay ang mga mata ko kaya simula noon gusto ko na yung mahihighlight ang mga mata ko.

"Alam mo friend mukhang tama ka, gumanda ako lalo" saad ko at ngumiti ng napaka-laki. Hinampas niya naman ako agad at natawa na lang ako pati siya.

"Nasan na yung invitations? Ibibigay ko na kay Father" inabot ko sakanya ang mga invitations na natira. "Thank you talaga friend! Sige maglibot libot ka muna, ibibigay ko na kay Father ito. Basta bumalik ka bago mag-six ha? May registration at photobooth kasi" bumeso siya sakin at umalis na. Hindi man lang ako nakapagsalita.

So... what do now, Lexis?

Napagdesisyunan ko na maglibot libot muna dito sa University tutal wala pa naman sila at wala din ako ginagawa. And you know, I missed this place.

My home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Five Signs Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon