WORTH THE LATE (ISANG TIRA)
Simula ng exam week namin, 7:56 na at 8:00 magsisismula ang exam ko. Halos liparin ko na ang masukal at makitid na daan mula sa boarding house para lang makarating kaagad sa hi-way kung saan ako mag-aabang ng tricycle na maghahatid sa akin sa school. Bakit ba kasi napasarap ako ng tulog? Wala naman ata akong napag-aralan kagabi dahil sa disturbing thoughts about my crush… yeah, ang oa lang right? Unahin ba naman ang crush kaysa sa biochemistry exam?
Hingal na hingal ako pagkadating sa hi-way. Tagaktak ang pawis na pinara ko ang unang dumaang tricycle. May mga pasahero na at mukhang magkakasiksikan na kung sasakay pa ako pero wala na akong choice. Kaysa naman maghintay pa ako ng iba na mukhang matatagalan pa.
“Manong, BSU po.” Agad na paalam ko sa driver nang tumigil ito sa harapan ko.
“Ok lang ba kung ---?”
“Walang problema po!”
Hindi ko na siya pinakinggang tapusin ang sinasabi at sumakay na ako. Hindi alintana ang mga tinging pinupukol ng ibang pasahero. Paki ko naman nuh. Alangan namang unahin ko pa ang magiging reaction nila kaysa sa magiging resulta ng exam ko? Binuksan ko nalang ang mala encyclopedia kong libro sa biochem at nagsimulang magbasa. Mabuti nalang at medyo na retain pa sa utak ko ang lessons namin at review nalang ang ginagawa ko. Natapos ko ang pagrereview at malayo pa ang biyahe, badtrip. Ang dami kasing routes, buti sana kung hi-way lang eh halos libutin na nga naming ang buong siyudad. Tsss.
Inabala ko nalang ulit ang sarili ko sa pagrereview ulit. Nagsolve din ako ng mga given problems sa libro. Maya maya pa, tumigil na naman at may sumakay. Nakabusangot ang mukha ko habang nagsosolve, sino ba naman kasi ang hindi maiimbyerna eh lampas alas otso na! nagpupuyos parin ang kalooban ko kaya hindi na ako nag abala pa na tignan ang lalaking umupo sa harap ko.
Narinig kong humagikgik ang babaeng katabi ko. Nakatikwas ang kilay na nilingon ko ito. Namumula ang bruha at nakakagat labi. Iyong tipong parang kinikilig na ewan. Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko… nakapikit siya at nakikinig ng music.
Seriously? Sinusundan nya ba ako? haha! Ang feeling lang noh? Eh kasi naman kahapon ko pa ito nakikita eh. I mean, ako pala ang sumusunod sa kanya most of the time. At halos hindi na ako makatulog sa gabi kakaisip sa kanya tapos ngayon,heto na naman siya! Hindi ba niya alam na ni wala akong napag- aralan kagabi dahil sa pagd-daydream ko sa kanya?
Ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko nang bigla siyang nagmulat ng mata. At dahil nga nakatingin pa ako sa kanya, nagkasalubong ang mga mata namin. Hindi ko tuloy alam kung paanong iiwas ang tingin mula sa kulay abo niyang mga mata na wari’y may kung anong mahika na nakapanghihipnotismo. Ay syettt! Go away flirty thoughts! Wala akong oras para i-entertain ka! I was trying really hard to look away but to no avail, I cannot seem to get my amorous eyes away from his yummy-este handsome face.
Makalipas ang ilang sandaling pagkatulala ay tuluyan ko na ring napilit ang mata ko na tumingin sa ibang direksyon. Hanggang sa bumaba na siya, I pretended not to notice, pero ang totoo, binantayan ko talaga kung saan siya bumaba. Haha! Sa wakas, alam ko na ang bahay niya! Nasabi kong bahay nila iyon kasi… wala lang, instinct. Haha!
Pagdating ko sa classroom, patapos na ang mga kaklase ko kaya sobrang nagmadali ako. mabuti nalang at nag extend ang prof namin. Pero, wala ka… wala sa exam ang atensyon ko nang mga panahong iyon. Actually ni hindi ko nga ma-comprehend ang mga problems. The whole duration of the exam, sobrang nakangiti lang ako. adik lang eh. sa isip isip ko, bahala nang bagsak, basta alam ko na ang bahay ng crush ko. Hahaha!
It’s worth the late after all.
Ang masasabi ko lang? Waaaaaaleeeeeeeyyyyyy!!!!! Hahahaha! Nakiki-uso lang naman. Hahaha! Comment ka kung anong tingin mo sa ginawa ko. Though alam ko, hindi ka na umabot sa pagbabasa dito. Hahaha! Waley talaga eh. pasensya naman. Bwahaahha! Nakasinghot lang ng oxygen kaya ganun. xDDD
Kung sino man ang tumapos sa pagbabasa hanggang dito, congrats sa iyo, you’ve proven you seriously need some entertainment. You’re totally bored! Hahaha!
Sa muling pagkikita! PAALAM! :DDDDDDDDDDDDDD