[Oneshot]
Ang lapit sa akin ng crush ko,pero pakiramdam ko ang layo niya.
Siya si classmate,at ako ang kaniyang 4 years classmate at 4 years seatmate since first year high school.Pangalanan nyo na lang akong si "Seatmate" at ang crush ko ay itago natin sa pangalang "classmate".
Si Classmate may pagkaseryosong lalaki,sobrang tahimik at hindi namamansin lalo na sa mga babae.Maraming nagkakagusto sa kaniya dito sa school pero hindi niya iyon pinapansin.
Tinatawag siyang "Cold Hearted Guy."
"Pwede humiram ng correction tape?"Nabitin sa ere ang pagkain na sana ay pasikretong isusubo ko sa malamig na boses ng lalaking katabi ko.Nasa kalagitnaan kami ng klase at kasalukuyang nangongopya ang lahat ng mga kaklase ko habang ako ay pasimpleng sumusubo ng chichirya.
"Ha?"Syete,para akong tanga.Guys!!!First time akong kausapin ni Classmate!Wattodo?!
"Correction tape."Ulit nya.
"Correction tape?...correction tape...ay oo...correction tape...meron ako...sa bag...teka wait saglit.."Parang baliw na sabi ko at mabilis na hinanap ang hinihiram nya.
Ng makuha nya sakin iyon ay pasimple akong tumagilid at ngumiti.Whoooh!kinikilig ako...nahawakan niya yung daliri ko!kiligmatts!!!
---------------------------------
Malapit ng dumilim,nandito lang ako sa labas ng gate ng school,naghihintay ng sundo.Ang sabi sa akin ni kuya susunduin nya ako ngayon,pero mukhang nakalimutan niya kaya maglalakad na lang ako kahit malayo layo.
Hindi pa ako nakakalayo ng may tumigil na motor sa gilid ko.Si classmate....?
"Maglalakad ka pauwi?"Nakakunot noong tanong nya.
"Ha?"Dalawang beses na nya akong kinausap today!Ano bang date ngayon at sobrang swerte ko ata?
"Maglalakad ka?"Ulit nya tapos medyo ginulo pa nya yung buhok nya at pasimpleng tumitingin sa salamin ng motor niya.Nagpapacute ba toh sakin?ha-ha...talande ko talaga!
"Ai...oo eh...gusto ko sanang lumipad pauwi kaso di ko kaya,kaya maglalakad na lang ako.."NAkangiting sagot ko,di kami close pero ganito kasi ako sumagot sa ibang tao kapag tinatanong ako ng ovious eh...
"Sumabay kana sakin,ihahatid na kita pauwi maraming lasing sa daan ngayon."His voice is so cold but it's like a music to my ears...
"Ako?"Tinuro ko yung sarili ko."Sasabay sayo?"Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.Ang weird ng mga actions niya ngayon.Nag aalala ba siya sakin?Pwede na ba akong mag assume?
-----------------------
Nakakapagtaka,alam niya ang bahay namin.
"Salamat."Nakangiting wika ko.Tumango lang sya at umalis agad.Pumasok ako sa bahay na kinikilig at ngiting ngiti.
"Sino yun?"Tanong ni mama na nakadungaw pala sa may bintana.
"Si classmate!Akyat na po ako ma.."Tumakbo na ako paakyat sa hagdanan.
--------------------------------------
"Bakit mo ako palaging kinakausap?"Tanong ko kay classmate,wala kaming teacher nag absent daw.
Tiningnan nya lang ako at sumubsob sa desk ng upuan nya.
"Nice talking without answering.."Bulong ko.
"May nagpapabigay.."Iniabot sa akin ni Nica,president ng classroom ang isang white envelope.
Kinuha ko iyon."Galing kanino?"Tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya at tumalikod na.
Binuksan ko iyon,isang sulat.
~Pwede ba tayong magkita sa likod ng school after class.Need to tell you something.I'll wait for you.~
Jeremy S.
Natapos ko ng basahin pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko.Bakit parang kinakabahan ako?