The Bet Chapter 1

35K 708 28
                                    

CHAPTER ONE

THIRD PERSON POV.

"Kapag talaga hindi ka pa natapos jan Empress iiwan kana talaga namin!"inis na sabi ni Summer Gomez sa kanyang kaibigan na si Quennie Empress Lee na kanina pa nasa CR.

"Ano ba yan! Wait lang nga kasi. I'm malapit na here, wait for a little bit."

Napairap ang isa nilang kaibigan na si Tricia Nicole Grey na kanina pa din naiinip.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"naiiritang tanong ni Nicole.

Napakamot sa ulo si Summer.

"Sa mall daw. Alam mo naman si Empress, pag na bored gustong gusto mag lawatsa."

"Tapos dadamayin niya tayo? Gusto ko ng umuwi!"

"I'm done, na!"

Napatingin ang dalawa sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng CR habang nakangiti.

Umikot siya at pumorma sa harapan.

"Am I pretty naba? Hehe."nagpapacute na tanong ni Empress.

Ngumiti si Summer at tumango tango.

"Yay! Thank you so much, Summer, dear!"

Napairap si Nicole at napatayo.

"Umalis na nga tayo."sabi nito at umuna ng lumabas ng kwarto ni Empress.

Napanguso nalang si Empress sa inasal ng kaibigan.

Hindi siya nasasaktan kasi alam niya naman na ganun na talaga si Nicole since bata pa sila. Pero alam niya na mahal na mahal siya ni Nicole. Si Nicole nga ang taga pagtanggol niya noong nasa grade school pa sila eh.

Mall

Masayang pumasok si Empress sa loob ng Mall habang ang kanyang dalawang kaibigan ay nakasunod lang sa kanya sa likod.

Mukhang alam na ni Summer kung anong gagawin nila sa loob ng Mall. Hindi naman mahilig sa shopping si Empress. Iba ang pinunta nito sa Mall, at alam na alam ni Summer at Nicole kung ano ito.

Nandito sila sa Mall upang maglaro ng Dare Game.

Oo, Dare Game. Hindi siya simpleng dare game kasi pahihirapan ka talaga.

At si Empress ang pinakamahirap mag bigay ng dare sa kanilang tatlo.

Binansagan siya ng kanyang dalawang kaibigan na Dare Queen at gustong gusto naman ito ni Empress.

Huminto sila sa may gitna ng mall kung saan makikita ang lahat ng ginagawa ng mga tao sa paligid.

Nakita ni Summer na ngumisi si Empress habang nakatingin sa paligid.

"Masama 'tong nararamdaman ko ngayon, Summer," mahinang sabi ni Nicole habang nakatingin din sa kaibigan nilang si Empress na busy sa pag tingin sa mga tao sa paligid.

Napatango nalang si Summer at kinabahan na din.

"Aha!"

Nagulat ang dalawa ng biglang sumigaw si Empress. Napatingin naman ang ibang tao sa kanya na mukhang na weweirdohan.

"Anong aha ka jan, "sabi ni Nicole.

"Mag laro tayo ng dare game!"

Napasapo sa noo si Summer.

"Here we go again.."mahina nitong sabi.

Everything Is Just A Bet (The Bet) -PUBLISHED UNDER DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon