Graduation Day na ngayon! 3 taon ang nakalipas at ako ang Salutatorian kasi nga diba 3rd ako nung bata kami? eh nawala si Ron kaya nag first na si Sam at ako naman ang nag second. Na maintain namin ni Sam yung rank namin. Medyo mahirap din pla maging Honor. Ngayon ko lang naramdaman eh. Kapag honor ka kasi, may posibilidad na yung ibang club eh ikaw ang mag ma-manage. Private School ako nag aaral kaya may club club :) Oo nga pala, may hinihintay ako ngayon dito, kaso alam kong aasa lang ako.
Patapos na ang Graduation wala pa din yung hinihintay ko. At alam ko na ang ibig sabhin. UMAASA na lang tlga ko. Pero alam kong babalik siya, pinanghahawakan ng puso ko yung mga salita niya, pero may sinasabi ang utak ko na tama na, wala na tlga siya. May ibang buhay na siya. Baka nga mamaya kahit 12 years old lang yun meron na yung ka relasyon eh, Ouch naman para sakin, O kaya naman, dahil 3 years na ang nakalipas at mga bata pa kami nun, eh nakalimutan na niya ko. haaaay di ko na alam :((
"DEESSS! Congratulation! "
" Hello po ate, Congrats po!"
" Thankyou, Thankyou " nakangiti kong sabi sakanila
" Baby, tara na? bka hinihintay na tayo ng Daddy and kuya mo. Let's go?"
" owkay, let's go"
-----------
16 years na ang nakakaraan nung umalis siya. Isa lang ang masasabi ko, naka move on na ko Okay na ko. :) and handa na ko sa isang relationship. Si Sam? Ayun medyo wala na kaming time sa isa't isa since naging busy'ng busy siya. Bata bata pa lang kasi pumunta na agad sa company nila. Ako naman, busy din, actualy mag s-start pa lang ako sa company namin next week kaya madami akong pinag aaralan. Matagal na nga din pla gusto nila Mommy na magka boyfriend ako. And this is it. I me-meet ko na yung guy na sinasabi nila Mommy and Daddy, Adrian daw name. Haaay kinakabahan talaga ko. -_-"
Nandito na ko sa Mall kung saan kami mag me-meet nung Adrian daw? ng may bumangga saking lalaki. Siguro mga ka age ko lang din?
" Crap! Are you blind?! " sinigawan niya ko habang pinupulot ko yung mga papers sa sahig na nahulog, at alam kong dito yun sa lalaking to. Bumwelo muna ko atsaka nagsalita
" Excuse me?! baka ikaw. Hello! ikaw po ang bumunggo sakin "
" Seriously Miss? Pero alam kong nagpapapansin ka lang "
" Papansin your face! sa tingin mo sayo ko magpapapansin? KAPAL. "
"......" He smirked
Layasan ko nga! sayang! gwapo pa sana siya. Kaso nung tinitignan ko yung mukha niya parang familiar eh, di ko alam kung nakita ko na siya or may kamukha lang siya. Hay bahala na. Di dapat ini isip ang ganung lalaki.