Lahat ng nakikita ko ngayon ay Parang pamilyar lahat ng taong nakakasalubong ko ay tila nakasalamuha ko na.ang kanilang ngiti at tinig ay tila narinig ko na.
Pagpasok ko pa lang sa bulwagan ng mansyon biglang may nagsabing "senyorita maligayang pagbabalik."
Lumingon ako sa aking likod baka nagkakamali lamang ang ale sa kaniyang sinabi.ngunit tinignan ko ang aking likuran walang ibang tao kundi ako lamang.nang tumingin ako muli sa aleng nagsabi ay may mumunting Luha ako nakikita sa kanyang mata.muli siyang nagsalita "salamat sa diyos at binalik ka nya sa amin ng ligtas kahit matagal kanyang ibinalik sa amin"Hindi ko Alam ang magiging reaksyon ko sa mga oras na iyon gulat at pagkalito ang nanaig sa akin ng mga oras na iyon.Hindi ko na napansin maraming tao na ang nakapaligid sa akin.
May isang Babae lumapit sa akin at biglang yumakap sa akin at nagsabing "maligayang pagbabalik anak"
Sa aking pagkagulat ay kumalas ako sa pagkakayakap ng babae sa akin at kita ko sa kanyang mukha ang sakit at pagkabigla muli nagsalita ang babae "anak ako and iyong ina"