Part 26. Period

2.9K 36 1
                                    

Casanova's Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Part 26. Period

-Zia's Point of View-

"Oh, bakit parang gulat na gulat kayo? May mali ba sa gusto ko?"

May mali? May mali?! Ang daming mali! Gusto niyang matulog KAMI ni Xander sa iisang kwarto! Tama ba 'yun?

Nanatili lang akong nakatulala habang nasulyapan ko sa gilid ng paningin ko si Xander na nagpipigil sa sarili na magalit.

"Bakit na kailangan na pa na magsama kami? Ang laki ng bahay natin! Ano ba talaga ang gusto niyong mangyari?"

Muling napabaling ang tingin ko sa katabi ko at somehow, na-touch ako kasi expected ko na siya pa ang unang tuwang-tuwa kapag nagsama kami sa iisang kwarto.

"It's weird Xander." Sumilay ang kakaibang ngiti sa ginang. "Ang alam ko, you are very happy kapag nakikipaglandian ka kasama ng mga pinapakilala mong girlfriend sa 'kin. And now, you are not agreeing with me? What's wrong with you?" She's smiling, but I could sense her sarcastic remark.

"Because as much as you know, I respect her family." He firmly explained. "Pinangako ko sa kanila na hangga't maaari ay di kami pwedeng magsama sa iisang kwarto."

"Bakit? Porket ba na sinabi ko na magsawa kayo sa iisang kwarto eh sinabi kong dapat may mangyari sa inyo na milagro? Of course not. If you really love your Zia, then you must control yourself from your lustful fantasies."

Ngayon, alam ko na kung sa'n nagmana 'tong si Xander. Sa'n pa? Edi sa lola niya. Napaka-straightforward eh. But uh-oh, I could really sense danger here. Kinukuyom na kasi ni Xander ang panga niya dahil sa pagkaasar.

"Will you please explain to us especially on me kung ano ang kinalaman ng pagtabi namin sa pag-oobserba niyo sa 'min para makumbinsi namin kayo?" Nagdududang tanong ni Xander.

"It's a secret apo." Matamis itong nakangiti. "One week. Convince me or else, ako mismo ang magpapahiwalay sa inyo." pagbabanta niya.

"Ah, pwede pong magtanong."Bumaling ang atensyon nila sa 'kin ng magsalita ako matapos ng ilang sandali nilang pananahimik. Nangangati na kasi akong itanong 'to eh.

"Gaano po kahalaga sa inyo or sa family niyo ang girlfriend ni Xander?" Napangiwi ako ng makita ko ang nakalukot nilang mga noo. "I mean, para naman po kasing--"

"It's because Xander will going to inherit all the properties that his daddy had and a part of mine also." She cut my words. "100 percent ng mananahin niya sa daddy niya ay ang Medina Group of Companies, including the Bus and Airline Businesses and some of the stock on Devonshire Academy. Aside from that, he will also soon to manage the coffee plantation and brewery that is base here in Amadeo. We are one of the biggest coffee producer here in the Philippines."

Napanganga ako sa sinabi niya at walang tigil ang pagkurap ko. Woah! Ang tindeh ng lahi ni Xander! Bus and Airlines, milyon na! What more pa kaya 'yung sa stocks sa Devonshire at 'yung coffee plantation pa nila? Business at its finest!

"In relation to your question, its a big deal for us kung sino ang mauuuto este mapapangasawa ng maloko kong apo. Dahil sa kaniya manggagaling ang susunod na henerasyon ng mga Medina. Atsaka isa pa, bago man lang ako mawala sa mundo ay makita ko man lang ang future apo-in-law ko at apo sa tuhod."

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon